Halos mag-iisang oras na kaming patayo at upo dito. Hindi kami nag-uusap, parang wala lang. Ayos na din 'yun kesa mangulit siya.
"Hindi ka ba nilalamig?" Ngayon lang uli siya nagsalita mula kanina. Concern siya?
"Bakit naman?" Nilingon ko siya at nakita ko ang pag-irap niya.
"Tss." Hindi na uli siya nagsalita. Isang minutong katahimikan uli ang namayani sa gitna namin.
Ang simoy ng hangin ay sobrang perpekto para sa'kin. Oo, malamig-
"Here." Nagulat na lang ako ng may biglang nagpatong ng jacket sa balikat ko. Tiningnan ko siya at binigyan niya ako ng ngiti.
Tumaas naman ng bahagya ang kilay ko sa kanya. Aba, hindi naman pala siya dakilang hokage.
"o... ano? Iniisip mo na aakbayan kita at yayakapin kasi nilalamig ka? Wag ka ngang assuming."
What?!
"Hoy! Ang kapal naman ng pagmumukha mo!" Tinawanan niya naman ako at nagsalita uli siya.
"Chanel-Ah!" Napaigtad siya dahil sa kung anong sumakit sa kanya. Nataranta ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko? May sakit ba 'tong lalaking 'to?
"Hey?! What's happening to you?!" Nataranta na talaga ako dahil patuloy pa din ang pagpigil niya sa sakit.
Nakarinig naman ako ng mga yapak mula sa likod ko. Hindi ko muna iyon pinansin at naka-focus ako kay Cabe na namimilipit na sa sakit.
Hawak ko siya habang lumilikot na siya sa sakit.
Nabigla na lang ako ng makita sa harapan ko ang girlfriend niya.
"Hey! Anong ginawa mo sa kanya?! Bakit nangyari 'to?!" Sigaw niya sa'kin. Nagulat din ako sa tono ng pananalita na niya, akala mo ay ako ang dahilan kung bakit nangyari kay Cabe 'to.
"What?! I didn't do anything!" Sigaw ko pabalik sa kanya.
"Ah!" Sumigaw na lalo si Cabe kaya at nakahawak na ito sa ulo niya. Lalong napukaw ang atensyon namin dahil doon.
"Btch!" Pahabol niyang sigaw sa'kin. Tinatayo niya si Cabe pero halatang nahihirapn siya kaya tutulungan ko na sana siya kaso...
"No! Don't you dare touch my babe! Kasalanan mo 'to! Kung hindi ka nakipaglandian sa kanya, edi sana hindi mangyayari 'to!" Nagulat naman ako sa bintang niya sa'kin.
Tuluyan na niyang naitayo si Cabe at umalis na sila doon. Naiwan naman akong nakatulala dahil sa walang kaebi-ebidensyang pambibintang ng girlfriend ni Cabe sa'kin.
At kung totoo man 'yun, malamang kanina ko pa iyon nakakulitan at umaalingawngaw na ang malalanding tawa ko sa buong Condominium na 'to. Tss.
Umayos na ako ng pagkakatayo at pinagpagan ang damit. Nilibot ko ang aking mata sa malawak na kinatatayuan ko ngayon.
Tamang tama, bukas dito naman ako.
It's Sunday, and I don't have schedule for Gym. Umagang-umaga ay sumagi na agad sa isip ko.
Habang hinihigop ko ang kape ay nakatingin pa din ako sa'king cellphone kung saan doon nakalagay ang pangalan ni Cabe Alford.
"What the hell is her name?" Bulong ko habang ngumunguya na ng tinapay. Kagabi ay hindi ako patulugin ng mahal kong konsensya dahil sa walang katotohanang bintang sa'kin nung girlfriend ni Cabe. Kaya ngayong umaga kong napagpasyahan na hanapin ang accounts ni Cabe at i-istalk ang hipokrita.
Then suddenly, I found a profile named Avoth Andromeda Faust. Ni-click ko ang profile na iyon at lumabas ang hipokrita, I mean, yung girlfriend ni Cabe.
Nakita ko ang mga pictures niya pero naboring-an ako. Ang hinahanap ko lang naman ay ang picture ni Avoth at Cabe.
Bakit wala? At teka?!
Bakit ko ba hinahanap?! Tss.
Binaba ko na ang cellphone ko at tumungo sa lababo upang hugasan ang pinagkainan. Wala naman ako masyadong gagawin ngayon bukod sa pag s-skateboard mamaya sa taas.
Bigla namang pumasok sa utak ko si Cabe. Kumusta na kaya siya? I mean, ano bang nangyari sa kanya kagabi? Bakit bigla na lang siyang nagkaganoon?
Pero may isa pang palaisipan sa'kin eh. Yung lalaking lilipat sa tapat ko. Who is he?
Hahanapin ko na lang siguro ang Room number ni Cabe at mabigyan ng peace offering kaht wala naman akong kasalanan.
Gumawa ako ng Carbonara para pang peace offering sa kanya. Kung hindi niya man tanggapin edi huwag, ako ang kakain.
Natapos ko nang ayusin ang presentasyon ng Carbonara at nilagay ko pa sa isang maayos-ayos na lalagyan. Naligo at nagbihis din ako para hindi naman ako kahiya-hiya.
And please, don't get me wrong, I'm just trying to have peace with him since nakita ko yung nangyari sa kanya kagabi.
Umalis ako sa room ko at pumunta sa lobby ng floor na 'to.
"Miss, Ano pong room number ni Mr. Cabe Cadmus Alford?" Tanong ko sa babae. Nilipat niya naman ang tingin sa monitor bago ako kinausap.
"Ma'am, you mean, Ms. Avoth Faust po?" Napatango na lang ako kahit hndi ako sigurado. 'di ba girlfried niya 'yon? So ibig sabihin nagsasama sila? Then, bakit hinahayaan ni Avoth na pumunta kung saan saan si Cabe? Huwag niyo sabihing, may pagsa-malandi din itong si Cabe?
"Uhm...Ma'am kaano-ano po ba kayo ni Ms. Faust?" Uh-oh. Kaaway ko siya.
Pero, hindi ko alam ang sasabihin ko sa babae kaya ito na lang ang naiisip kong idahilan.
"Miss, you know, Mr. Cabe and I were friends, gusto niya pa lang sa'kin ipakilala si Ms. Faust." Tumango ang babae at sinabi na sa'kin kung anong room number ni Cabe.
Grabe! Masyado na yatang sunog ang kaluluwa ko dahil puro kasinungalingan ang pinagsasabi ko sa umagang ito.
Nang nahanap ko na ang room number niya ay tsaka pa lang nagsink-in sa utak ko na pabalik na ako sa room ko.
What? Tiningnan ko ang medyo magkatapat na pinto, tinitigan ko pa ang akin at ang nasa harap ko.
So, it means na si Cabe ang katapat ko na sinasabi nina Mom. Great.
Kumatok ako pero walang nagbubukas. Tinangka ko pang sumilip sa maliit na bilog na butas nito ngunit sara naman. Isang beses pa ngunit wala talagang sumagot.
Ngayon ko lang napansin na nakaawang ang pinto kaya walang paalam na pumasok ako ng dahan-dahan. Halos kapareha lang din naman ito ng sa'kin ngunit mas panlalaki ang kanya. I also saw some portraits of skateboard. Wow, mahilig din pala siya.
Biglang may tumunog sa bandang kanan at doon ko natagpuan si Cabe na pupungas-pungas pa.
Sabay na nanlaki ang mga mata namin at nagkasabay pa kami na magsalita.
"Bakit ka nandito?" Pinasadahan niya ako ng tingin at ganoon din ang ginawa ko sa kanya.
Sht. Napatingin siya sa katawan ng makita ang sarili na nakapajama at sando. Dali-dali siyang nagpunta sa kwarto at ni-lock iyon.
"What the?!" Bulong ko. Bakit siya umiiwas? Anong meron? Cool nga eh, nakapajama hindi katulad nung mga nababasa ko na naka-boxer and shirtless.

BINABASA MO ANG
Chasing Hearts
Genç KurguClementine Series: No. 1 (Andre Elizabeth Chantal Clementine) - Written by: Kaye De Villa Genre: Non-fiction & Romance Started: February 28,2016 Ended: