Chapter 31: Catch Me

21 1 4
                                    

Mahilig kaba sa science. Siguro nadiscuss na sa inyo ng teacher niyo iyong tungkol sa mga chameleon o sa iba pang hayop na nagsisilbibing invisible sa ibang hayop qa dahil nakikiblend in sila sa sorrounding.

Pwedeng ginagawa nila ito upang takasan ang predator o kaya naman upang makapanghuli ng prey.

At well ito ang plano ko. Gabi naman noon at walang ka ilaw ilaw sa kagabutan. Ang hindi nila alam ay nagdamit kami ng itim para makablend in sa palagid. Sinuot naming ang mga face mask sa aming bulsa.

Gumawa si Mark Jester ng mga communication watch para sa lahat. Ito ang magsisilbing daanan upang makapagreport kami sa isat isa.

" Jaz! Bakit kailangan ba kasing si Justin ang partner ko?" Tanong ni Mark.

Nasa kampo kami ngayon at ayon sa aking pagkakaalam ay

7:30 na. Ipinaliwanag na sakin ni Kuya Kano na sa unang dalawang oras ay hindi pa muna kumikilos ang mga patrol. Inihahanda muna nila ang kanilang mga paintball guns at marami pang ibang kakailanganin para sa conflagration tournament.

At eto ako ngayon kaharap si Mark na reklamo ng reklamo sa pagiging mag partner nila Justin.

" Mark, si Justin ay magaling pagdating sa pakikipaglaban at paghawak ng baril. Maproprotektahan ka niya kung sakaling magkaroon ng aberya sa gagawin ninyo." Paliwanag ko sabay tapik sa balikat niya.

Sumimangot si Mark at umalis panandalian. Naku nagtatantrum nanaman. Pero laking gulat ko ng bumalik siya. Dala dala ang palaso at pana.

Isinukbit niya ang lalagyan ng palaso sa likod niya at pagkatapos bumunot sa bulsa niya ng tatlong bilog na bagay na narecognize ko agad na paintball.

Hintak niya ang kamay ko papunta sa isang puno at ibinigay sa akin ang tatlong paintball.

" Ihagis mo iyan mamaya sa tapat ng puno" utos niya sa akin. Bumunot siya ng tatlong palaso sa may likod niya at ipinosisyon ito sa pana.

" o Sige na ihagis mo na" sabi niya inihagis ko sa ang tatlong paintball. At halos malaglag ang panga ko ng binitawan niya ang palaso at tamaan lahat ng paintball at saktong lumanding ang pintura nito sa puno.

Clearly ipinapamukha niya sakin na kaya niya na ang sarili niya at hindi niya na kailangan si Justin.

" So ngayon pagpapalitin mo na ba ako ng partner?" Tanong niya sakin sabay smirk.

" Aba anong nangyari sa inosente kung bestfriend na hindi marunong makipaglaban? Tila sumapi sa iyo sa Robin hood. Ang galing galing mo na!" Sabi ko.

" So I'll take that as a yes? " tanong niya sakin.

Nag-isip ako panandalian.

" Mark hindi puwedeng magbigay ako ng last minute changes, masisira ang plano. Magkakandagulo, at isa pa mas maganda ngang parehas kayo ni Justin na magaling makipaglaban." Sabi ko sa kanya.

Hindi ko talaga alam kung anong real score sa dalawa at tila bwisit na bwisit sila kapag nakikita nila ang isat isa.

Maya maya pa ay dumating na si Abi na kapartner ko sa pares na siyang kukuha ng watawat ng Rubēre.

Sila Mark at Justin ang bahala sa Azure.

Si Gary at Jotue naman ang bahala sa Galbinus.

" Initiator!"

" Aaah nga pala Abi asan si Justin?" Tanong ko Kay Abi na noo'y nasa tabi ko.

Hindi ko rin namalayan ang pagpunta niya rito. Hmm ngayon ko lang napansin ah. Saan kaya nagsusuot iyon.

" Initiator!"

" Ewan ko rin eh. " sagot ni Abi

" Initiator!"

Lumingon ako.

" Teka ako ba ang tinatawag mo?"

Humangos papalapit sa akin ang batang babaeng ita.

" Opo, napagdesisyunan naming tawagin kayong initiator. Tutal kayo naman po ang nag- isip ng plano natin." Sagot nung bata.

" aah ganun ba Mari! Wow nakaka overwhelm naman iyan."

Oo kilala ko na iyong bata. Tanga ko naman kung Hindi ko alam iyong tunay niyang pangalan diba? Tatlong araw na ako dito sa S.S.S.G tapos di ko pa alam pangalan nila parang ambobo ko naman nun.

" Hindi po Mari ang pangalan ko. Loise po" sagot nung bata.

" Ano kaba? sinusubukan ko lamang ang talas ng iyong isipan"

Lumingon lingon ako. Hmm sana walang naka kita nun. Nakakahiya.

" Hindi po talaga ako nagkamali na gawin kang idolo initiator" sabi ni Loise.

Napakamot ako sa batok.

" Hehehe salamat. Teka bakit mo nga pala ako tinatawag?" Tanong ko.

" Ah kasi po initiator malapit ng matagpuan ng mga taga Rubēre ang isa sa mga trapsite natin." Sabi nung bata.

Muntik pang lumuwa ang eyeballs ko ng sabihin niya iyon. Ano daw? Teka wala pang dalawang oras ah. Mukhang desidido talaga nila kaming pabagsakin.

" Bakit ngayon mo lang sinabi?" Tanong ko.

Pagkatapos ay humangos at kinuha ang maliit na kutsilyo sa bulsa ko na nagiging spear. Hmm pangalanan ko kaya itong weapon ko.

Aaah alam ko na! Bellona...
Ang pangalan ng goddess of war ng mga Romano.

Pagkatapos kung mailabas ang Bellona ay pinindot ko ang diyamante dito at bigla itong humaba.

In adjust ko ang communication device sa general para marinig ng lahat.

" Trapper 1 maghanda na. Papalapit na sa Trapsite 1 ang mga taga Rubēre." Utos ko.

" Uubusin ba namin sila Initiator?" Tanong ng isa sa mga miyembro ng trapper 1.

" Hindi! Magtira kayo ng isa. Hayaan niyo siyang makabalik sa kampo nila at palagyan niyo ng tracking device. Isa pa kapag nalaman ng mga taga Rubēre na nalampaso sila magpapadala sila ng Mas maraming miyembro nila sa trapsite number two. Clear?" Sabi ko.

" Yes Initiator!"

Sumenyas naman ako Kay Abi at Mark na mauuna na ako dahil lider ako ng trapper one. Kasama ko si Justin.

Hmm matawagan nga ang aking may loves.

Isinet ko ang communication device sa private at kinontak si Justin.

" Justin asan kana?" Tanong ko.

" nasa likod mo." Sabi niya.

Humarap ako sa likod at muntik pa kaming magkiss dahil nga napaharap ako sa kanya pero dahil sa training ay mabilis pa sa alas kuwatro na naka iwas ako sa mangyayaring halik at agad akong Napa atras.

Kaso may bato sa likod kaya ayun mapapataob sana ako kaso ayon sinalo ako ni Justin.

Nakulong ako sa mga mata niya at nagkatinginan kaming dalawa habang hawak hawak niya ang likod ko.

Dub dub dub dub..

Aaaaaaaah iyong puso ko.

" Ang hilig mo talagang mahulog."

" Ang hilig mo naman akong saluhin"

Napangiti sakin si Justin at parang panandaliang tumigil ang mundo. Kung puwede ko lang ibulsa iyong ngiting iyan..

" Initiator! Asan na po kayo?"

Taragya! Oo nga pala.

Inayos ko ang aking sarili at nagkaroon ng awkwardness sa pagitan namin.

" ah. Tara na." Sabi ko at nagtungo na nga kami sa trapsite 1.



The Planetary ConjunctionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon