Halos magda-dalawang buwan na noong nanggaling kami sa Pico. Naging maayos na ang mga pangyayari doon at hindi na muli naulit ang mga kina-ayawan ko.
Noong interview naman ay halos kabahan ako sa mga bawat buka pa lamang ng bibig ng nag-iinterview. Kalaunan ay nakatanggap ako ng email na ako raw ay hired na.
Umaga at bihis na ako patungo sa McQueen's. Sa umaga ay hinahatid ako ni Cabe at sinusundo naman ako sa hapon. Si Elise ay para bang laging may galit sa akin tuwing madadatnan niya ako o kaya madadatnan ko siya sa unit ni Cabe. Nabanggit din niya sa akin na madalas din daw naroon si Elise.
Paulit-ulit na ako sa aking sarili na malabo na mangyari ang iniisip ko. Malabo talaga. Malabo.
Binuksan ko ang pinto ng may mag-doorbell. Agad na bumungad sa akin ang pamilyar na amoy ng pabango.
Hinalikan niya ako sa pisngi na lagi niyang ginagawa sa akin, pero mukhang hindi pa rin ako sanay.
"Good morning..." Dumiretso siya sa tainga ko at binulong iyon. Halos mapapikit ako sa kiliti at kabog ng dibdib na nararamdamn. How could he do that without making my heart beats faster?
"G-good morning." Medyo utal kong sabi. Nakita ko siyang ngumisi at bigla niyang kinuha ang bag na dala ko.
Hindi ko na siya pinigilan dahil alam kong wala akong magagawa.
"How's your sleep?" Tumingin siya sa akin nang makapasok kami sa elevator.
"Fine..." Medyo inaantok pa ako kahit todo galaw ako kanina.
"Why you look so sleepy? Hindi ka ba nakatulog nang maayos?" Nag-aalala niyang tanong. Sinipat niya ang aking leeg at noo upang tingnan kung ako ba ay may lagnat o mainit.
"No,no. Medyo inaantok lang ako." Nginitian ko siya pero seryoso pa din siyang nakatingin sa akin. Maya-maya ay halos mapapitlag ako nang mablisan niya akong dinampian ng kanyang labi sa aking labi at sabay pa nito ay pagbukas ng elevator.
Halos hindi ako makabawi sa ginawa niyang iyon na ikinahalakhak niya. Ugh!
"You're really a paragon of kiss stealer!" Iyon na lamang ang sabi ko at lalo pa siyang natawa.
"Handsome kiss stealer." Pagtatama niya. Inungusan ko na lamang siya at hinayaang magpatakbo ng kotse.
But wait, there's something new...
"Bago?" Medyo gulat kong tanong sa kanya. Hell, wow! Bakit hindi ko kaagad iyon napansin?!
Humalakhak siya nago ako sinagot. "Yes, akala ko hindi mo na mapapansin." Tumingin siya sa akin at ngumite. Ang ganda ng mg interior nito.
Bakit ba kasi hindi ko ito napansin?
"Anyway, it's a Cadillac." Simple niyang sabi.
"Uh-huh. New Model." Napanganga ako sa mga sinasabi niya.
But wait, what happened?
"What happened to your Honda civic?"
"Dad exchange it. I gave it to Elise because Dad would love too, at ito ang akin. Mas ayos na para matuto din si El." Ngumiti siya sa akin.
Why am I feeling this? The way he said her nickname made me sick. I really am jealous.
Nakarating kami sa McQueen's ng tamang oras. Parang estudyante ang aking schedule rito. Halos mga eight hours din iyon.
Ag sweldo ay halos umabot ng forty-thousands to fifty-five thousands sa bawat buwan. Hindi na masama dahil kasisimula ko pa lang naman din. Malaki kasi ito at mayaman din naman kaya kahit ilang tao pa ang kunin nila para magtrabaho ay walang problema.
BINABASA MO ANG
Chasing Hearts
Teen FictionClementine Series: No. 1 (Andre Elizabeth Chantal Clementine) - Written by: Kaye De Villa Genre: Non-fiction & Romance Started: February 28,2016 Ended:
