Pinagmasdan ko siyang maigi. Tantya ko ay nasa 16 years old na siya. Marahil ay dahil na rin sa height at ang paggalaw niya.
Alam kung tinititigan niya ako. Napansin din iyon ni Abi.
" Jaz kilala mo?" Tanong ni Abi.
" amm oo, diba kasasabi niya lang na siya si Daniel." Sabi ko.
Napatawa ng mahina si Abi.
" Hindi iyon iyong ibig niyang sabihin Jaz. " sabat ni Justin.
Huminga ako ng malalim.
" Kilala iyan ni Jaz, nakita niya na iyang taong iyan. Dahil ba purple ang mata niya?" Litanya ni Mark.
" Tama ka Mark. Pakiramdam ko ay
siya ang nasa panaginip ko. Kasi may violet siyang mata. " sabi ko." Magkaiba ang violet sa purple, Purple ay nasa gitna ng red at blue habang ang violet ay nasa gitna ng blue at purple." Paliwanang ni Mark.
" Edi wow. Kinokorrect pa ako!" Pabiro kung sabi.
Tiningnan ako ni Justin.
" Jaz, iyong ganyan uri ng mata ay common sa mga sui generis. Napakarami na akong na kilala na may ganyan na mata. Maaring nagkakamali ka ng taong tinutukoy." Saad ni Justin
Napabuntong hininga ako.
" Kailangan ko siyang makausap. Wala naman sigurong masama kung susubakan ko hindi ba? " saad ko.
Tumango naman si Justin.
Sa isang iglap ay nagteleport si Alaisa. Pagbalik niya ay may dala dala siyang basket. Inilapag niya sa lamesa sa harap namin ang mga bagay na laman ng basket.
Lahat ng libro ay kulay itim ngunit tila may mga nakalagay na simbolo sa pabalat ng mga libro.
" Sa limang libro na iyan ay pipili ka ng isa at iyon ang gagamitin naming pamamaraan upang mapili kung saan kang patrol dapat mapunta. " paliwanag ni Eric
( iyong naka asul na may acne. )Nagkatinginan kaming apat.
" Oh sino sa inyo ang mauunang mamili?" Tanong nung naka itim na damit. Gary ata iyong pangalan.
Agad akong nagtaas ng kamay. Feeling hunger games tuloy ako. Na I volunteer with matching taas kamay. Sakto naka braid pa naman ako.
Iyon nga lang ay hindi ako na pansin nung lalaking nakaitim dahil natatakpan ako ni Justin na di hamak na Mas matangkad sa akin. Teng ene. Naseen ako! Huhuhu
" Ikaw na lalaking naka itim na leather jacket!" Tawag ni Gary kay Justin.
" May pangalan ako." Sagot naman ni Justin.
" At ano naman iyon Kapatid?" Tanong ni Gary.
Napatigil si Justin. Bakit parang ayaw niyang malaman ng lahat ang pangalan niya? Ano kayang trip nitong si Justin.
" Ako si Tin." Sabi niya.
" Tin?!" Sabi ko na shock.
" Hindi po iyon ang pangalan niya! Just-"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng salpakan ako ng foods sa bibig ni Justin. Anong trip nito? Pero dahil adik ako sa foods Mas magandang ubusin ko na muna ito bago magsalita.
Habang inuubos ang laman ng bibig ko, binulungan ni Justin si Abi at walang tigil si Abi sa kabibigay ng foods at kasasapak sa bibig ko.
Mukhang ayaw ipaalam ni Justin iyong tunay niyang pangalan. Hmmm bakit kaya?
Si Mark naman ay parang naawa sa akin kaya tinulungan niya na ako sa mga pagkain
Pagkaubos ko ng pagkain ay nagsalita ako at nagtake 2.
" I volunteer" sigaw ko.
Tiningnan naman ako ng lahat at dahan dahang lumapit sa lamesa kung san nakapatong ang apat na libro.
Iyong unang libro ay may nakaukit na larawan ng gamot. Agad na sumagi sa isipan ko si Abi. Nakakatuwang isipin na para siyang mga gamot na ito. Hindi ko man naikuwento these past chapters pero tuwing matutulog kami ay lagi niyang pinapalakas ang loob ko. Alam niya kasi na kahit limang araw na akong namumuhay bilang isang sui generis ay kinakabahan parin ako. Hindi ako sanay sa karahasan.
Siya ang gamot na pampakalma.
Ang pangalawang libro naman ay may nakaukit na larawan ng pakikipaglaban. Isang magiting na bayani na pakikipaglaban upang protektahan ang nasa likod niyang mga bata.
Biglang sumagi sa isip ko si Justin. Pakiramdam ko ay kagaya niya ang nasa larawan. Lagi niya akong prinoprotektahan at iyon siguro ang dahilan kumbakit ang lakas ng tama ko sa kanya.
Ang pangatlo ay tungkol sa kaalaman. Kung san ang ay may mga bata na tila nag aaral at mayroong isang guro sa harap. Naalala ko dito si Mark. Parang siya iyong guro dito at ako iyong bata na dapat niyang turuan. Hindi naman kasi ang pagiging matalino ang greatest asset ni Mark kundi ang pagiging mapagbahagi niya sa kaalaman sa mga nangangailangan nito. Napaka giving niya.
At ang pang apat na larawan ang siyang pinakapumukaw sa aking atensyon.
Ay ang pagbubuhat ng isang lalaki sa mundo. Ngunit sa repleksyon niya ang mundo ang nagbubuhat sa kanya.
Parang iyong sitwasyon ng prinsesa na kailangan kung mahanap at "ako" lang daw ang susi upang mahanap iyong prinsesa. Maaring kapag natagpuan siya ay instant rich kid siya pero nakapatong din naman sa kanya ang obligasyon na pangalagaan ang kanyang nasasakupan.
" Mamili ka kapwa sui generis! Sa lahat ng ito. Ano ang gusto mong libro?" Tanong nung Gary.
Pinagmasdan ko ang lahat ng ito.
Patay pantay ang pagtingin ko sa librong ito." Mamili kana Jaz! Masyado kang pathrill!" Sigaw ni Mark.
" Tseh basag trip ka talaga eh ano. Sige na. Umm kukunin ko po ang lahat." Sabi ko.
Napawoaaah iyong mga tao. Na akala mo ay first time makakita ng taong pinili lahat ng libro.
Nag usap usap ang apat na lider at parang nag aaway sila.
Si Abi ay sapo sapo ang noo. Si Justin ay nakafacepalm. Si Mark ay tila umuusal ng dasal. Mukhang hindi na sunod ang original na plano na makiblend in. Haysst.
Pagkatapos ng mahabang diskusyunan ay pinindot nila ang golden buzzer sa harap na ngayon ko lang na pansin. Anak ng putik. Wala silang originality! Kaya pala apat iyong upuan feeling pilipinas got talent sila. Hmmm kung si Alaisa si Angel Locsin. Sino sa mga boys sa ang Vice ganda? FMG? Robin Padilla?
Maya maya pa ay may dumating na magandang babae. Naka long gown siya at napaghahalataan na mataas ang katungkulan niya. Nakapusod ang kanyang buhok. chinita at ubod ng ganda. Sa kanyang matangos na ilong at mapupungay na itim na mata. Parang may lahing half chinese ang kanyang itsura.
Mayroon siyang sword sa gilid ng beywang.
Naku ano nanaman bang kaetchosan ang mangyayari sa sunod na kabanata?!
BINABASA MO ANG
The Planetary Conjunction
Science FictionSi Jazriel Soriano ay abnormal. Hindi siya ordinaryo, or atleast iyon ang sinasabi nila Justin, Abi, Mark at ng mga aliens. Mula sa pagiging typical na estudyante na ang tanging problema lang ay love life at pag-aaral ay natagpuan niya ang ang kany...