Seventeenth Chase

18 3 0
                                    

Notes: Explaining Chapter

So, it was all dare. Walang katotohanan ang relasyon nilang dalawa. Just a dare. Nakatulala pa din ako sa kanila. Si Cabe na may malamig na tingin kay Avoth, at si Avoth na puro luha na ang mukha.

Nakaramdam ako ng vibrate sa aking bulsa, at unti-unti nang lumalakas ang tunog ng aking cellphone.

Oh sht! Bakit ngayon pa?!

Kinakabahan akong tumingin sa kanila at silang dalawa ang nakatingin sa'kin ngayon. Napalitan ng pagkagulat ang mukha ni Cabe at ang mukha naman ni Avoth ay nag-aalab sa galit at the same time ay nakakahabag pa din.

Lumapit si Avoth sa'kin. Kinabahan agad ako sa kanyang maaring gawin.

What should I do?

Lalong bumilis ang lakad niya, hindi ko magawang makaalis sa kinatatayuan ko. Si Cabe ay hindi din yata alam ang gagawin.

"Tama na!" Naramdaman ko ang pagsabunot sa'kin ni Avoth. Patuloy lamang siya sa pagsabunot sa'kin. Napahiga na ako sa sahig at siya ay naka-ibabaw sa'kin. Hindi ko magawang bumawi dahil malakas at nasa ibabaw siya.

"Avoth!" Pilit na inaalis ni Cabe si Avoth sa'kin ngunit hindi ito nagpatinag. Isang beses niya akong sinampal kaya napahagulgol ako sa sakit.

Inilayo siya ni Cabe at. Agad na pumunta sa'kin si cabe at dinaluhan ako. Pinunasan niya ang mga luha na lumalandas sa pisngi ko.

" "Yan! Kita mo na?! Malandi kang babae ka! Nang dahil sa'yo break na kami! Ikaw ang may kasalanan ng lahat! Napakalandi mong pokpok ka!" Ang sakit ng mga binitawan niyang salita. Hindi ko na alam kung paano ako hihinga ng maayos gayong parang ang sikip-sikip na.

"Stop that Avoth! Go away!" Pagtataboy ni Cabe. Nakita ko ang nasasaktan na mga mata ni Avoth, sumasalamin din doon ang pagod.

"Pag siya, umiiyak, pinupunasan mo ang mga luha niya, pero pag ako?" Umiling siya habang umiiyak. Naaawa ako ngayon sa kalagayan ni Avoth. Hindi ko alam na hahantong sa ganito ang lahat.

Ako ba talaga ang may kasalanan kung bakit hindi na sila? I heard that, it's only a dare. No strings attached...for Cabe.

Umalis siya nang umiiyak, ngunt hindi pa din yata maka-move on si Cabe kaya may pinahabol pa siyang mga salita.

"Don't you dare even try to hurt Chanel again, or else, I'll burry you until you can't breath anymore." Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang banta kay Avoth.

Tinulingan niya akong makatayo. Hinarap niya ako sa kanya. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya.

"Are you okay?" Tanong niya. Banayad ang kanyang boses kaya hindi ko maiwasang mapapikit at tumulo na lamang ang luha.

"Y-yes..." Niyakap niya ako at doon ako nakaramdam ng kakaibang saya. Mas kakaiba sa noong nangyari sa restaurant.

Naramdaman ko ang kanyang hininga sa aking buhok, hinalikan niya pa iyon. Bakit siya masyadong ganito? Ako naman ba ang sunod sa dare niya?

Napaisip ako roon. Lumayo ako sa kanya at narehistro sa kanyang mukha ang pagkagulat.

"Ako naman ba ang sunod sa dare mo?" Straightforward ko nang sinabi. Ayaw ko nang magaya kay Avoth.

Nanlaki naman ang mga mata niya at parang may kung anong dumagan sa aking dibdib.

Pag sinabi niyang hindi, maniniwala talaga ako. Pero pag hindi siya sumagot, I'll walk away.

"What?! Ofcourse no! Bakit mo naisip 'yan? Please don't compare yourself to Avoth, your better than her." Hinila niya muli ako at niyakap.

Sige, naniniwala ako.

Chasing HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon