Eleventh Chase

36 5 0
                                        

Masinsinang nag-uusap si Mom, Dad at Cabe sa isang pabilog na mesa. Samantalang ako ay kanina pa nang-eentertain sa mga bisita.

"Chan!" Tawag ni Ate sa'kin.

"Ate! Akala ko hindi ka makakadating?" Tanog ko sa'kanya matapos makipagbeso. She handed me a paperbag.

"Pwede ba 'yon? Ako? Mawawala sa unang birthday Party ng kapatid ko?" Nakangiti siya marahil ay sa ngayon lang ako nagpaganito. "...happy birthday!" She added.

"Thanks, Ate." Ngumiti din ako pagkatapos ay umalis na muna siya saglit. Marami pang mga kakilala akong dumating at bumabati.

Maya-maya ay naramdaman ko na parang may tumabi sa'kin.

"Libey." Sabi ko. Umupo ako ng maayos upang mas makaupo siya. Ngumiti siya at dala niya ang...

"Happy birthday again! Here's my gift." Wow. Pang-ilang bati niya na ba ito? And now, he's giving me present?

"Wow, thanks!" Nang may dumaan na nag-aasikaso ay pinadala ko ang dalawang gift na dala ko sa table.

"Aba, mukhang marami ka nang dapat ikwento sa'kin?" Tanong ko habang binibigyan siya ng makahulugang ngiti.

He chuckled.

"What? Wala naman akong dapat pang i-kwento sa'yo dahil halos ay napag-uusapan na natin noon." Lintaya niya.

Pero sa huli, nagkwwento pa din siya at hindi mawala sa usapan namin ang pag-throwback. Simula sa una ko siyang namataan. At nang medyo sumeryoso na ang usapan ay tsaka ako nagtanong.

"Hoy, Libey. Don't you have girlfriend?" Seryoso kong sabi. He stared at me. Yung titig na makakapagpatunaw sa iba, pero sa'kin, no awkward moments.

"Wala..." Sabi niya na hanggang ngayon ay nakatingin pa din sa'kin. "... hinihintay kita."

"Huh?" Hindi ko na masyadong naparinig ang huli niyang sinabi kaya agad akong napatanong.

"Uh, nothing." Binigyan niya ako ng ngiti at ganoon din ang naisukli niya sa'kin.

How I miss this man! Ang tagal na din naman noong huli kaming nagkita.

Ilang saglit lamang ay nagpaalam na si Liberty. Ang ibang mga bisita ay ganoon din, tumatango na lang ako at nagpapasalamat sa pagpunta nila.

"Chantal, Aalis na sila." Paalam sa'kin ni Pyper at itinuro ang mga kaibigan niya na naging kakilala ko din before.

"Ah, sige! Ingat kayo, ha?" Nagpaalam na sila at kasunod din doon ang mga ilang kaibigan ni Phoenix.

Lumakad ako patungo sa terrace kung saan nandoon si Dad at Cabe. Oo, kanina pa sila nagkaka-kwentuhan, hindi ko din namalayan na close na pala sila ng tatay ko?

"Dad, uuwi po ako sa condo." Sabi ko at medyo inaantok na.

"Ah? Ganoon ba?" Medyo nagtatakang tanong ni Dad. Napakunot ang noo ko dahil sa reaksyon niya.

"Why Dad?" Tanong ko.

"Ano namang gagawin mo doon at gabi na? Dito ka na magpalipas ng gabi tutal wala din namang maghahatid sa'yo." Mahabang sabi niya.

I suddenly heard Cabe cleared his throat.

"Ah, Mr. Clementine, pwede ko naman po siyang ihatid kung gusto niyo. Pareho lang naman po kami ng inuuwian."

Parehas na namilog ang mata namin ni Dad. What the?

"Ah! I mean, halos pareho din po kami ng tinutuluyang condo at magkaharap lang naman ang room namin, that's...what I mean." Agad niyang bawi.

Napasinghap kami ni Dad pareho pero mabilis na pinalis ni Dad ang usapan.

"Well, pwede naman. Just take care of her, 'kay?" What? Ganon na ba talaga silang ka-close para ipagpaubaya niya ako kay Cabe?

"Dad-"

"No buts, Chantal. Goodnight!" Pagkatapos noon ay pumasok na siya sa loob ni-text ko na lang si Mommy na uuna na ako. Malamang ay nagpapahinga na 'yon.

"So, he's your boyfriend?" Wait, What? Who?

"What?" Sino ba naman ang tinutukoy niyang boyfriend ko?

He started the engine then drive carefully. Gabi na at masyadong madilim ang daan kahit na may street lights. Inaantok na ako, pero sayang din kasi malapit-lapit lang naman na.

"Nevermind." Sabi niya at bago nag-overtake sa isang sasakyan.

"Hey!" Bulyaw ko sa kanya. Hindi niya ako nilingon at nanatiling seryoso ang mukha niya na nakatingin sa daan.

Kinabahan ako. Hindi ko nga lang alam kung sa pag-overtak eniya o dahil galit siya?

"Sorry." Bulong niyang sabi.

Tumango ako kahit na alam kong hindi niya kita. Eto na naman ang puso kong bumibilis ang takbo. Bakit ganito ang nararamdaman ko tuwing kasama siya? Tila parang laging may nagkakarerahan na kabayo.

Hindi ko na napigilan pa ang mga lumalabas na salita sa bibig ko.

"Uhm... No, he's not my boyfriend." Bigla ko na lang nasabi iyon! What the?! Alam kong tinutukoy niya si Liberty, and it's true though, hindi ko naman talaga siya boyfriend.

"Yeah..." Naaninag ko ang marahang pag-angat ng labi niya.

Oh my gosh? What's happening to me? Baka makalimutan ko na sila pa ni Avoth. At mahirap na lalo't btch at plastik din ang nobya niya.

Naging tahimik na ang byahe namin simula ng sabihin ko sa kanya na hindi kami.

Big deal ba sa kanya iyon?

Big deal ba sa Crush ko 'yon?

What the? Crush? Nasabi ko 'yon? No.Yes. Oo,crush ko na. At hanggang doon na lang iyon dahil may nobya ang tao.

Nakarating kami ng maayos sa Biulding. Gabi na at kakaunti na ang mga tao sa labas. Nauna ako sa paglalakad, maya-maya ay nakarinig ako ng impit na ungol ng sakit.

Nilingon ko ang likuran ko at natagpuan ko doon si Cabe na nakahawak sa ulo.

Nilapitan ko siya.

"Hey? Are you all right?" What a question Chantal! Of course not!

Nagpapanic na ako dahil habang tumatagal ay mas lalo na siyang nagrereklamo sa sakit.

Anong gagawin ko?

Dahil malapit-lapit pa kami sa kanyang sasakyan ay agad kong kinuha sa kamay niya ang susi at pina-ilaw ang sasakyan. Binuksan ko ang pinto at agad siyang isinakay sa front seat.

Nanginginig ang kamay ko. Halos magkamali na ako sa pagpasok ng susi. Nais ko mang pigilan ang kaba at panginginig ay hindi ko magawa.

Nang mabuhay ang engine ay mabilis na akong nagpatakbo at isinugod siya sa malapit na ospital.

Pagkarating doon ay agad na may sumalubong sa'ming mga nurse at may stretcher. Tinulungan nila akong ibaba si Cabe. Naiiyak na ako, mali, lumalandas na pala ag luha sa pisngi ko.

Bakit nangyayari 'to? Bakit sa'kanya? I mean, ugh!

Sumama ako sa paghatid sa kanya habang nakasakay sa kamang may puting kumot.

"Cabe!" Naiiyak ako at hindi ko alam kung bakit. Wala nang kahit anong pumapasok sa utak ko ngayon kundi ang anong nangyari at bakit nagkaganoon si Cabe.

Sa isang double-door na pinto nagdiretso ang mga nurse, sasama na sana ako ngunit may mga nurse na pumigil sa'kin.

"Sorry Ma'am, hanggang dyan na lang muna po kayo." At doon, tuluyang nagsara ang pinto.

Anong nangyayari?

Chasing HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon