Chapter 23: Walang Sapat na Oras

48 3 2
                                    

Nanigas kami sa aming kinatatayuan.

(Uy huwag kayong greenminded!)

Tumatagaktak ang aking pawis at tila nag siurong ang aming mga dila.

Hinihintay naming ang isa sa amin ang magpaliwanag. Hindi kasi ako magaling pagdating sa diplomasya.
Baka pag may nagkamali sa amin ng choice of words baka malagutan kami ng hininga. Andami kaya naming dinanas na hirap. Pagkatapos ganyan lang. Haysst.

" Hahahahahaha Biro lang ano ba naman kayo! Alam kung darating kayong apat. Masyado kayong tensed loosen up!" Sabi ni Professor Albert.

Pinilit naming tumawa.

" Hahahahaha." Sabi ni Mark. Hindi niya napigilan ang sarili at napairap.

Kahit ako ay medyo nabadtrip rin pero okay narin na nagbibiro lang siya kaysa naman sa hindi diba?

" Eh paano niyo po nalaman na darating kami?" Tanong ni Abigail.

" Nag messenger sakin si Red. Akalain mo iyon muling nabuhay iyong batang iyon. " bulalas ni Albert Einstein.

Hindi ko na tinanong kung nagbibiro ba siya oh hindi. Nakakapagfacebook nga siya eh Baka possible nga talaga iyon.
Tanong lang paano sila nakakakonekta sa facebook sa Phobos ( aka moon ng Mars)?

" Buhay po si Kuya? Eh si Ate Erika at Kuya Laurence?" Tanong ni Abi nagniningning ang mga mata niya.

Naku sana naman ay walang nangyaring masama sa kanila kapag nangyari iyon hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

" Ayos lang naman sila iha, katunayan nakapagskype pa nga kami kagabi mukhang susunod sila sa inyo dito." Paliwanag ni Professor Albert.

" Nako salamat naman pala sa mahabaging panginoon. " sabi ni Abi.

Pagkatapos ay huminga siya ng malalim at tila nabunutan ng tinik. Hindi narin maiwasang kumawala ng luha sa kanyang mapupungay na mata.

Si Mark naman ay sinenyasan ko na yakapin si Abi. Hahahahaha moment na nila. Tingnan lang nating kung hindi mangamatis ang babaeng kulot.

Yinakap ni Mark si Abi at tinapik sa likod.

Bumuka ang bibig ni Mark. Hmm sigurado akong kikiligin si Abi sa susunod niyang sasabihin.

" huwag ka nga diyang OA. Ligtas na sila at iyon ang mahalaga. Isa ka sa pinakamatatag na babaeng na kilala ko at humahanga ako sa galing mo. Tumigil ka na sa pagiyak."

Binitawan na siya ni Mark
........

Pinagmasdan ko si Abi. Ahahahaha iyong mukha niya. Ang pula. Yes naman sir oh.

" Aah nga pala professor bakit niyo po kami pinaiwan?" Tanong ni
Justin.

Haysst sa wakas nagsalita narin ang melabs ko. Buwahahaha.

Biglang nag iba ang ekspresyon ni
Professor Albert.

" Hingil sa sinabi ni Red kailangan ko daw tulangan si Jaz na tuklasin at linangin ang kapangyarihan niya. At idagdag mo pa ang deadline na within 4 days. " sabi ni Professor Albert.

The Planetary ConjunctionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon