Chapter 2: Eskinita

76 4 0
                                    

Katatapos lang mag ring ng bell. Palabas ako ngayon ng gate ng school habang naglalakad.

Dala dala ang aking libro. 

" Jaz!"

Napalingon ako at laking gulat ko ng malaman ko kung sino ang tumatawag sa akin.

Si Justin!
 

Ngumiti siya sa akin ng pag katamis tamis sabay lapit sa akin.

" Jaz pwede ba kita ayain sa mall?" Tanong niya sakin.

Teka ano ito date? Grabe naman kinikilig ako.

Kinurot ka ang sarili ko para sigiruhing hindi ako nanaginip.
Mark.

" Jaz umuwi ka ng maaga ha?"

" Jaz umuwi ka ng maaga ha?"

" Jaz umuwi ka ng maaga ha?"

Hay nako. Kailangan kung baliin muna yung bilin ni Mark. Ibang usapan na kasi ito. Si Justin na ito eh.

" sige lang "sabi ko.

Ng hapong iyon ay dumiretso kami ng mall. Nag arcade kami. Kumain kami sa fastfood chain. Tapos nanood ng sine. At lahat ng iyon ay sagot niya. Sa buong panahong magkasama kami. Walang tigil sa kakaring ang cellphone ko at alam kung si Mark iyon.

Hindi ko nalang siya sinagot at sinilent ko nalang ang  phone ko.

8:00 pm ng mapagdesisyunan namin na umuwi. May tumawag sa kanya at sinabing emergency daw. Hindi niya ako nahatid at binigyan nalang ako ng pamasahe. Na kung san ay naoffend ako.

sumakay agad ako ng jeep. Tumigil na sa pagtawag si Mark.

Hay sorry talaga.

Pagkasakay ko ng jeep napansin ko agad na wierdo na ang kinikilos ng mga tao.

Kung ang usual senaryo ng jeep ay may nagkwewentuhan, nangungulangot, nagcellphone at na papakacool.

Ngayon wala eh as in para silang mga robot. Nakaupo at walang ginagagawa.

" Bayad po" sabi ko sabay abot sa bayad.

Kinuha nila ang aking pera na parang robot lang din.

At ang Mas nakapagtataka ay walang nagbabayad sa kanila.
Hindi rin nagsasalita yung driver.
Anung klaseng jeep ito.

Linibot ko ang paligid upang maghanap ng camera. Malay ko ba kung nasa Wow Mali Parin ako.

Negative wala talaga.

Inunsilent ko na lang ang phone ko at pagkakita ko.

51 missed calls

1 unread text.

" Jaz, sensya na kung nasisira ko moment niyo. Alam kung kasama mo si Justin at nasa mall ka ngayon. Sige enjoy your moment. Basta kapag hindi ka pa umuuwi ng 10:30 tatawagan ulit kita. "

The Planetary ConjunctionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon