Fifth Chase

53 6 2
                                        

"What? Chanel?" Lumingon-lingon pa ako dahil baka may babaeng Chanel pala ang pangalan.

"You're the one I've been talking to, Miss." Sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay habang nakahalukipkip at hawak ang skateboard.

"Excuse me, I'm not Chanel by the way." Aalis na sana ako dahil naiirita ako sa mukha niya pero pinigilan niya ako. Nakaramdam naman ako ng kaunting kaba at hindi maipaliwanag na naramdaman nang hawakan niya ang braso ko.

"Bastos ka ba?" Tanong niya, na ikina-offend ko. Nainis na talaga ako kaya hinigit ko ang braso ko at nagsimula ng maglakad. Malayo-layo na ako ng makarinig ako ng parang kaluskos ng skateboard? din?

Nilingon ko siya at na-abutan ko siyang nag s-skateboard. Nagtago ako upang panoorin siya. Teka nga, bakit ko ba siya pinapanood? Mamaya niyan, makita pa ako ng girlfriend niya at pagbintangan na pinagnanasahan ko ang lalaking to.

Tumalikod ako para tuluyan na akong makabalik ngunit laking gulat ko ng biglang humampas ang hangin at nakita ko ang pagmumukha ng lalaking naka-bonet.

"Hindi mo man lang ba, tatanungin kung anong pangalan ko?" Nakangisi niyang tanong. Mas lalo siyang tumangkad dahil nakasakay siya sa kanyang skateboard.

"Bakit ko naman tatanungin?" Pairap kong tanong. Tinagtag niya ang bonet niya at pinasadahan niya ang kanyang buhok. Napalunok naman ako. Gwapo pala siya? Ngumiti siya sa'kin.

"W...what?" Bakit ako nabubulol? No way!

Matagal siyang nakangiti sa'kin at hindi ko maipagkakaila na may ipagmamalaki nga naman ang nasuntok kong mukha niya.

Guilty Alert.

"Alam mo ang ganda mo..." Sabi niya. Nanlaki naman ang mata ko.

"What the hell?! I know and I'm pretty sure na pag nakita tayo nung girlfriend mo ay paniguradong masasabunutan ako non!" Hipokrita kasi.

Tumawa siya. " I didn't know na alam mo pala na may girlfriend ako. Bakit mo alam? Are you stalking me?" Ang yabang!

"What? Kung wala kang magandang sasabihin ay mabuti pa na umalis ako dito." Bumaba siya sa skateboard at hinabol ako. Hinarangan niya ang dadaanan ko. Naiinis na ako.

"Itanong mo muna kung anong pangalan ko." Wtf?! Ano ba namang pake ko sa pangalan niya? At pag nalaman laman ko lang na patapon ang pangalan niya ay humanda siya!

Humalukipkip ako at tiningnan siya. Tatapusin ko na ang walang kwentang usapan na 'to.

"Fine, What the actual fvk is your name?" Humalakhak siya bago ako sinagot.

"Cabe Cadmus Alford." At doon ay sinakyan niya ang skateboard niya at umalis sa harapan ko.

Okay, hindi naman pala patapon. Naasar ako sa Cabe na 'yon kaya mas magaling pang umalis at iwan siya. Magdagasa sana siya.

Bumalik na ako sa taas upang makapagpahinga. Hindi tuloy ako maka-move on 'dun sa lalaking feeling close, I mean, si Cabe.

Nakakapagod din pala pag laging may nagpapainit ng ulo mo?

Kumain na ako bago humiga, pinasadahan ko ng tingin ang orasan at halos 8:00 na pero agad na antok na ako.

Kinabukasan, dumalaw sina Mom and Dad dito. Hindi nila kasama sina Pyper, nasa isang bonding with the gang pala sila ni Phoenix.

"Kamusta naman dito? Ayos ba?" Tanong ni Dad.

"Opo naman, parang iilang araw pa lang naman ako dito ah?" Humalakhak pa kami bago kami tinawag ni Mom.

Tinabihan ko siya.

"Chantal, kilala mo ba ito?" Tanong niya. Tiningnan kong mabuti ang babae sa cellphone ni Mom, maganda ito at parang modelo.

"Hindi Mom, Bakit?" Nakakunot kong tanong.

"Siya si Avery." Ah, okay. Infairness, maganda.

Nagtaka naman ako kay Mom kung bakit nasali yung Avery sa'min.

Hinayaan ko na lang dahil umalis na siya sa tabi ko.

Tahimik kaming kumakain at binasag ni Mom ang katahimikan.

"Uhm...Chan, may gusto lang kaming ipaalala ng Daddy mo sayo." Ano daw? Bakit?

"Ano po iyon?" Binaba ko muna ang mga kubyertos ko.

"Nag-aalala naman lang kasi ako, you know, I overheard the staff kanina, pinag-uusapan daw nilang may lalaking lilipat sa tapat ng Room mo." Sabi ni Dad.

Huh? Eh ano naman?

"Bakit Dad, kakilala niyo po ba?" Mahinahong tanong ko.

"'Yun na nga eh, hindi natin kakilala kaya nag-aalala kami sayo, ingat ka lagi dito, baka minsan lang kami makadalaw." Sabi naman ni Mommy na bakas ang pag-aalala sa mukha.

"Ano ba kayo Mom, Dad, don't worry too much, kaya ko na po ang sarili ko. Atsaka kung sino man po 'yung lalaki ay wala naman po akong pakialam." Tumango sila at kumain na.

"Chan, by the way, Saan mo nga ba balak magtayo ng shop?" It was Dad.

"Pinag-iisipan ko pa po eh." Nagkatinginan naman sila ni Mom.

Biglang nagsalita si Mom, "You know Chan, pwede naman na kami na ang bahala sa shop mo, I mean, kami na ang bahala sa perang ipagpapatayo mo." Nanlaki naman ang mata ko.

"What?! I...i mean, no Mom, mas gusto ko pong ako na, pera ko na ang gamitin, nahihiya na din po ako sa inyo." Tumawa naman sila.

"Oh, how sweet. Sige sabi mo eh." Hinawakan pa ni Mom ang kamay ko. Thanks for having this kind of parents.

Nakaalis na sila Mom. Natapos ko na din ang daily routines ko gaya ng pag g-gym. Masyadong mabilis ang oras, naisipan kong lumabas at saglit na mag-stroll.

Paglabas ko ay nakita ko ang katapat na room ko, naalala ko tuloy yung sinabi nina Mom kanina. Sino naman kaya 'yun?

Dahan-dahang nagbukas ang pinto sa harap kaya nagmadali na akong lumiko pa kung saan. Hindi ko namalayan, nakarating na pala ako sa elevator. Pumasok ako at pinindot ko ang rooftop.

Nang makarating ako ay namangha ako sa nakita ko. Madilim na ang paligid ngunit makikita mo pa din ang City lights na nagkikinangan, nag-aagaw ang kulay purple and white sa paligid. Lumapit ako sa dulo kung saan may harang. Tiningnan ko iyon at ang baba, hindi naman ko takot sa matataas pero ngayon ay bigla akong nahilo.

"Ah!" Napatili ako ng may muntikan nang tumulak sa'kin. Sa ngayon ay alam kong namumutla ako, nilingon ko siya at nakita ko si Cabe.

What the heck?!

"What the hell are you doing here?!" Tanong ko sa kanya at nilayuan siya, mamaya, baka rapist pala 'to, mabuti na ang maingat.

"Ikaw lang ba ang may karapatan na pumunta dito?" Tanong niya at tumalikod sa'kin bago humarap at pumwesto sa pwesto ko kanina.

Naiinis pa din ako sa ginawa niya, hindi niya ba alam na halos ikamatay ko na ang gulat na iyon?! Balak ko sana rin siyang kunwaring itulak kagaya ng ginawa niya sa'kin, pero nakita ko na seryoso ang mukha niya.

Ginawa ko uli ang posisyon ko kanina. Nakahalukipkip ako. Iisipin ko na lang na wala akong kasama dito para hindi magulo ang tahimik na gabi ko.

"Chanel..."

"I'm not Chanel!" Agad kong kontra.

"Gusto kitang tawagin na Chanel eh." Sabi niya. Aba't?!

"Bakit Chanel ha?!" Sigaw ko sa kanya.

"Ano ka ba? Pangalan mo hindi mo alam?"

"Eh hindi naman Chanel ang pangalan ko eh!" Sigaw ko uli.

"Tss. Andre Chantel Elizabeth Guerra-Clementine? Chan from Chantal and El for Elizabeth, Chanel. Sounds good kaya." Tss.

"Dami mong satsat." Sabi ko na lang dahil wala na akong masabi sa pagbibigay niya ng nickname sa'kin.


P.S: Hey Aves pixielhemmo


Chasing HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon