First Chase

171 8 2
                                    

"Chantal!" Sigaw ni Pyper mula sa malayo. Nilingon ko siya at nakita ko ang hawak niyang skateboard habang ang kulay rosas niyang buhok ay sumasayaw dahil sa hangin.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "What?" Umirap ito bago lumapit sa'kin.

"Tara mag-skateboard Chantal!" Tumayo ako sa upuang bato bago pinagpagan ang shorts ko. Tinitigan ko siya bago magsalita.

"Pyper, a yo ko." Madiin kong sabi sa kanya bago ko siya tinalikuran.

"Grabe ka talaga! Turuan mo pa ako!" Pagmamaktol niya. Umiling ako habang patuloy na naglalakad. Sawa na ako sa katuturo sa batang yan. Not that na super bata pa niya ha, I'm 21 and she's 19, so syempre, bata siya sa'kin kaya bata pa siya.

"Magpaturo ka kay Phoenix." Sabi ko at tumakbo na bago niya pa ako muli kulitin.

Pyper Livia Clementine and Phoenix Leon Clementine were twins. Half-siblings ko sila. I'm Andre Chantal Elizabeth Guerra-Clementine. Ang haba ng pangalan ko no? Noong hindi ko pa napapapalitan ang apilyedo ko ay mahaba na talaga, pero dahil isa na akong Clementine ay lalo pa siyang humaba.

"Chan!" Salubong na nakangiti sa'kin ni Phoenix. Tinanguan ko siya.

"Where were you?" Tanong ko.

Ipinakita niya sa'kin ang hawak niyang skateboard.

"Good, tinuruan mo na pala si Pyper." Kumunot naman ang noo niya.

"What? Hindi ah. I'm with my friends earlier." Umalis na ito sa harap ko dahil alam niyang masesermonan ko lang siya.

"My gosh..." Tumaas na lang ako para makapag-palit ng damit. Kailangan ko nang pumunta sa mall ngayon. Bibitbitin ko nalang itong si Pyper para naman makabawi ako.

"Pyper!" Lumabas naman siya sa kusina na naka-apron.

"What?" Hawak pa nito ang mixing bowl at parang magbe-bake na naman.

"We're gonna shop! Change your clothes!" Agad namang nagningning ang mga mata nito bago umakyat.

Umupo muna ako habang iniintay si Pyper. Nagbukas saglit ako ng social media accounts ko.

Nang in-open ko ang aking Instagram ay malma ng sasabog ang notification ko. Minsan kasi nakakainis na lang 'to eh. I'm not a Celebrity nor Model, it's just that, one time, puro like, commets at kung sino-sino ang naka-tag sa bawat post ko. Hinayaan ko nalang, pero minsan, nakakainis na din.

Naka-tag sa'kin ang huling post ni Phoenix.

(@)phoenixclementine: had fun last night! (@)pyperlivia (@) andrechanel 

May naka-post na picture naming tatlo na halatang lasing na dahil para kaming super sweet dito na akala mo na'y sibling goals. Kasuka.

Napangiti nalang ako nang muling tinitigan ang picture naming tatlo. Hindi ko akalain na magkakaroon pa ako ng kapatid. Sadyang mataray lang ako kung umasta pero hindi naman sagad. I just love them. Uhm, well, that's my way of showing my love to them hehe.

"Chan!" Tawag ni Pyper, in-off ko na ang phone ko bago tumayo.

"Hay nako Pyper! Napaka tagal." Tumawa na lang siya bago hinagis sakin ang susi ng kotse niya.

"Ako na mag drive?" tanong ko. Tumango naman siya.

Sumakay na kami sa kotse niya. Ito ang gusto ko eh, pag kasama si Pyper, masyadong buhay ang araw mo.

"Just dance!" Sigaw sigaw niya kasabay ng malakas na volume ng stereo niya. Napatawa nalang ako sa kalukahan niya.

Tiningnan ko ang paligid at maaraw na pero ang temperatura dito ay napakalamig. Para sakin, ito ang perfect na weather.

Pagkababa namin ay agad na may binulong sa'kin si Pyper.

"Bibili tayo ng skateboard ha?" Nauna na siyang naglakad sa'kin.

What the hell?

"Yeah, yeah..."

Lumakad na kami patungo sa entrance ng Mall. Matagal-taga na din mula nang makapunta ako dito. Masyadong busy sila eh. Una naming pinuntahan ang Botique ni Ate Pacia.

Yes, Ate Pacia Lacey Clementine. Half-sister ko din siya. Dami namin no? Siya ang panganay sa kanilang tatlo.

Noong una, hindi niya ako matanggap, pero pinairal niya pa din ang kanyang maturity kaya kalaunan ay natanggap na din ako.

"Ate!" Si Ate Pacia lang ang tinatawag nila, namin, na Ate. Si Ate ay may isang boutique dito sa loob ng Mall, ang boutique na ito ang main branch niya  kaya dito siya minsan namamalagi. She's 23 years old by the way.

"Hi Ate." Nginitian ko siya atsaka umupo sa high-chair. Si Pyper naman ay namamangha na naman sa bagong disenyo ng boutique, madalas siya dito, eh ako ay paminsan-minsan lang dahil noong una ay nahihiya pa ako kay Ate.

"Chantal!" Dinambahan naman ako ni Ate kaya napatawa ako. "Ate!" Saway ko sakanya.

"May mga customers Ate oh!" Binitawan niya ako. Humigop ako sa juice na nakahain. Umupo siya sa tabi ko.

"Hindi nga Chan, NBSB ka pa din?" Umirap ako sa kawalan matapos nang tanong ni Ate.

"Ate, ilang beses mo na ba 'yang natanong, at ilang beses ko na din bang nasagot 'yang tanong mo? NBSB ako ate." Binigyan niya ako nang isang nakakalokong ngiti.

"Okay, okay..." 

Dumating si Pyper na may dalang tatlong paper bags.

"What the Hell Pyper?!" Gulat na tanong ni Ate.

Humalakhak pa si Pyper. "Ate...I love you!" Nagulat ako sa biglang paghigit sa'kin ni Pyper at tumakbo.

"Pyper! Tigil! Nakakahiya ka!" Tumigil kami sa isang bench at umupo. Nakatawa pa din siya samantalang ako ay kulang na lang ay tumiklop sa hiya.

Bigla namang nanumbalik ako sa katinuan. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Loka ka! Nalulugi si Ate dahil sa'yo!" Tawa pa siya ng tawa hanggang sa may lalaking hindi nakatingin na bumangga sa kanya. Napatigil siya sa pagtawa dahil sa lalaki.

"Sorry." Sabi ng kapatid ko. Umangas naman ang mukha ng lalaki kaya agad kong hinila si Pyper papunta sa likod ko.

"Uhh...we should go na." Sabi ko tsaka siya hinila. Bigla naman siyang tinakid ng lalaki kaya napapikit ako bago siya nahawakan. Nilingon ko yung lalaki bago huminga ng malalim.

"Mister, Do you even know the word respect? Have you ever attend your class during your topic was all about respect?" Tinaasan ko siya ng kilay habang nakahalukipkip.

Ginaya niya ang pagkakatayo ko bago nagsalita. 

"Sorry Miss, I didn't know the word you're saying. What the hell is Respect guys?!" Nagtawanan pa sila ng kanyang mga kasama kaya naman nginitian ko siya bago muli nagsalita.

Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti.

"Yeah, do you mind if I'll explain and elaborate it to you?" Ngumisi siya ng nakakaasar pero hindi ko muna pinansin ang asar na pumapaibabaw sa'kin.

Tumaas ang kilay niya na hudyat na ituloy ko ang sasabihin ko.

Ngumiti muli ako bago tinaas ng nakakuyom ang kanang kamao ko bago pinalandas sa kanang parte ng mata niya.

"Chan!" Sigaw ni Pyper. Hinila niya ako palayo doon dahil sa mga nakatingin na tao samin. Nilingon ko ang maangas na lalaki at nakita ko ang black eye niya sa kanang mata. Namimilipit ito sa pagkakasakit ng suntok ko kaya nagtalim siya ng paningin sa'kin na binigyan ko naman ng mapang-asar na ngiti.

Pathethic Jerk.

Chasing HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon