Thirtieth Chase

16 0 0
                                        

"Chantal, nandito na sina Aunty." Sa loob ng tahimik na chapel ay nadinig ko ang kaluskos na nagmula sa may bandang pintuan. 

Tumunghay ako galing sa pagkakababa ng kape upang tingnan ang aking mga tiyahin. Bakas sa mukha nila ang lungkot at sakit. 

Lumapit kaming tatlo sa kanila upang magmano ngunit nang ako na ay marahas niyang inalis ang kanyang kamay na nakalahad. Hindi niya talaga ako matanggap. Iniisip niya na ako kasi ang salot sa kanilang angkan. Dahilan daw ako ng pagkamatay ni Lola, nataon na bago ang araw ng kanyang pagkamatay ay araw na ipinakilala ako ni Mommy.

Napabuntong-hininga ako at tumango ng marahan upang palampasin ang nangyari. Hindi ko na kailangan pang mag-drama ngayon. Nasa burol kami ni Ate at kahit papaano ay kailangan ko silang pagsilbihan.

Umalis ako roon at nakita ko sila na lumapit sa tulalang si Mommy sa kabaong ni ate sa harap. Ganyan si Mom simula noong isang isang araw pa. Ginusto ni Daddy na sa chapel na lamang si Ate iburol upang kahit papaano ay humupa ang lugkot ni Mom kung makikita niya si Ate sa bahay na walang buhay at nakahiga sa kabaong.

Lahat kami halos ay namumugto pa din ang mga mata. Ang kambal ay tinutulungan ako at ang iba pang kasamabahay upang mabantayan ang maliit na chapel na ginusto ni Dad.

Katulad nang mga nakaraang gabi ay halos tatlo o apat na oras lang din yata ang aking naitulog. 

Pagkagising ko, bigla kong naalala na ngayon na nga pala ililibing si Ate. Napaigtad ako ng makitang alas-otso na nang umaga. Kaninang madaling araw lang kasi ako nakatulog.

Agad akong nagbihis upang makapunta sa chapel at halos mapapikit na ako ng madinig ko ang mga sigaw ni Mommy.

"Huwag niyong ilayo ang anak ko, parang awa niyo na!" Laging ganito ang scene tuwing umaga, pero mas lumala yata ngayo dahil nakita niyang isinasarado na ang kabaong nito.

Madaling lumipas ang oras ng makapuntang simbahan. Ngayon ay nasa sementeryo na kami kung saan ililibing si Ate.

Kung ang inaakala namin na magwawala na naman si Mom ay sobrang mali kami, nakangiti siya habang nilalaro ang buhok niya at kinakausap ito. Kanina ay halos kilabutan na kami ng tawagin niya sa pangalan ni ate ang mga buhok na nilalaro niya.

Masakit isipin na nawawala na sa sarili ang aming nanay. Oo nga at hindi ko naman siya tunay na Ina, pero ang makasama siya ng ilang taon ay halos maging pakiramdam ko ay tunay na Ina ko na siya.

Nailibing si Ate ng maayos. Lalong naging maayos ng walang ingay o iyak man lang ang nadinig. Maging ako ay lalong nagtaka kay Mommy ng puro ngiti lang siya sa kabaong ni ate. 

I know this sounds creepy but I can't help it. Halos pumulupot na din sa akin si Pyper ng makita ang kalagayan ni Mommy. Katabi niya si Dad na may luha ngunit hindi malakas o hagulhol ang iyak.

Pero hindi ko aakalain ag mga sumunod na nangyari.

Napatulala ako kay Mommy na siyang lumalapit sa akin ngayon. Magaan ang ngiti niya kaya nginitian ko din siya ngayon.

Pero hindi ko inakala ang malakas niyang pagsampal sa akin sa harap ng madaming tao at mga kamag-anak namin.

"Ikaw!" Duro niya sa akin.

"Mom! Stop it." Marahang sinaway ni Phoenix si Mom habang niyayapos, ngunit marahas lamang iyong tinagtag ni Mom.

"Mom..." Naiiyak kong sabi.

"Ikaw ang salot! Salot ka sa pamilya ko! Hindi kita tunay na anak! Walangya ka! Pinatay mo ang anak ko! Kung hindi dahil sa salot ka edi sana nandito pa si Pacia ngayon!" Lumapit siya sa akin hinablot ang buhok ko. Umawat na ang karamihan sa aming kamag-anak, ngunit wala akong magawa kundi ang umiyak.

Habang patuloy sa paglandas ag luha ko ay patuloy pa din siya sa pagbato ng masasakit na salita sa akin.

"Dapat hindi na lamang kita kinupkop noon! Isa ka lang naman palang salot! Salot ka! Salot ka! Salot!" Niyakap na ng umiiyak na si Daddy si Mommy. Binubulungan niya rin ito at sinasabing tama na.

Habang ako ay patuloy na iniisip ang lahat.

Salot ba talaga ako? Ako ba ang malas sa pamilya nila? Ha? Sabihin niyo nga sa akin? Kung wala ba ako, ganito ba ang kahihinatnan ni Ate? Mamamatay ba siya? Mawawala ba sa katinuan si Mom?

Please! Explain all of these to me! Mababaliw na din yataako kapag walang nagsabing ako nga ang may kasalanan ng lahat. Sabihin niyong salot ako sa pamilyang ito! Please! Sabihin niyo!

"Mom tama na please!" Hindi ko na napigilan ang pagsigaw ko. Nabigla din ang aking pamilya magig ng ang kamag-anak ko.

Umiling ako at hinayaang tumulo ang walang pakundangang luha sa pisngi ko. Napaka-daming tanong at kung ano-ano pa ang pmapasok sa isip ko pero may isa akong hindi makalimutan.

"Nagsisisi ka ba, Mom?" Narinig ko ang mala-sarkastikong tawa ni Aunty.

"Don't you see?!" She said in a matter-of-fact tone. Napalunok ako at nanginginig na.

"Carmen! Tama na!" Sigaw ni Daddy. 

Mali ito. Maling-mali. 

Umalis ako sa harap nila at agarang kinuha ang bag ko sa isa sa mahabang upuan sa sementeryo.  Sa huling sandali, akala ko, maaayos ang lahat, ayos ang lahat, pero isang maling akala lang pala ito.

Umiiyak ako at umalis sa sementeryo. Wala na akong ibang maisip na paraan pa para protektahan ang sarili ko sa sunod-sunod na sakit na naranasan ko. Ang gusto ko lang sa mga oras na ito ay umalis...













"Elizabeth!" Magaan ang ngiti sa akin ni Carmela habang hawak niya ang wine glass, medyo gumigiling-giling pa siya habang natatawang lumapit sa akin.

"Happy birthday!"





Chasing HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon