Notes: Continuation of chapter seventeenth's last part.
"Sorry, I'm a fool. Pumatol ako sa walang kwenta. Tss, that stupid dare." Giit niya.
"...Sorry kung naging duwag ako." Sabi niya habang nakatungo, hindi ko kasi alam ang gagawin ko. Huminga siya ng malalim. Maging ako ay halos manlamig na sa mga nalaman ko. Masyadong magulo ang lahat at masyadong mabilis ang mga pangyayari.
"Noon pa man, hinahabol na sila ng mga pulis, kaya ngayon, ayun, nahuli na sila kaya nagawa ko nang makipag-break kay Avoth. Hindi alam noon ni Avoth ang dare syempre. Alam kong masakit 'yon sa part niya pero mas sasakit iyon kapag pinatagal ko pa, lalo na't kaharap ko ang taong gusto ko na sinaktan niya." Nanlamig ang buong katawan ko sa kanyang sinabi. I stunned for almost 5 seconds.
Gusto? Ako? Hindi ko mapigilang kiligin kaya kinagat ko na lamang ang aking labi. Bakit niya naman ako magugustuhan gayong mag-iisang buwan pa lang kami nang magkakilala.
That fast?
Hinawakan niya ang kamay ko na siyang ikinagulat ko. Tiningnan niya ako sa mata at lalong kumabog ang dibdib ko. His eyes, I cant help but to stare back.
"Naging duwag ako..." Kanina niya pa iyan sinasabi.
"No, hindi duwag ang pagiging tawag doon. Sa paningin ko naging isang matapang na madirigma ka sa'kin. Sumugal ka kahit alam mong walang kasiguraduhan. Maaring sa ibang mata ng tao ay isang itong kababawan pero iisipin mo pa ba ang sasabihin ng iba kung nagbibigay naman ng positivity ang sarili mo?" Nginitian ko siya. His face looked so amused. Masyadong bang malalim ang sinabi ko at nakakasuka.
Pinisil niya ang kamay ko at nginitian ako.
Hindi ko akalaing ganito din pala ang ibang anggulo niya. He's so gentle.
Ilang minuto din matapos ang aming titigan. May marahang kumatok sa pinto.
"Bubukasan ko lang." Sabi ko bago tumayo. Sino naman kaya ang kakatok sa ganitong oras? Wala naman nagsabi kina Pype na dadaan sila ah?
Pagkabukas ko nang pintuan ay agad na bumugad sa'kin ang nakangiting mukha ni Liberty.
Agad na nanlamig ang katawan ko dahil nandito nga pala si Cabe sa aking unit, baka kung ano ang isipin niya.
"Hi!" Bati nito. Masayang masaya ang mukha niyang nakabalandra sa'kin. Hindi ko naman alam ang ire-react ko.
"H-hello!" Pilit kong pinasaya ang boses ko. Maya-maya ay naramdaman ko ang kamay na pumulupot sa'king baywang. Para akong natuod sa ginawa ni Cabe.
I saw Liberty's reaction changed into a cold one. Hindi naman ako makagalaw dahil sa inasta ni Cabe.
"So may bisita ka pala Chantal." Malamig na sabi ni Liberty.
Anong sasabihin ko?
Hinarap ko si Cabe na masinsinang nakikipaglaban ng titigan kay Liberty. Nakita ko ang nag-alab na mga mata ni Cabe na diretso ang tingin sa'king kaibigan.
I sense danger playing around.
"L-libey pasok ka." Pinilit kong pagandahin at ayusin ang aking boses ngunit walang nangyari dahil nautal pa din ako.
Dumbass Chantal.
"No need. May bisita ka. Kukumustahin lang sana kita, pero I doubt it, mukhang okay ka na." Malamig pa din niyang sabi nang hindi man lang ako pinasadahan ng tingin at na kay Cabe pa din ang atensyon niya.
Umalis siya nang walang paalam kaya hinabol ko siya. Marahas kong inalis ang brasong nakapulupot sa'kin at agad na tumakbo kay Libey.
"Libey! Wait!" Pigil ko sa kanya. Alam kong natatanaw pa din kami ni Cabe kung sakaling pinanonood niya ako.

BINABASA MO ANG
Chasing Hearts
Teen FictionClementine Series: No. 1 (Andre Elizabeth Chantal Clementine) - Written by: Kaye De Villa Genre: Non-fiction & Romance Started: February 28,2016 Ended: