Thirty-fourth Chase

35 0 0
                                        

Habang nilalakad ko ang mahabang pasilyo, bumabalik lahat sa akin ang mga mapapait na karanasan ko sa bahay na ito. Ganoon pa din ang ayos nito ngunit alam mo at kita mo kung gaano na ito napabayaan na.

Pinasok ko ang isang kwarto kung saan doon ako noon namamalagi. Ang kwarto ko.

Magabok at puno ng dumi ang kwarto ko sa ngayon. Kahit ganitong kadumi, nananatili ang malinis at malinaw na ala-ala ng mga pangyayari rito. Mula sa pamilya ko, kaibigan at maging sa kanya.

Umiling ako sa mga naiisip ko.

Why am I thinking about him? Dapat ay wala na siya sa isip at buhay ko sa ngayon. Narito ako sa Pilipinas para harapin ang mga naiwan ko noon. Pero bakit parang sila pa ang hindi nagpapakita sa akin ngayon?

Lumabas na lamang ako ng kwarto at in-examine ang kabuuan ng sala sa baba. Parang bumalik lahat ng nangyari sa akin noon. Yung kay Ate. Masakit pa din sa akin ang mga nangyari noon, lalo na at parang sa akin inisisisi ng lahat ang pagkabaliw ni Mom at pagkamatay ni Ate. Nalulungkot ako dahil iniisip ko na baka ni hindi man nila ako tinuring na pamilya.

Bumaba ako sa hagdan at lumabas ng bahay. Nag-vibrate ang phone ko at nakita ko ang mensahe ni Carmela.

Carmela:

Hey, you there already? How was your trip? Stay safe always, okay? Love you Elizabeth.

Napangiti naman ako dahil sa mensahe niya. Carmela is really a great person. Kahit sa kaunting panahon na nagkasama kami, masasabi kong nakilala na namin ang isa't isa.

Nag-tipa na lamang ako upang mapanatag din siya.

Ako:

Yes, I'm here and safe. Thank you, love you too. Ingat ka din :)

Nagreply siya at hindi ko na din na-reply-an. Masyadong naka-focus ang utak ko sa pagbabalik ko rito sa bansa. Kailangan kong bumalik rito upang hanapin sina Dad. Wala na akong balita sa kanila, maging kina Pyper at Phoenix, at syempre, kay Mom. Sana lang ay naka-recover na siya.

Pero bago ang lahat, gusto ko munang puntahan ang peak. I need to visit that peak if it was okay when I'm still away. Gusto ko ding maramdaman si Mommy, my real Mom.

Muli kong pinasadahan ng tingin ang bahay. Sa totoo, kararating ko lang, hindi yata uso sa akin ang salitang pahinga e. Napatingin ako sa bintana at agad na um-entrada sa utak ko ang pangyayari sa Australia.

Australia... Ang mga sinabi ni Elise.

Habang sumakay ako sa kotse ko ay naalala ko na naman ang mga sinabi ni Elise. Nagbalik at nakawala ang mga frats, at maaring nasa delikado ang buhay niya. Pero hindi ba dapat ay wala na akong pakialam?

Nang makarating ako sa ibaba ng peak ay pansamantala muna akong tumigil sa loob ng sasakyan. Naalala ko din ang mga pangyayari rito. Tanga na kung tanga kung hanggang ngayon ay naiisip ko pa din siya. Siguro naman hindi ko iyon maiiwasan dahil naging parte naman siya ng buhay ko.

The frats were back and I can't understand why Elise told me that? I know she has a crush on his non-biological brother but, somehow, it remains wrong.

Maling-mali.

Nakarating ako sa peak at nakakalungkot isipin na madami na ang mga tuyong dahon rito. Pinasadahan ko ang paligid at ang tanging naririnig ko lang ay ang mga bulong ng hangin. Nilakad ko ang daan papunta sa bench na kadalasan ko noon ay pinupuntahan. Magabok at halos mangalawang na iyon pero wala akong pakealam, ang gusto ko lang sa ngayon ay makaupo at makapag-isip-isip.

Napabuntong hininga ako. Ang hirap pala ng ganito, saan ko naman kaya uumpisahan hanapin ang pamilya ko?

Napapitlag ako ng marinig kaluskos galing sa bandang likod ng kinauupuan ko. Nagtindigan ang balahibo ko at napayakap sa sarili.

Nilingon ko ang likod ko.

"Sino yan?" Tanong ko sa kung sino.

Nagulat na lamang ako ng may lumabas na skateboard na may pamilyar na kulay at disenyo. Agad na nangilid ang mga luha ko.

Ang skateboard ko...

Tuluyan nang pumatak ang mga luha sa aking pisngi nang biglang lumabas si Pyper.

"Pyper!" Mangiyak-ngiyak ako nang lumapit sa babaeng may kulay dark brown na buhok na hanggang balikat at medyo kulot.

The same Pype.

"Chantal!" Tumakbo siya at niyakap ako. Agad na bumuhos ang mga luha namin at mga hagulgol na lamang ang iyong maririnig sa lugar na 'to.

"Chantal naman, bakit ngayon ka lang?" Umiiyak pa din siya ng bumitaw sa akin.

Pinunasan ko ang kanyang pisngi.

"You looked matured na." Ngiti ko sa kanya.

Ngumiti siya ngunit may bahid ng lungkot. Lungkot na nagsusumigaw ng halo-halong emosyon, para bang may gustong sabihin at idugtong.

"Chantal, I'm very sorry...pero kailangan kong gawin ito." May inilabas siyang panyo at itinakip sa aking bibig at ilong hanggang sa nawalan na ako ng malay.









"Minsan, kung sino pa talaga ang pamilya at kadugo mo, sila pa mismo ang sasaksak sayo palikod o hihila sa'yo pababa"

I've never imagined my life could be like this so hard.

All I want for my life is to be plain and simple. Pero bakit ba napakadaming unos ang dumadating? Bakit ba kasi ako? Bakit pa ba kasi ako nabuhay sa mundong ito? Bakit kailangan may mawala? Bakit kailangang may mawasak?

Nagising na lamang ako sa malambot ngunit pamilyar na amoy ng paligid. Amoy gamot.
Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang puro puting gamit sa paligid. Tumingin ako sa aking gilid at nakita ko ang dextrose sa taas sa tabi ko.

Napabangon ako sa pagkabigla.

"Hey..." Isang malambing ngunit malamig na boses ang nadinig ko sa aking gilid.

Bumaling ako sa gilid na iyon at nakita ang isang lalaki na may mala-anghel na mukha.

Mayroon siyang kulay brown na buhok at medyo gulo ngunit maganda, may kulay blue na mata na kasing kulay ng malalim na dagat, matangos na ilong, makapal at maayos na kilay, at mapupulang labi. Napaka-puti niya na halos mas maputi pa siya kaysa sa akin, at dahilan iyon upang mas madepina ang kanyang soft feautures. Napakaganda din pala ng kanyang panga, napaka-perpekto.

Mala-anghel talaga siya, mukha pa lang.

"A-ah..." Napalunok ako nang mautal habang nagsasalita. Nakakahiya sa gwapong ito kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Why am I here?"

"I saw you at the peak unconcious, kaya dinala kita rito." Maalam siya magtagalog.

Ngunit hindi iyon ang bagabag sa akin, kung hindi ay ang ginawa sa akin ng aking kapatid. Agad na nangilid ang aking mga luha at nag-iwas ng tingin sa kanya.

Ang sakit. Bakit kailangang gawin sa akin ng kapatid ko iyon? Masyado ba akong naging malupit sa kanya? Bakit? Ha?! Bakit?!

Namalayan ko na lamang na ako ay nilapitan ng lalaki kaya pinunasan ko agad ang aking luha.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko upang hindi siya makapagtanong.

Huminga siya ng malalim bago nagsalita.

"Travis Woods."

Tumango ako at humiga at tumalikod sa kanya.

"What's your name?" Mahinahon niyang tanong.

Napapikit ako ng mariin. Sino nga ba ako? Mukhang wala na si Chantal, kaya ako ay si...

"Elizabeth. Elizabeth Clementine."


Chasing HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon