Chapter 27: Bate

23 2 0
                                    

Maaga akong nagising kinabukasan kahit medyo pagod, medyo puyat, medyo gutom at medyo inspired. I repeat medyo lang.

Itinali ko ang buhok ko sa isang masikip na ponytail at tumungo sa arena.

Inunahan ko na si patrol lider Gary sa arena at nagsimula na akong libutin ang arena habang nagjojogging.

Dala dala ang aking tumbler at bimpo ay nakaikot ako ng mga dalawang beses nasa Kalahati na ako ng tatlo ng dumating si Daniel.

Naka jogging pants siya at naka v-neck T-shirt na red. Oo aaminin ko maganda ang figure niya at talagang gwapo pero ang dahilan kumbakit ako nakatingin sa kanya ay ang  kanyang kulay ube na mata. Kailangan kung makausap si Daniel. Kailangan kung malaman kung may koneksyon ba kami.

Huminto ako panandalian. Ngunit nag gesture siya na ituloy ko ang aking ginagawa. Matapos kung maikot ng apat na beses ang arena ay nag sit up ako ng 100 times. Kaibahan lang ngayon medyo hindi na mahirap. Parang napakanormal lang.

Pagkatapos kung mag sit up ay tumayo ako.

Pumalakpak siya pero slow clap lang.

" asan si Gary?" Tanong ko.

" Ito ba ang pinagawa sa iyo ni Gary kahapon? Ang magtatakbo at magsit up? Hmm palibhasa wala naman siyang alam sa pakikipaglaban" bungad niya sa akin.

Teka wut?! Sama niya naman oh.

" Ang hangin mo naman bakit ikaw magaling kaba makipaglaban?"

Oo alam kung magaling siya pero wala siyang kahumbleness sa katawan. Laitin ba naman si patrol lider Gary sa harap ko. Ang sama niya talaga.

Tinanangal niya iyong zipper ng bag  sa harap ko at bumungad sa akin ang sang katutak na klase ng armas.

May baril, may latigo, may bow and arrow, may boomerang, may bazooka, may mga kutsilyo ngunit ang pinaka pumukaw ng aking atensyon ay ang isang double edged spear.

" Pumili ka ng isa Jazriel at tingnan nating kung magaling nga akong makipaglaban." Hamon niya sa akin.

Tumango ako at hinawakan ang double edged spear. Medyo mabigat nga lang pero okay na rin.

" Kahit isang araw pa lang ako rito may malasakit ako sa patrol lider ko at hindi ko hahayaan na laitin mo lang siya ng ganoon" sigaw ko at nagsimula na kaming maglaban.

Dinampot ni Daniel ang baril at walang alinlangan na binaril niya ako.

Dunno how I managed it pero nakailag ako.

" Papatayin mo ba ako?" Tanong ko

" Bakit hindi? Dapat kapag humawak ka ng sandata ang tanging nasa isip mo ay saktan ang iyong kalaban." Saad niya

"Mali ka dapat kapag dumampot ka ng sandata ay para protektahan ang mga taong umportante sa iyo." Sigaw ko.

Dinampot niyang sunod ang bow and palaso at inasinta ako. Pinaikot ko ang spear at tila gumawa ito ng wind barrier na siyang dumeflect ng palaso na pinakawalan niya.

Malas ko lang dahil hindi lang pala ordinaryong palaso ang inasinta niya sa akin. Oras na tumama ito sa talim ng aking armas ay nagsambulat ang talim ng palaso
dahilan upang masugatan ang aking braso.

" Magaling ka umilag!" Mapang asar na bati ni Daniel.

" Mayabang ka" bati ko habang patuloy umiilag sa pinapakawalan niyang palaso.

The Planetary ConjunctionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon