Sixteenth Chase

16 3 0
                                        

"Pasok." Bumungad sa'kin si Pyper na galing sa sala. Nakabihis na ito at mukhang handa ng umalis.

"Oh? Aalis ka na?" Tanong ko habang bino-blow dry ang aking buhok. Ngayon kami pupunta ni Liberty sa orphanage. Alas-otso pa lang naman, ngunit maaga akong nagising.

Malamang ay nasa banyo na at naliligo na si Liberty.

"Yup. Ingat kayo mamaya." Sabi niya at tinanguan ko lamang siya. Nakahanda na ako at tanging siya na lamang ang iniintay.

Nadinig ko ang pagbukas-sara ng pinto. Naka-alis na si Pyper.

Nagpunta ako sa sofa. Hinanda ko ang kanyang kailangan kung sakali. Matapos noon ay agad naman akong nagpunta sa kusina para maghanda ng pagkain.

"Good morning!" Bati ko sa kanya ng makita ko siya. Nakasuot siya ng simpleng tee shirt at pantalon.

"Good morning! Handa ka na ba?" Masigla naman niya din na bati.

"Oo, pero kumain muna tayo bago pumaroon." Tumango siya at umupo na.

Tahimik lang kaming kumakain marahil ay sa gutom na din.

"'Yan lang ang kakainin mo?" Tanong niya nang makita ang isang wheat bread, ham at coffee.

Napakunot naman ang noo ko sa tanong niya.

"Oo, ito lang." Naglaro sa mukha niya ang nagtatakang ekspresyon. Marahil ay nabaguhan sa'king pagkain. It's been years, though. Nag g-gym na din ako.

Tumango na lamang siya at pinagpatuloy angkinakain. Natapos kaming kumain at lumabas na. Nai-karaga na din namin ang ilang mga bears na ipamimigay doon sa orphanage.

"So, we gotta go na. Baka tanghaliin tayo." Yaya niya. Sumakay kami sa kanyang sasakyan na katabi ang sasakyan ni Cabe.

Oh sht. Naalala ko na naman. PIlit ko na nga iyong kinalilimutan para hindi masyadong magwala ang mga kukurikapoo sa tyan ko.

Buong byahe ay napakadaldal ni Liberty. Nag ku-kwento siya ng kung ano-ano pero alam ko sa asking sarili na waa ako sa wisyo para makinig sa kanya. Ang tanging laman lamang ng isip ko ay si Cabe.Cabe. Cabe.Cabe.

Mukhang nasa delikadong sitwasyon na yata ako.

"We're here." Sabi niya at bumaling sa aking pintuan para pagbuksan ako. "Thanks." Nginitian ko siya pabalik.

Pumunta siya sa likurang bahagi ng kotse at kinuha ang ilan doon. Kukuha na sana ako ngunit agad niya akong pinigilan.

"Huwag na, nagpatawag na ako ng mga assistant sa loob ng orphanage upang ipakuha iyan. Just lead us na lang." Tumango ako sa kanyang sinabi. Kumuha na din ng mga nagsisislakihang bears ang mga assistant.

"Mga bata! May bisita tayo!" Masiglang sabi ng tagapangalaga ng bahay na ito.

Nagsitakbuhan ang mga bata. Maunti amang ang mga bata rito. Hindi katulad sa iba na para bang school na sa sobrang kadamihan ng mga bata.

Nasa mga 23 na bata lamang iyon. Sadyang kakaunti ang mga bata dahil ang iba ay napa-ampon na at ang iba ay nahanap na ng kanilang mga magulang. Napaka-swerte pa din pala ng ibang bata na ang pino-problema lamang ay kung paano laruin ang isang game sa ipad nila, kumpara sa mga batang ito na walang magulang o inabanduna na.

Saglit lamang kami doon at nakita ko naman sa mukha ng mga bata ang galak. Tuwang0tuwa sila. Ayaw ko pa sanang umalis doon ang kaso ay may tumawag na kay LIberty na kailangan niya nang umuwi dahil siya'y hinahanap na.

"Are you sure? Kaya pa naman kitang ihatid, Chantal." He suggested. Sabi ko ay huwag na dahil mukhang nagmamadali siya. Ayaw ko din naman dahil ayaw ko lagi nang nagmamadali.

Chasing HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon