"In a count of Five! Let's start! Five, four, three, two, one! Merry Christmas!" Malakas na sigaw ni Phoenix na sinundan namin ng malakas na hiyawan at batian.
Noche buena na at ang pamilya namin ay kumpleto na nagsasalo-salo sa aming hapag. Laging ganito ang nangyayari sa amin tuwing pasko.
Hanggang ngayon ay hindi pa din ako nakakatanggap man lang ng text galing kay Cabe. Ni presensya o anino man lang niya ay hindi ko mahagilap. Masakit oo, pero wala akong magawa kundi ang maghintay na baka sakaling babalik siya.
Kinaumagahan pagkagising ko ay nagkakagulo ang lahat, iba ang kaguluhan na ito kaysa sa masayang kaguluhan kagabi.
Agad akong kinabugan sa dibdib. May iba akong pakiramdam.
Nang bumaba ako sa hagdanan ay nakita ko ang kagigising lamang din na si Phoenix at ang tarantang mukha ni Pyper.
"Pypes, what happened?" Nag-aalalang tanong ni Phoenix.
Patuloy ang mga ksamabahay sa ikutan ng ikutan. Hinablot ko ang isang kasamabahay upang magtanong.
Pero bago pa man makasagot ito ay agad nang nagsalita si Pyper. "Si Ate!"
Ate?!
What happened?
Dumaan si Dad karga ang walang malay na si Ate. Nasa likod niya si Mom na umiiyak na at halos madapa na sa paghabol kay dad at Ate. Nataranta ako, hindi ko alam ang gagawin.
"Jose! Ihanda ang sasakyan! Kailangan natin siyang dalhin sa pinaka-malapit na ospital!" Nagmamadaling lumabas si Dad.
Agad ko namang hinabol si Mom.
"Mom! Wait! Sasama ako." Hindi niya ako nilingon o pinakinggan. Dire-diretso lamang siya hanggang sa makasakay sila. Kaming tatlo at ilang kasamabahay lamang ang natira ngayon rito.
"Kailangan natin silang sundan." Mariing sabi ni Phoenix.
Agad kaming sumakay sa kanyang sasakyan at sinundan ang sasakyang sinasakyan nina Ate. Nag-aalala kaming lahat para kay Ate. Ano kaya ang nangyari sa kanya? Bakit siya nagkaganoon.
"Ano ba talaga ang nangyari? Bakit nagkaganoon si Ate?" Tanong ni Pyper sa akin.
"Look, Pype. I don't know either. Jut please drive as fast as you can Phoenix!" Nangatog na ako sa mga maaaring mangyari. Paano kung may sakit siya? Paano kung may sakit nga siya at hindi siya magamot?
I can't lose another.
Nakarating kami sa ospital at agad na isinugod si Ate sa Emergency Room. Natataranta pa din kami ngunit inayos ko ang sarili ko nang lapitan ko si Mom.
"Mom..." Umiiyak siya ngayon. Ang sakit sa puso na makita siya na ganito. Niyakap ko siya kaya mas lalo siyang napahagulgol. Naiiyak na din ako. Kahit papaano naman ay naging malapit sa akin si Ate. Ayaw ko mang isipin na maaaring may sakit siya pero iyon talaga ang umeentrada sa isip ko.
Alam kong hindi ko pa makakausap si Mommy kaya kay Dad ako lumapit.
Tinawag ko siya.
"Dad..."
Hinarap niya ako nang nakangiti pero ang mata niya ay may bakas ng luha.
"Anak?"
"Dad, tell me. Ano po ba talaga ang nangyari? Bakit pagkagising ko ay nagkakagulo na ang lahat? Anong nangyari kay Ate?" Pumiyok na ako nang binaggit ko si Ate.
Nag-iwas ng tingin si Dad sa akin. Para bang hirap na hirap siya sa mga sasabihin niya. Huminga siya ng malalim bago ako hinarap ng tuluyan.
"I'm sorry..." Iyan ang sabi niya.
BINABASA MO ANG
Chasing Hearts
Novela JuvenilClementine Series: No. 1 (Andre Elizabeth Chantal Clementine) - Written by: Kaye De Villa Genre: Non-fiction & Romance Started: February 28,2016 Ended:
