Chapter 32: Trapsite #1

28 3 0
                                    

Time Check: 8:45 pm.

Nasa itaas kami ngayon ng mga puno. Ang mga taga Rubēre naman ay walang kamalay malay sa aming presensya ilang lakad nalang nila at matutupad na namin ang ikalawang bahagi ng naming plano.

Habang naglalakad ang nasa unahan nila ay nagbilang ako sa isip.

Isa, Dalawa, Tatlo...

Biglang lumubog ang mga taga rubēre. Nagteleport si Fina Lee para kuhanin ang isa sa kanilang mga kasamahan. Ayon sa plano ay hahayaan naming mapanood ng kinidnap niya na isa ang paglampaso namin sa kanila.

Nalaglag ang natirang apat sa patibong namin. Malalim na hukay iyon.

" ihanda niyo ang mga pannangga!" Utos ko.

Inihanda namin ang mga panangga namin at gaya nga ng inaasahan ko ay nagsimulang magpaputok ng baril na may laman ng paintball ang mga taga Rubēre.

Nakahanda na ang aming mga pannangga kaya wala sa aming tinamaan.

Hinintay namin hanggat maubos ang bala ng kanilang mga paintball guns.

Halos ilang minuto rin tumagal ang putukan.

At Maya Maya may sumigaw na isa sa mga taga Rubēre.

" Kung subukan kaya nating umalis sa patibong na ito ano? Para naman maasinta natin silang maayos. Ala kayong common sense!"

Nagsisang ayon naman ang iba.

Kaso bago pa man matuloy ang plano nilang umalis sa hukay ay binigay ko na ang go signal upang magpaputok.

At pinaulanan na namin ng paintball ang mga taga Rubēre.

Naghiyawan kami ng biglang may umilaw sa kalangitan. Parang projector.

At doon nakalagay ang puntos ng mga patrol.

Nasa amin ang unang 60 na puntos. Dahil sa alituntunin na kapag sabay sabay tinamaan ng limang paintball ay may karagdagang puntos.

Nagsibabaan kami sa puno at tinulungan ang mga natalong miyembro ng taga Rubēre para maka alis sa bitag.Ang iba ay nagulat ngunit hinayaang tulungan namin ang sila. Ang isa naman ay nag lol face sabay sabi ng:

" No thanks nigga!"

Hmmp EDI bahala siya! Pinauna ko na ang iba naming kasamahan sa Sullen.

Nagpaiwan kami ni Justin para interbyuhin ang lalaking kinidnap ni Fina Lee.

" hindi ka namin babarilin ng paintball. Papakawalan ka namin at hahayaang makabalik sa kampo niyo. Ibalita mo sa kanila ang nangyari. Kung paano namin kayo nagapi." Utos ni Justin.

Takte parang war stimulation ang nangyayari dito ah.

Anyways.. Tumango tango na lang iyong lalaki. At patakbong umalis ng lugar. Nag katinginan kami ni Justin sabay bro fist.

" Hoo success!" Sabi ko sabay talon.

Pangiti ngiti lang naman si Justin habang pinagmamasdan akong magcelebrate dahil sucess. Si Fina Lee naman ay sumaludo nalang sakin. At nagteleport paalis.

Kaso nga lang.....

" bshdheveuknfxx! "

Napalingon kami parehas ni Justin kung san nang galing ang weirdong tunog na iyon.

Maya maya pa ay yumayanig na ang lupa. Mula sa lupon ng mga puno ay lumitaw ang napakatangkad na nilalang.

Kulay asul ang kanyang balahibo at parang maihahalintulad ang kanyang itsura sa isang unggoy iyon nga lang ay sobrang tangkad nito.

The Planetary ConjunctionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon