Tahimik ang hallway ng ospital. Nakaupo ako sa tabing upuan habang nakatungo at nagdasasal.Bakit ako ganitong kaapektado?
Ilang minuto pa lamang ng ipasok siya sa loob. Halos maka-ilang buntong hininga na ako sa pagpipigil ng mga lumalandas kong luha.
Sa tahimik na hallway, nakarinig ako ng mga yabag ng takong mula sa kanan. Nilingon ko iyon at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Avoth. Namataan niya yata ako kaya biglang sumama na naman ang timpla ng mukha niya.
Umayos ako ng tayo at nagpunas ng luha.
Masama pa din ang tingin niya sa'kin. Tinaasan ko siya ng kilay.
Agad siyang lumapit sa'kin kaya napatayo ako.
"What did you do to him?!" Pabulong ngunit madiin niyang sabi. Hindi ako gumawa ng reaksyon at hinayaan ko lang siya sa mga sasabihin niya.
Magkatapat lang ang mukha namin ngunit medyo nakatingala ako dahil sa taas ng heels niya.
"Pahamak ka talaga. Kung hindi dahil sa'yo, wala sana dito si Cabe!" Sabi niya muli. Doon ay kumulo na agad ang dugo ko.
Siya pa talaga ang may ganang magalit ngayon?
"Paalala lang Avoth, kung hindi ko siya kasama-" Agaran niyang pinutol ang sinasabi ko.
"Shut up! Nakita ng isa sa mga kaibigan namin na may kasama daw na babae ang boyfriend ko! At ano? Kung walang nakakita na kakilala namin ay hindi mo man lang ako cocontact-in? Huh?" Agad akong natigil sa sinabi niya.
Bakit nga ba hindi ko iyon ginawa? Bakit ba hindi ko naisip na may girlfriend yung tao? Maling-mali na ang nangyayari sa'kin sa ngayon.
"Oh? Ano? Hindi ka maka-imik 'di ba? Kasi totoo! Totoo na malandi, haliparot, bobo-"
Agad na lumagitik ang malakas na sampal ng kanang kamay ko sa pisngi niya. Agad siyang napahawak doon at tila hindi makapaniwala.
"How dare you to judge me? Ni hindi mo nga yata ako kilala eh!" Doon, wala na akong maidugtong, lumalagapak na din sa magkabilang pisngi ko ang mga nag-uunahang luha.
Totoo naman na nawala agad siya sa isip ko dahil masyado akong nataranta kanina.
Mali ba ako? Sobra na bang laki ng kasalanan ko? Hindi ko inaakit ang boyfriend niya, for Pete's sake! Hindi ko gawain iyon at kailanman ay hindi ko iyon gagawin!
"Ma'am, tama na po." Agad na lumapit ang isang babaeng nurse na pupunta yata sa room ni Cabe.
Kahihiyan ito. Kahihiyan ang nangyayari ngayon. Hindi ko na pinansin ang nasa harap ko bago bumaling sa nurse.
"Nurse, kumusta 'yung pasyente sa Room 2-18?" Magalang na tanong ko sa nurse.
"Uhm...Ma'am, bale, ang pasyente po na si Mr. Alford ay inatake ng-"
"Enough, ako ang girlfriend, ako ang kakausap." Agad na putol ni Avoth sa sinasabi ng nurse.
Inatake? Inatake ng ano? Sakit ng ulo? What?
Halata sa mukha ng nurse na naguguluhan na siya kaya agad ko siyang inagapan upang magsalita.
"Tama siya Nurse, siya na lang ang kausapin mo." Tumango ang nurse at pumasok na sa Room. Susunod na sana ako ngunit agad na lumingon sa'kin si Avoth at pinanlakihan ng mata.
"Don't you dare try to enter this room without my permission." Mariin niyang sabi. Naiwan ako doon na tulala at walang nasabi.
How rude she is!
Bakit? Ako na nga itong nagmamalasakit eh?
Umatras ako at sandaling umupo. Pinag-iisipan ang mga nangyari.
Ganoon ba talaga ang tinngin niya sa'kin? Malandi ba talaga ako? Ganoon na ba ako ka-attached sa boyfriend niya? At bakit...bakit niya hinayaang pumunta si Cabe sa party ko? Bakit niya hinahayaang makita ako ni Cabe? Bakit?
Ang daming tanong na pumapasok ngayon sa isipan ko.
Maya-maya ay napagisip-isip ko na din na kailangan kong umalis na at umuwi na muna. Napag-pasyahan ko na din na huwag na muna siya dalawin, dahil una sa lahat, kinakain ako ng konsensya ko at pangalawa alam kong nandoon si Avoth. Hindi ko naman papayagan ang aking sarili na maki...apid?
Of course no! Hindi ko gusto ang boyfriend niya! Just, just...crush?
Lumakad ako patungo sa nurse station. Pinahabilin ko sa kanila ang susi ni Cabe kung sakali mang hanapin ni Avoth. Napag-pasyahan ko na lang na mag-taxi pauwi.
Pagkalabas ng ospital ay naramdaman ko ang lamig ng hangin. Napatingin ako sa king katawan at napatigil ang aking mata sa aking kanang kamay.
Did I really slapped Avoth? Tanong ko sa sarili.
Hindi ko alam kung bakit ko iyon agarang nagawa. Baka dahil na din sa pambabastos niya sa akin. I wont allow anyone to say those words to me, lalo na at hindi nila ako lubusang kilala.
Nang maka-uwi ako sa condo ay naabutan ko doon si Phoenix.
"Chan!" Salubong niya sa'kin. Madaling araw na ah? Nandito na siya? Binigyan ko lamang siya ng pagod na ngiti. Hindi ko na kailangan magsalita dahil wala din naman akong sasabihin.
Napansin niya yata ang kakaiba sa'kin kaya niya ako natanong.
"What's wrong Chantal?" Marahang tanong ng kapatid ko sa'kin.
Tumungo ako kinurot ang kamay na nasa aking likod ngayon. No Chantal, don't let your tears fall in front of your brother.
"Nothing..." Sagot ko at tumalikod bago pumuntang kusina. Hinanap ko kaagad ang malamig na tubig na nakalagay sa pitcher at nagsalin ng maiinom.
Halos hindi ko din magawang lasapin ang lamig noon. Is it because of Avoth insulted me earlier? or , the fact that I can't be with Cabe while he's unconscious? Bakit ba ako ganito? Why am I always chasing him silently? Nagmumukha tuloy akong desperada.
Ibinaba ko ang baso na may lamang kaunting tubig sa lababo.
"What exactly happened earlier Chan?" Nakatalikod pa din ako sa aking kapatid, hindi ko na namalayang sumunod na pala siya.
"I said nothing, Phoenix..." Napapikit ako habang sinasabi iyon.
How I wish there's nothing.
"I feel it, mayroon Chantal. I am your brother, I am your half... don't bother to tell me something about what's happening to you, you're my Sis, remember?" Tuluyan ng pumatak ang luha ko sa sinabi ng kapatid ko.
Hinarap ko siya at nakita ko siyang nakahalukipkip sa may ambang pintuan. Dahan-dahan akong lumapit sa kapatid ko habang patuloy na umaagos ang luha ko.
Nang tuluyan na akong makalapit sa kanya ay niyakap niya ako ng mahigpit. Doon, lalong napalakas ang hagulgol ko, hindi ko aakalain na mayroon din palang ganitong side si Phoenix.
"Shh... tahan na Chantal, maiintindihan ko din naman kung hindi mo masabi ang nangyari kanina sa ngayon, but dapat magkwento ka, baka kung ano na pala ang ginawa sa'yo ng Cabe na iyon."
Napabalikwas ako ng binanggit niya si Cabe.
"Cabe? Paano..." Agad siyang nagsalita bago pa ako makatapos.
"Sino ba naman pa ang magiging dahilan ng mga iyak mong iyan?" Tinaas niya ang kilay niya sa'kin.
Niyaya niya ako sa sofa upang magpakalma. Naghanda siya ng makakain namin ngayon, it's almost 3 in the morning na at kahit na umiyak ako ay wala pa ring antok na dumadalaw sa'kin sa ngayon.
"By the way, ang aga mo dito? Madaling araw na ah?" Iniinom ko sa ngayon ang hot chocolate na hinanda niya, tutal umaga na din naman.
"Actually, nung dumating ka, kagigising ko lang galing sa idlip. Pinasundan kayo ni Dad sa'kin, hanggang parking lot ko lang kayo ng building naabutan, nilipat ko lang saglit ang tingin ko, wala na agad ang sasakyan na sinakyan niyo? Hinayaan ko na lang...may tiwala naman ako sa inyo eh."
My heart just melted already, ang bait at ang taas din pala ng tiwala sa'kin ng kapatid ko. Lucky.
But wait, pinasundan? Ni Dad?

BINABASA MO ANG
Chasing Hearts
Teen FictionClementine Series: No. 1 (Andre Elizabeth Chantal Clementine) - Written by: Kaye De Villa Genre: Non-fiction & Romance Started: February 28,2016 Ended: