Minsan sa buhay kailangan nating mausig at humarap sa matitinding pagsubok upang maipamalas ang ating katatagan at mahubog ang ating pagkatao. Kinakailangan rin nating magpakasakit at magsunog ng kilay upang makamit ang kapita pitagang tagumpay. Kinakailangan ding magtiis at magpakatatag.
Pero paksheet naman kasi talaga. Hindi ako pinagbigyan ng director ng aking buhay ( si God) ng fast forward six dramatic action scenes.
Halos tatlong oras na akong pinahihirapan ng trainor ko. Noong una ay pinatakbo niya ako sa buong arena at pinalibot niya sa akin iyon ng apat na beses. Siyempre hingal ako to the max. Libutin mo baga naman ang arena na kasing laking ng Phillipine Arena.
Pagkatapos ng makapigil hiningang exercise ay hindi pa nakuntento si Gary at pina sit up ako ng isang daang beses.
Siyempre ang init init sa pakiramdam. Tagaktak ang pawis ko at hindi na ako makahinga.
Nung ika 75 na sit up ay bigla akong humiga pero laking gulat ko ng buhusan ako ng malamig na tubig ni Gary. Mga isang balde siguro.
" Kapag hindi ka pa tumayo diyan mainit na tubig ang ibubuhos ko sa iyo." Banta ni Gary.
Teng ina asan na ba ang human rights commission kapag kailangan mo sila?
" Sabi mo tuturuan mo akong makipaglaban. Body building naman ito eh." Reklamo ko.
" Kapag nakikipaglaban importante ang pagkakaroon ng mga matitibay na muscle at cardiac health. " sabi ni Gary.
Patuloy akong nagsit up at sa wakas natapos ko na rin ang sit up. Medyo unfair kasi hindi ako nagtanghalian gaya ng inaasahan ko. Ang hirap kayang lumayo sa pagkain. Mahal na mahal ko ang pagkain ko. Hindi nga ako nagtanghalian eh. Bwisit iyan pero may pangako ako. Pinangako ko kay Erika na magiging malakas na ako kapag nagkita kami.
Kaya kahit anong mangyari never give up. Stay positive! Walang susuko.
" Oh siya sige sapat na iyan sa isang araw. Mag gagabi na oh. Pumunta kana sa campsite. May meeting pa kaming mga patrol leader." Sabi ni Gary.
" Teka paano ko naman malalaman papunta doon?" Tanong ko kay Gary.
" Follow your heart" utos ni Gary.
Letse nga naman talaga oh.
" Seryoso naman na direction!" Angal ko medyo badtrip na ako.
" Seryoso?! Hindi niya ako sineseryoso. Porket patrol lider lang ako ng sullen at Mas mataas ang rango niya sa akin. Bakit ba kasi ako umibig sa pinunong lider?" Hugot ni Gary.
" In love ka kay Pinunong Lider. Ahahahahaha ayos lang iyan. Walang imposible sa pagibig " sagot ko. Ngumiti naman ng ubod ng tamis si Gary.
" Aay nako sundan mo ang yellow brick road." Sabi ni Gary.
Aba aba lakas maka wizard of Oz.
" Sige Sige susundan ko iyon." Sagot ko sabay tayo.
Medyo iika ika pa ako.
Nagsimula na akong maglakad patungo sa exit. Pagkalabas ko ay doon ay agad kung naramdaman ang cool night breeze. Ay oo nga pala ano. Paniguradong walang moon dito pero kitang kita ko ang itsura ng Jupiter. Feeling ko abot kamay ko lang ang Jupiter.
BINABASA MO ANG
The Planetary Conjunction
Science FictionSi Jazriel Soriano ay abnormal. Hindi siya ordinaryo, or atleast iyon ang sinasabi nila Justin, Abi, Mark at ng mga aliens. Mula sa pagiging typical na estudyante na ang tanging problema lang ay love life at pag-aaral ay natagpuan niya ang ang kany...