Chapter 18: Welcome to S.S.S.G

28 1 0
                                    

" Sino ka?" Sabi ni Justin.

Tapos ay napagawi ang tingin ng batang babae kay Justin.

Ngumiti ang babae.

" Ako si Alaisa Jane Abella. Galing din ako sa Earth gaya niyo. Patrol Galbinus!" Sabi niya sabay bow.

Tumango tango si Justin.

" Hmm siguro ay malawak ang kaalaman mo sa pagamot. " sabi ni Justin.

" Tumpak po kayo diyan!" Sagot ni
Alaisa.

" Alam niyo po kamukha niyo iyong isa sa mga picture doon sa ground hall." Sabi ni Alaisa. Maigi niyang pinagmasdan si Justin.

" Kayo po ba si Thunderstorm? Ang isa sa mga pinakamagaling na sui generis na nabuhay. Lumaban po kayo ng apat na digmaan!" pahayag nung bata nagniningning na iyong mata niya.

Hindi makasagot si Justin.

" Aaah guys ayokong umesktra ha pero gusto ko na talagang makapunta sa S.S.S.G na sinasabi niyo. " sabi ni Mark.

" Oo nga medyo bangag na kami at masyado na kaming maraming pinagdaanan." Dagdag ko.

" Hmm oo nga po pala ano! Kung ganoon ay humawak po kayong lahat sa akin." Sabi ni Alaisa.

At sa isang iglap ay nakatayo kami sa gitna ng entablado. Napakaraming tao. Halos lahat ay puro teen agers.

lumakas ang hiyawan ng mga nanood. Sinimulan kung pagmasdan ang paligid.

Karaniwang mga teen agers lang ang nandito at mukha silang galing sa future.

May mga armor sila pero futuristic din. Bawat isa ay may dala dalang sandata sa katawan nila. Mapa baril, pana, punyal at kung ano ano pa.

Normal naman sila tingnan. Kaso yung iba ay iba ang kulay ng mata. Yung iba naman ay kakaiba ang kulay ng kutis. May berde, may dilaw, at may bahaghari pa nga. So kung standards ng earth medyo abnormal nga sila.

Pero I believe in the saying ( pssh nosebleed) na maganda ang kakaiba.

So as I was saying,
Siguro nung nagpakalat ng diversity sa universe ay sinalo lahat ng lugar na ito. Bawat isa sa kanila kasi ay mukhang may istorya at mukhang may pinagdaanan. Ngunit ang mga mata ay puno ng kagalakan at determinasyon.

Sa isang banda ay may apat na upuan.

Isang dilaw, Isang pula, Isang itim at isang asul.

Sa bawat isang upuan ay may nakaupo.

Sa dilaw na trono nakaupo ang batang nagdala sa amin dito, Si Alaisa.

Sa asul naman ay ang isang lalaking naka glasses at parang weirdo. Nakataas ang buhok nito at pinutakte ng acne. Maputi naman siya. Puno ng grasa ang damit niya. Mukhang galing siya sa pagkukumpuni.

Sa pulang upuan naman ay natutulog ang nakaupo kaya hindi ko maidetalye ang itsura. Isa lang ang sure ko. Itim ang buhok niya.

Sa itim na upuan naman ay nakaupo ang isang lalaki na nakavneck longsleeves. Kulay brown ang buhok at mata. Maputi rin at matangos ang ilong kaya alam kung half american siya. Purong itim ang suot niya at gwapo talaga as in pero ayon sa puso ko.
Mas gwapo parin si Justin.

Maya maya pa ay tumayo ang lalaking naka itim at biglang lumakas ang hiyawan. Mga panlalait ang sigaw nila

Ngunit nagsitigil sila ni itaas Alaisa ang kamao niya.

" Magandang araw sa inyong lahat. Lalong lalo na sa inyo aming mga Kapatid. Magpapakilala ako muli sa ngalan ng mga bagong salta. Ako nga pala si Gary Albano. Leader ng Sullen." Sabi nung Gary

Nagsiboo ang lahat. May nagbato pa ng kamatis doon sa Gary pero nakaiwas naman siya.Mukhang galing iyon sa isang nakapula na T-shirt. Sheet ang harsh.

Sunod naman na tumayo ang naka kulay blue na may acne

" Ako nga pala si Eric Matthew D.Libranda. Lider ng Azure. "

" Hi! My name is Alaisa Jane O. Abella. Leader ng Galbinus. Matangkad ako!"

Nag aaaww naman iyong mga tao. Kasi ang kyut kyut talaga nung bata.

Pero napatigil ang pag aaw ko (he aso lang) ng tawagin ni Justin ang pansin naming tatlo. Si Abi, Si Mark at ako.

" Makinig kayong maigi sa akin. Papapiliin tayo mamaya sa limang bagay. Piliin niyo ang gusto ninyo." Babala ni Justin.

Tumango nalang kami bilang sagot.

Na pansin ko na binatukan ni Alaisa iyong katabi niyang natutulog. At parang sinasabi niya na ikaw na ang magpakilala.

Dahan dahang inangat nung lalaki iyong ulo niya at halos ikamatay ko ang sunod na nakita ko.

Paano siya napunta rito? Iyong lalaki na nasa panaginip ko. Iyong may violet na mata? Siya nga ba talaga ang batang lalaki na nasa panaginip ko

At ng magtama ang tingin namin. Nagulat ako. Mukhang hindi ako namamalikmata. Violet nga talaga ang mata niya. Kaparehas iyon nung kulay ng mata nung bata sa panaginip ko. Kung siya nga ang lalaking iyon kailangan ko siyang makausap. Kailangan kong malaman kung anong sinasabi niya sa panaginip ko! Uhaw na uhaw ako sa katotohanan! Sawa na akong maging ignorante sa tunay kung pagkatao.

Malakas ang pakiramdam ko malaki ang kaugnayan ng panginip ko sa aking nararanasan ngayon.

Tiningnan ko siya ng matalim. pagkatapos ng matagal naming pagtitinginan ay sa wakas tumayo na siya upang magsalita.

" Ako si Daniel, Daniel Mapalo. Lider ng Rubēre."

The Planetary ConjunctionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon