Ninth Chase

40 5 2
                                        

"So ginawa mo 'yon?" Seryosong tanong ni Phoenix. Para bang mas matanda pa siya sa'kin ah?

"Yes." Tahimik kong sagot.

"Very Good!" Nagulat kami ni Pyper ng lumawak ang ngiti niya. Sinabi na kasi namin ni Pype kung ano ang nangyari kanina.

"What?" Naguguluhan naming tanong.

"Tama 'yan! Huwag kang magpapa-api Chantal!" Masiglang sabi niya.

Okay? Samantalang kanina akala mo kung ano nang pagmimisa ang gagawin niya sa'kin.

Bumangon na ako sa kama atsaka inayos. Lumabas naman si Phoenix.

"Weird talaga si Phoenix?" Tanong ni Pype sa sarili.

"Tumahimik ka, pareho kayong weirdo." Siniringan niya ako atsaka lumabas.

"Pwe!" Sigaw niya pa na ikinahalakhak ko.

Lumabas na ako naabutan kong bukas ang t.v at nanonood si Pyper.

"Aba naman, hindi ikaw ang nagbabayad ng kuryente, ha?" Paalala ko sa kanya.

"I know." Balewala niyang sabi ngunit nakatuon pa din ang atensyon sa pinapanood.

"By the way, where's Phoenix?" Tanong ko sa kanya. Nilingon niya ako bago sumagot.

"Lumabas ah." Sabi niya. Bakit naman yun lalabas?

Bigla namang may kumatok sa pintuan. Pinuntahan ko iyon at inikot ang doorknob.

"Can I talk to you." Seryoso niyang sabi.

"Cabe..." Mahinang sabi ko. Seryoso pa din siyang nakatingin sa'kin.

May nagawa ba akong mali? Nasaktan ko ba ng sobra ang pilantod niyang girlfriend?

Gosh, it's making me nervous whenever he looks at me like that. Intense.

"I said, Can I talk to you?" Sabi niya. Tuluyan na akong kinabahan. Lumabas ako at sinarhan ang pinto upang hindi kami marinig ni Pyper.

"Y-yes..." Lumingon ako sa kanan niya at sa hindi kalayuan ay nakita ko doon ang mapang-asar na mukha ni Avoth. Ang sarap lang patayin ng babaeng 'to. What have I done to her? Sa pagkakatanda ko, wala akong ginawang kasalanan sa kanya?

Ibinalik ko kay Cabe ang tingin ko at ganoon pa din ang tingin niya. Marahan akong tumango upang pumayag na makipag-usap sa kanya.

Ano na naman kaya ang pag-uusapan namin? What the hell did I do?

Lumakad siya kung saan ang direksyon ni Avoth. Nawala na ang mapang-asar na mukha ni Avoth napalitan ito ng mukhang pag-aalala.

May sinabi siya na pabulong pero dinig ko pa din naman.

Lumapit siya sa tenga ni Cabe atsaka hinawakan ang leeg nito at may ibinulong. Sa tenga ang bulong hindi sa leeg, Letse!

"Huwag mo na siyang kausapin, Look oh, her face is turning pale na, baka natatakot sa'tin." Malambing ngunit masakit sa pandinig ko na sabi niya. Ugh! Haliparot siya ,Letse!

At ako? Turning pale na? Sadyang maputi ako! At kung may kinatatakutan man ako ngayon dito ay ang Diyos lang at si Cabe. Actually, hindi naman talaga nakakatakot ang mukha niya eh. Sadyang ang sarap lang ihambalos.

Nakarating kami sa may pinto malapit sa fire exit. Nagpaalam naman si Avoth na aalis muna siya sandali dahil may tumawag sa kanya.

Nagulat na lang ako ng hindi ko na makita ang seryoso at nakaka-kabang titig niya sa'kin.

"W-what do you want to talk to?" Nakayuko kong tanong, umiiwas sa mukha at mata niya.

"I'm sorry for Avoth... have done earlier." Sabi niya, tumango ako pero nakayuko pa din.

"Why are you avoiding my gaze?" Hinawakan niya ang baba ko at iniharap ang mukha ko sa kanya. Uh-oh. Bakit siya ganito? Pero bakit ko nagugustuhan din? Oh, malala na 'to.

"Nothing, paano mo nasabi na iniiwasan kita?" Still, nakayuko, bumalik ako sa pagkakayuko.

"I just feel it..." Matapos niyang sabihin iyon ay may narinig kaming yabag ng takong. Here comes the filthy btch.

Narinig ko pa ang munti niyang halakhak kaya nang nasa harapan ko sila ay tiningnan ko sila, bumalik na sa seryosong tingin si Cabe.

" I bet, nilandi mo na naman siya kaya mas lalong sumama ang tingin ni Baby ko sa'yo?" Maarte niyang sabi. Wow? This btch really hit my nerves.

"Avoth..." Seryososng saway ni Cabe at hinarap pa siya. Nang bumalik na sa ibang tingin si Cabe ay siya namang binigyan ako ni Avoth ng nakakamatay na tingin.

She also mouthed the word, 'btch'. It's true, tanggap ko na, I'm a btch, but she's a whore. Feelingera at Assumera masyado.

Masyado ng tahimik kaya napagpasyahan ko nang magpaalam kung wala din naman pala silang matinong sasabihin.

"I gotta go." Paalam ko sa kanila. Tatalikod na sana ako pero biglang nagsalita si Avoth kaya napatigil ako.

"Baby, aalis na siya, siguro naiingit sa atin..." Malamyang tumawa siya na talagang ikinasasakit ng tenga ko. Hindi ko na siya pinansin. Pero dahil mabilis siya, narinig ko ang mga yabag ng takong niya na pumapauna sa'kin.

"Bye btch." Sabi niya na ikinakulo ng dugo ko. Umalis na siya sa harapan ko pero bigla ko naman natagpuan si Cabe na sumasabay sa'kin sa paglalakad.

"Sorry again." Hinging paumanhin niya.

"No need, huwag kang mag-sorry, hindi naman dapat ikaw." Diretso pa din ang tingin ko kahit gusto ko nang ibaling sa kanya ang galit ko sa girlfriend niya.

"Hindi kita magawang ipagtanggol sa harap niya." Namamaos niyang sabi.

"Tss, it's okay, natural na 'yon dahil girlfriend mo siya." Mas binilisan ko pa ang lakad ko. Bakit ba masyado akong naapektuhan sa sarili kong sinabi.

Malala na talaga 'to.


Masakit sa mata ang sikat ng araw. Agad akong bumangon para sana kumpirmahin ang init ng paligid pero nagbukas na ang kurtina.

Nakita ko doon si Pyper.

"Nandito ka na naman?" Tanong ko. Noong isang isang araw pa siya pabalik-balik dito ah?

"Bakit, nagtatanong ka na naman? Get up! Bukas na ang birthday mo!" Excited niyang sabi. Sino ba talaga ang may birthday? Siya o ako?

"Ikaw ba may birthday?" I said, sarcastically.

"Hindi, si Chantal. Kilala mo ba 'yon?" Mas sarkastikong sabi niya sa'kin at itinali ang kurtina.

"Hindi eh." Umirap na lang ako habang sinagot siya.

Tumayo na ako at inayos ang kama. Lumabas na din si Pyper at maya-maya ng kaunti ay lumabas na din ako.

I don't like parties at all. But, obviously, I had nothing to do. It's Pype.

Chasing HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon