Pagkarating namin sa campsite ay namangha ako sa natatanging kaastigan nito. Sa harap nito ay puno ng nga itim na bulaklak na hindi ko alam ang katawagan sapagkat first time ko lang makita ang mga ito. Mayroon din dilaw, asul at pulong bulaklak na sa hindi malamang dahilan ay umiilaw sila. Feeling avatar nga ako dito eh.
Ang bakod ay gawa sa kahoy. Pagkatapos sa harap ng parang gate ay nakalagay ang apat na watawat ng apat na patrol.
Ngayon ko lang napagmasdan ang tunay na sagisag nito.
Ang sa Rubēre ay dalawang espada na naka x at sa itaas ay isang image ng Leon. Ang sa Azure naman ay Libro na hawak ng isang goddess. Athena ata ang pangalan?
Sa isang banda naroon ang watawat ng Galbinus kung san may simbolo ng isang anghel na hawak ang isang medisina.
Ang Sullen naman ay may simbolo ng bungo na may putong na rosas.
Kakaiba at medyo nakakagoose bumpsMoving on...
Pumasok na kami sa loob ng campsite. Sa gitna ng campsite ay may malaking campfire.
Amoy na amoy mo ang pinecones na nakapaligid sa campsite. Halo halo ang mga tao rito. Mukhang magkakasama ang mga patrol sa iisang campsite. Gayon pa man ka pansin pansin ang pag iwas sa mga taga sullen ng ibang patrol. hingil sa kadahilanang ito, ang magkakasama ay puro mga taga sullen.
May mangilan ngilan na nag uusap. May nagtatawanan. May nagkakantahan at nag guguitara. Para talagang nagcacamping lang sila.
Sa medyo malayong distansiya ay tanaw ang mga bunk houses na base sa kulay ay mukhang hiwalay din ang tulugan ng mga babae at lalaki.
At nakadivide ulit ito sa apat na irinerepresenta ng mga patrol.
Sa isang banda naroon ang mga sui generis na naka pila gaya ng mga cafeteria scenes. Pinagkaiba lamang ay robots ang mga nagsasalok ng pagkain.
Hindi naman sila mukhang mga nasalanta ng bagyo ng Yolanda na binibigyan ng relief goods na pinapalitan ng ahensya upang palitan ang mga relief goods na may mataas na kalidad ng mga panibagong relief goods na hindi matatanggap ng iyong sikmura sa kadahilanang malapit na ang expiration date nito.
Yup perfectly normal. Napakanormal ni lang tingnan except iyong isang tray ay lumulutang ka sama narin ng damit. At papalapit sa amin ang tray at lumulutang na damit.
Shemay nakakatakot.
Lumagpas na sa amin ang lumulutang na tray at damit.
Pagkatapos may mga teen agers na rainbow ang buhok at medyo cool ang komplexsyon. May red, orange, yellow and green, blue and indigo the least ones violet.
Nagsimula na kaming pumila upang kumuha ng pagkain. Pagkatapos naming kumuha ng pagkain ay nagtungo na kami sa isa sa mga lamesa at kumain.
Habang nakaupo di ko naiwasang hindi isipin ang tinuran ni Professor Albert. Na malaki ang aking responsibilidad sa universe. Ako daw kasi ang susi upang mahanap ang nawawalang prinsesa.
Isa pa sa bumabagabag sa akin ay ang ngalan ng kontrabida sa istoryang ito.
Si Charleston.
Idagdag mo pa iyong nangyari kanina. Iyong sinabi ni Justin, na maganda daw ako. Ano iyon joke? Nagpapakita ba siya ng motibo oh ano?
" Huy parang andami mong iniisip ah." Bati ni Abi.
" Bakit marami ba siya?" Tanong ko sabay turo kay Justin.
Nagkaroon ng awkward silence with matching. Kruu kruu sound effect.
BINABASA MO ANG
The Planetary Conjunction
Science FictionSi Jazriel Soriano ay abnormal. Hindi siya ordinaryo, or atleast iyon ang sinasabi nila Justin, Abi, Mark at ng mga aliens. Mula sa pagiging typical na estudyante na ang tanging problema lang ay love life at pag-aaral ay natagpuan niya ang ang kany...