Chapter 5: Pustiso

48 3 0
                                    

" Tara na!" Sabi niya. Hindi ito pakiusap kundi isang utos na agad naman naming sinunod.

Nagmamadali kaming lumabas sa bahay na mukhang hindi na bahay nagkalat ang mga abo ng mga nilalang na kalaban. Maraming butas ang dingding. Sira na rin ang bakod namin.

Wala na akong oras upang isipin kung anong magiging reaksyon ni papa. Isa lang ang inaalala ko ngayon. Ang buhay ko.

Ngunit kung kailan akala ko ay payapa na ay sumugod mula sa wala ang ibat ibang itsura ng mga nilalang.

Jusmeyo! Napa aaaah kami at nagmamadaling tumakbo. Kasabay narinig ang pag ilag sa mga lasers at kung ano anong binabato sa amin.

Pinagmamasdan kami ng mga tao na nagjojogging at sadyang trip lang maglakad sa semintadong kalsada ng subdivision. Habang tumatakbo kami ay pinagtitinginan kami.

Hindi ko naman sila masisisi. Kahit ako ay aaminin kung mukha kaming baliw tatlo. Naka messy braid ako.

Ha? Meganon ba. Tapos nakasuot parin ako ng uniporme ko na lukot lukot. Puno narin dumi, mantsa at dugo mula sa nasugatan kung siko.
Naka knee socks ako habang naka tsinelas pambahay. Medyo sira na rin iyong palda ko. Sa kadahilanang hindi ko rin alam.

Si Mark naman ay nakablue na pajama. (Favorite color niya iyon eh)
Sukbit sukbit ang backpack na blue. Nakatsinelas lang siya at nakasuot ng T-shirt na may tatak na

G E N I O U S   IS T H E   NEW HANDSOME

Pero dahil sa alikabok.

Naging

G E N U S IS TE NW HNDSME.

Mukhang nasave niya pa ang macbook niya.

Aba nasira yung bahay at mga furniture's pero yung macbook niya staying strong! Hustisya!

Ang galing ha!

Si Justin naman ay nakasuot ng
Nakasuot siya ng black leather jacket at white T-shirt. Black fitted jeans at naka anti gravity shoes.

Nakacap. Dala dala ang kanyang bazooka at isang black bag. Busy rin siya sa pagpapaputok ng bazooka.

Ang astig.

" Paanong hindi ito nakikita ng mga tao?" Tanong ko.

" Technology. " sagot ni Mark. 

" san tayo pupunta? " tanong ko habang hingal na hingal.

Jusmeyo yung dalawang lalaki easy easy lang. Samantalang ako halos ikamatay ko na iyong hingal.

" Sa kaibigan." Sagot ni Justin.

" Ligtas ba doon?" Tanong ko kay Justin

" Tandaan mo Jaz, walang lugar na ligtas para sa iyo. " sagot niya

" gaano ba kalayo ang kaibigan mo?" Tanong ni Mark.

Napatigil si Justin sa pagtakbo. At napagaya rin kami. Marahan siyang pumikit at nagsalita.

" 1 light year" sabi ni Justin.

" Ano?! 1 light year paano iyon patay na tayo bago pa tayo makarating sa kaibigan mo." Sabi ni Mark. Mukhang naghyhysterical.

Ngayon ay nagpapatuloy na kami sa pagtakbo

Nawala na ang atensyon ko sa 1 light year napunta na ito sa
matandang nakaupo sa bangko. Tawa ito ng tawa habang pinapanood kaming tumatakbo.
Sa sobrang katatawa nito ay nalaglag ang pustiso niya at dahil medyo mababaw ako.

Nadamay na rin ako sa pagtawa.
Agad na binato ni Justin si Mark ng baril na sinalo naman ni Mark.

Buti pa iyong baril sinalo bago mahulog. Eh ako kapag nahulog ako sasaluhin kaya niya ako. Hahahahaha charot.

Naintindihan naman ni Mark ang nais niyang iparating. Madalian niyang ikinasa ang baril at nakapagpatumba ng dalawa.

" Paano?" Tanong ko.

" Video games." Sagot ni Mark.

Shet ang cool.

Tumango na lang ako kaso bigla kung naalala yung scene nung pagkalaglag ng pustiso ng lolo.

Binato ako bigla ni Justin ng baril. Pero dahil busy pa ang utak ko kalilipad ay tinamaan ako nung baril sa ulo.

Nadapa at ako at naabutan ng aliens na mukhang willing na mamatay magalusan lang ako.

" Fuck!" Sigaw ni Justin habang patakbong bumalik sa akin at paggamit ng bazooka niya sa kalaban.

Mga anim siguro iyong napatay niya.

Nagmamadali niya akong tinayo. Pansin ko lang ha? Mukhang ginagamit lang talaga ni Justin itong bazooka kapag super emergency na.

" Hindi kasi ganoon kadali I handle ang weapon na bazooka." Sabi nung matanda na bigla biglang lumitaw sa harap ko.

Hmm diba ito yung lolo na nalalaglagan ng pustiso kanina?!

" Hahahahaha, ako nga iyon. Nakakatuwa diba? " tanong nung matanda.

Pero sa pagkakataong ito tiningnan ko na ang matanda at....

" Anak ng puto! Yung matanda nakikipagusap sakin gamit ang isip. " sigaw ko.

Ngumiti lang iyong matanda at nag wink sa akin.

" Mukhang sui generis din ang matandang iyan. " sabi ni Mark habang tinutulungan akong tumayo

Agad lumapit si lolo kay Justin at binunot ang dalawang rifle na nasa bulsa ng bag ni Justin.

Pinaputok niya ito sa kalabang aliens at nagkandaubos ang mga ito. Tsaka niya kaswal na ibinalik iyong baril sa bulsa na parang bang walang nangyari. Ang galing.
Ang astig ang lupet. Dapat pala super lolo na iyong itawag ko sa kanya.

" Kamusta Thunderstorm long time no see!" Bati nung super lolo kay Justin.

Tila nag iba panandalian ang expresyon ni Justin. Gulat, galit , lungkot naghalo halo na. Pero panandalian lang ito at bumalik sa pagiging seryoso.

" Sino ka isa lang ang tumatawag sakin ng ganyan? " tanong ni Justin.

" Edi sino pa ba. Si Red ito!" Sabi nung matanda sabay akmang yayakapin si Justin agad namang tinutukan ng baril ni Justin yung super lolo.

" Maraming salamat sa pagtulong mo sa amin. Pero huwag kang magpanggap na best friend ko kung ayaw mong mamatay." Litanya ni Justin.

Nagmamadali naman akong humarang sa matanda.

" Huwag! Baka nag uulyanin lang siya. Huwag mo sanang patulan." Sabi ko with matching smile pa.

" huwag ka ng maki alam dito. Kaya kung protekstyunan ang sarili ko laban sa best friend ko. " bulong nung matanda sa isip ko.

" Isa.... Umalis ka Jaz. " sabi ni Justin.

" Dalawa..  Umalis kana kundi idadamay ka niya." Sigaw ni super lolo.

" Tatlo! " sigaw ni Justin agad akong itinulak nung matanda at umiwas siya dun sa balang dapat tatama sa kanya.

Ang lupit!

" Thunderstorm maniwala ka! Ako ito si Red. Tumanda lang ako pero ako ito." Sigaw ni super lolo.

Inismid lang ni Justin iyong matanda, sinuntok niya ito mula sa kanan pero nakaiwas ang matanda.
Sinuntok naman ni super lolo si Justin mula sa kaliwa nakaiwas din si Justin.

Naku mukhang magpapatayan ang dalawa.

The Planetary ConjunctionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon