Fourth Chase

47 7 0
                                    

Kinabukasan ay naalimpungatan ako sa mahinang sinag ng araw sa mukha ko. Tumayo ako para hawiin ang kurtina.

"This place is really a perf..." bulong ko habang namamangha sa kapaligiran. Nag unat-unat pa ako habang nakatingin sa labas. Hinayaan kong nakabukas at nakahawi ang kurtina habang nag-aayos ako ng hinigaan.

"Ay grabe, ang tahimik." Sabi ko. Minsan pala boring talaga pag mag-isa ka, nakakamiss tuloy ang mga tao sa bahay.

Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha.

"Hello Pyper?" Sabi ko. Narinig ko ang umaandar na sasakyan sa kabilang linya.

"Hi Chan! Pupunta nga pala kami ni Phoenix sa mga kaibigan namin, sinabi ko lang sa'yo dahil walang tao sa bahay, alam mo na, baka naman mag-ala dorabels the explorer ka na naman at mapunta ka sa bahay ng hndi oras." Napatawa naman ako sa sinabi niya.

"Pwe! Idol mo nga si Dora eh. Sige Bye na, ingat kayo ni gasul." Sabi ko at nag-paalam na din sila. Binaba ko na din ang phone at naghanap ng makakain galing sa ref.

Okay, so nandito na lang din naman ako ay bakit hindi na lang ako mag-gym dito sa Condominium na 'to? Sisimulan ko sa pagkaing no Carbs. Napangiti na naman ako.

Nasa isang bakasyon lang naman ako, kami, tapos na ako ng pag-aaral dahil sa maaga kong pagpasok, at ang kambal naman ay kasalukuyan pang nag-aaral at graduating na.

Hinanda ko na ang kakainin ko, vegetable salad na lang ang kakainin ko at isang wheat bread. Ayos na 'to.

Habang ngumunguya ay naisipan kong magbukas ng IG. Binuksan ko ang notification nito at halos sumabog na. As always. Sinara ko na lang ito.

Pagkatapos kong kumain ay naligo ako at nagbihis, hindi na muna ako lalabas ng condominium na 'to. Magpapa-register na lang ako sa gym dito. Lumabas ako ng simpleng gray tee shirt at shorts lang. Nang sumakay ako sa elevator ay naalala ko ang lalaki kahapon. Napairap na lang ako. Kahiya-hiya.

"Miss, saan pwedeng magpa-register dito?" Sabi ko ng makarating sa loob ng gym. Malaki ang gym at naka-pwesto ito sa ground floor kung saan sobrang lawak. Madaming magagandang babae at maskuladong lalaki ang bumungad sa'kin. Hindi naman ako gaanoong katabaan para mag-gym, gusto ko lang mas maging healthy. Mahirap na.

Tinuro niya sa'kin ang daan. Nagpunta ako sa loob at nakita ko ang babaeng maganda na naka-upo sa swivel chair.

"Good Morning!" Masiglang bati niya. Pinaupo niya ako sa harap ng table.

"So Miss, alam ko naman na kaya ka nandito is to register 'diba?" Ngumiti ako bago tumango.

"So...here's the form, please kindly answer all the questions written in that." Binigyan niya ako ng form. Sinagutan ko ito, pangalan, ilang taon, at kung ano-ano pa.

"Here Ma'am." Binigay ko sa kanya ang form.

"So, kailan mo balak mag-start?" Tanong niya.

"Now?" Medyo 'di ko pa sigurado na sagot.

"Okay! Do you have gym clothes?" Tumango ako at nag-paalam na tataas muna ako upang makapag-palit.

Nakasalubong ko si lalaking naka-bonet pero hindi ko siya pinansin.

"Payat-payat na nga, mag g-gym pa." Bulong nito pero dinig ko. Napantig naman agad ang tainga ko dahil sa sinabi niya.

"Excuse me?" Humarap ako sa kanya. "Why Miss?" Nag-taas kilay pa siya sa'kin. "Alam ko naman na ako yung sinasabihan mo na payat tapos mag g-gym pa, ano bang pake mo?" Humalakhak pa ito sa harap ko. Nakakagigil.

"Wow, so natamaan ka?" Ngumisi ito sa'kin pero tinalikuran ko siya at pagpasok sa loob ng condo ko ay nagpalit na ng racerback at leggings. Nagdala na din ako ng gym bag, in case matagalan ako.

"One hour and thirty minutes lang po ba Ma'am ang oras niyo sa gym na 'to?" Tanong sa'kin ng instructor ko habang nag-eensayo.

"Yes, bakit?" Tanong ko.

"Ah, wala po Ma'am, kayo po kasi ang pinaka-maikli ang oras sa gym na ito. Kadalasan po ay umaabot sila ng limang oras, just to achieve the body they wanted." Kibit balikat na sabi nito. Tumango ako. Iniwanan niya muna ako dahil pinapatawag na din daw siya.

Masakit pala sa katawan pag umalis ka sa gym tapos bumalik ka uli. Noon kasi ay ugali ko na 'to gawin, kaso simula noong napalipat na ako sa bahay ng mga Clementine ay madalang na.

Ginagawa ko ang tinuro sa'kin ng aking instructor nang biglang may nagsalita.

"Fragile." Sabi ng lalaking naka-gym clothes, hindi ko na sana ito papansinin ngunit nagsalita uli siya.

"Akala ko ba, mababait ang mga nag g-gym dito, eh bakit parang ang isang to ay hindi?" Tinignan ko na siya sa mukha at nakita ko ang lalaking naka-bonet. Pero hindi na siya naka-bonet dahil nag g-gym din siya dito.

Nakatingin siya sa'kin habang sinasabi iyon, inirapan ko lang ito. Nakakainis, akala mo kung sino kaming close.

"Ang taray pa. " Hindi ko na nakayanan ang pagpaparinig nito kaya hinarap ko siya at sinabihan.

"Ano bang pake mo?" Naasar na ako kaya tumayo ako ng maayos at kinuha ang gym bag ko. Aalis na sana ako ng nakasalubong ko naman ang instructor ko.

"Oh, Ma'am Chantal, may 15 minutes pa kayo ah?" Nginitian ko nalang siya at tuloy-tuloy na umalis doon.

Sa pagtaas ko ay may babae akong naka-sabay, sobrang ikli ng suot nitong shorts at naka-cropped top pa.

Sabay kaming lumabas at sa ngayon ay nasa 18th floor na kami. Sa kabilang elevator ay doon sumulpot ang lalaking naka-bonet, yes, naka-bonet na uli siya. Inirapan ko lang siya at narinig ko ang mahihinang tili ng babae kong kasama kanina.

"Hey babe!" Oh, so ayun pala ang hipokritang girlfriend ni Pathetic jerk? Okay, bagay talaga sila.

Pumasok ako sa loob ng room at agad na nag-shower, mahirap na at baka magka-sakit pa. Sa tagal ko sa banyo ay napag-pasyahan kong mag-skateboard muna nang ako'y makatapos. Ala una na, pero tama lang ang init, hindi malamig na malamig at hindi din masakit sa balat ang init.

Masyado yata talagang mahal kung ako mismo ang bibili ng sarili kong condo, kumpleto na kasi ito, sa parteng labas lang nito nandoon ang malawak na court. Sa isang tabi ay doon ako nagsimulang mag-skate.

Sa una, ay sinakyan ko lang ang skateboard. Hindi naman ako ganoong kagalingan, pero tinuturuan lang din naman ako ni Phoenix. Sa isang parte doon na may curves, doon ko napag-pasyahang gawin ang tricks na tinuro sa'kin ni Phoenix. Sumakay ako sa skateboard at umiikot sa ere at habang nasa ere ay hawak ko ang skateboard bago ko binalik sa mga paa ko pagkalapag.

Medyo kinabahan ako doon ah.

Nakarinig ako ng palakpak mula sa likod. Nandoon ang lalaking naka-bonet. Nakapamulsa at halatang kanina pa aliw na aliw sa ginawa ko.

"Ang galing mo pala, Chanel." Sabi niya.

Chanel. Chanel? Wait, what?

Chasing HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon