"Ano ba? Hindi ka ba luluhod?" Kunot-noo niyang tanong sa akin. Nakatitig lamang ako sa kanya na para bang hindi ako talaga makapaniwala sa sinasabi o iniuutos niya.
"No." Mariing kong sabi habang diretso ang titig sa kanya.
Numisi siya na para bang hindi ko siya malulusutan. Nangilabot ako sa kanyang paglakad at pag-ngisi.
Lumapit siya sa akin at agad akong hinalikan. Nagpupumiglas ako habang siya ay balak yata akong gahasain.
"Tulong!" Iyan lamang ang nasabi ko sa kabila ng paghikbi ko. He's going to rape me! Help me! Help me guys! Help!
"Shh..." Sabi niya at pinitik ang labi ko. Napahagulgol ako sa lakas ng pitik niya. Sa laki at bigat ba naman ng kamay o mga daliri niya?
"T-tulong! Venus!" Sigaw ko. Lalo siyang nagalit at pinitik uli ang aking labi. Ramdam ko ang pagputok nito at ang lasang metal na dumadaloy sa aking labi.
"What the fuck?!" Agad na kumaripas ng takbo sa akin si Venus at inalis sa akin ang Boss. Nanginginig akong yumakap sa kanya.
Bukas ang pintuan ng office niya kaya lahat ng mga tao ay kita ang nangyari. Nabakas sa mukha niya ang galit at kasuklaman.
"Who the hell opened that damn door?!" Singhal niya.
Nakita namin ang pagpula ng mukha niya. Agad namang dumating ang big boss at agad na humarang sa unahan ng Boss ko.
Ngumisi si Boss na para bang sinasabing bakit nandito ang aming big boss.
"Shh..shh.." Noon ko lang naalala na mahigpit na pala ang paghikbi ko kaya kahit nagkakagulo na roon ay walang padarag ankong inilabas ni Venus mula sa opisinang iyon.
What the hell was happened? Totoo ba iyon? O nananaginip lamang ako? Bakit niya gagawin sa akin iyon?! He's my boss! Paano na lamang kung wala at hindi dumating roon si Venus? ma-re-rape pa din ba ako?
"V-venus..." Dinala niya ako sa locker room kung saan naroon ang aming gamit.
"Shh...nandito na ako, okay? Huwag ka nang umiyak. Sadyang alahya talaga iyang manyakis na iyon!" Hinawakan niya ang balikat ko at niyakap.
Umiyak ako sa balikat ni Venus hanggang sa wala na akong maibuhos pang luha. This is just really bullshit!
Kailangan pa ba ngayon, ha?! Kung kailan naman madami akong problema tsaka sasabay ang walanghiyang manyakis na boss na 'yon?!
"Tahan na...so, anong plano mo?" Tanong ni Venus ng maka-ayos na ako.
Sa totoo, wala akong plano. I just really want to resign. Ako na mismo ang aalis sa McQueens. Mahirap din ito para sa akin dahil kahit papaano ay nakahanap ako ng kaibigan rito.
"I...I just want to resign. Ako na, ako na ang aalis tutal binigyan din naman nila ako ng letter. Ako rin naman ang may kasalanan, kung hindi sana ako nagpadalos-dalos at sumugod sa opisina niya...edi sana..."
"Shh! Ano ka ba?! Huwag mo ngang sisihin ang sarili mo dahil lang diyan sa Boss na iyan! Hindi siya karapat-dapat na boss sa atin! Kita mo naman ang ugali 'di ba? Kung hindi ako nakasugod at tumunganga lang ako edi paano ka na? Baka napag...tss. Hayaan mo siya, baka naman mapapaalis din iyong kutong lupa na 'yon dito!" Ngumiti na lamang ako sa kanya. Ganoon din naman ang ginawa niya sa akin.
Napaka-swerte ko at dumating si Venus sa akin. Kahit papano ay may napagsasabihan ako ng aking pinagkaka-stress-san. Halos lahat ay alam niya, maliban na lamang roon sa isa...Ang alam lamang niya ang iniwan niya ako, 'yun lang. Wala na akong sinabi pa at idinugtong sa kanya.
"Sure ka? Gusto mo, ihatid kita sa ospital? Sasamahan kita pag nagtanong ang mga magulang at kapatid mo, para naman may back-up ka?" Tumawa siya kaya napatawa na din ako.
BINABASA MO ANG
Chasing Hearts
Teen FictionClementine Series: No. 1 (Andre Elizabeth Chantal Clementine) - Written by: Kaye De Villa Genre: Non-fiction & Romance Started: February 28,2016 Ended:
