Matapos kumain ay nagpunta nagpunta na agad kami sa Condo. Malaki ang kabuuan ng Condominiun, hanggang 20th floor ito at sa bawat floor ay may 15 rooms na sobra ang laki.Nasa 18th floor ako kasama sina Mom and Dad at ang kambal. Si Ate Pacia ay hindi na sumama dahil may iniintindi din ito sa boutique niya.
"Mom, lilibutin ko lang 'tong floor na 'to ha?" Paalam ko sa kanya. Tumango naman siya at bumalik sa pakikipag-usap sa isang staff.
Naglakad-lakad ako, nakarating ako sa may dulo, lumiko ako at namataan ko doon ang isang lalaking naka-bonet na kulay gray.
Tss. Typical Boys. Maangas. Nakita ko siya na may hila-hilang maleta at para bang hinahanap pa din ang kanyang room number.
Malayo ako sa kanya kaya hindi niya ako kita, samantalang ako ay kitang-kita ko siya. Bakit ko nga ba siya sinusundan ng tingin?
Binuksan niya iyon gamit ang card. Nagulat ako sa babaeng may dumamba sa kanya.
"Surprise!" Sabi ng babae. Niyakap nito ang lalaki. Dahil nga sa medyo malayo kami, hindi ko masyado makita ang mukha ng lalaki. Niyakap niya din ang babae ng nakangiti, ngunit ng tuluyan niya na itong mayakap ay agad na napawi ang kanyang ngiti at pinaltan ng naiinis na ekspresyon.
Aba! Loko 'to ah! Pati pala lalaki ngayon alam nang makipag-plastikan?!
"Oh babe...how are you?Anong nangyari sa mukha mo?" Malumanay ngunit maarteng sabi ng babae. Napataas naman ang kilay ko ng makita ang mapang-akit na ngiti ng babae sa lalaki. Ugh, dapat lang pala sa kanya 'yan eh. Kaasar.
Ngumiti naman ang lalaki bago magsalita.
"I'm fine babe, how are you too? I thought you were out of the country?" Nakangising sabi ng lalaki. Pero alam niyo may napansin ako, may kamukha at kaboses siya eh. Sino nga ba 'yun? Ah, nevermind.
Bakit ko ba pinaanood ang naglalandian at nagpaplastikang couple na ito? Nasasayang na ang oras ko eh.
Umatras na ako para sana umalis ngunit sa kasamaang palad ay may nabangga akong metal sa likod at na-out of balance ako. Naramdaman ko ang sakit sa aking pwetan ko kasabay na naramdaman ko ang pagtingin ng dalawang tao na tinitingnan ko kanina. Ugh?!
"How pathetic of that girl..." dinig kong bulong ng babaeng hipokrita. Tumayo ako mula sa pagkakahulog at mabilis na tumalikod bago umalis doon.
Bakit pa ba kasi ako umalis sa tabi nila eh?!
Nakabalik ako kung saan din ako umalis. "Oh Chan, bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong ni Phoenix. Tinignan ko siya bago sumagot.
"Ha? Wala, ano ka ba!" Pabiro ko siyang hinampas. Narinig ko pang bumulong si Pyper."Is that really Andre Chantal Elizabeth Guerra-Clementine?"
Maging ako ay nagulat sa pabirong hampas ko kay Phoenix. Hindi ko 'yon ginagawa sa kanila kasi alam nilang may pagsataray ako kaya't tinatarayan ko lang sila.
What the freaking hell is wrong with me?! Bakit ba masyado akong affected dun sa dalawang hipokrita at hipokrito na 'yun?! Ugh!
"By the way, where's Mom?" I changed the topic quickly.
"Mom was going to attend some meeting of her client. Kami nalang daw ni Phoenix ang tutulong sa'yo. Ayaw naming ipaalam at ipahawak sa iba ang mga gamit mo at utos na din iyon ni Dad." Mahabang paliwanag ni Pyper.
"Okay. Let's go." Inilabas ko ang aking card upang buksan ang pinto, bumungad sa'min ang modern style na condo. Ang ganda nito kumpara sa inaakala ko at gusto ko.
"Wow, may tambayan na ako galing sa mga kaibigan ko." Namamangha na sabi ni Phoenix.
"Oh My, dito na din ako!" Sabi naman ni Pyper. I snapped my fingers para bumalik sila sa realidad. Grabe ha?
"Hoy, mag-ayos na tayo." Yaya niya. Nagsikilusan na din ang dalawa. Kinuha ko isa-isa ang mga maleta.
"Ako na lang ang mag-aayos ng sa kwarto ko ha? Teka, dadalhin ko lang 'to." Paalam ko sa kanila at tumango sila.
Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko ang isang 44 inches na flat screen T.V, ang kama ay may kulay cream and gray na kulay. May pahaba din na aircon na nakakabit. Inilapag ko ang maleta at tumingin pa sa iba. Hinawi ko ang kurtina at bumungad sa'kin ang mainit na syudad, glass window ito at nasa 18th floor ako kaya kita ko ibang mga buildings and houses. Sinarhan ko ito kahit hindi naman gaanong abot ng init.
I decided to help the twins.
Naabutan ko silang naka-upo habang inaayos nila ang isang gamit.
"What's that?" Tanong ko.
"Sinira ni Phoenix oh!" Bintang agad ni Pyper.
"Hoy! Hindi kaya! Inaayos na nga eh!" Depensa naman ni Phoenix.
"Ano ba kasi 'yan at anong nangyari?" Pag-uulit ko ng tanong. Nagtanong ako tapos ang isasagot sa'kin bintangan? Grabe sila.
"Nakita ko 'tong nahulog nung lalaki kanina sa labas sa tapat ng pinto, kaya kinuha ko. Parang maliit na vault nga eh." Paliwanag ni Pyper habang patuloy na tinitingnan at inaayos ni Phoenix.
"Eh bakit hindi niyo sinauli?" Taas kilay kong tanong.
"Kung kilala ba namin edi sana kanina pa 'to wala sa kamay ko! Utak naman Chan!" Sinamaan ko ng tingin si Phoenix na nakangisi habang nakatingin sa maliit na lalagyan.
Biglang nagbukas iyon at may mga numbers na nakalagay.
"Password?" Sabay-sabay naming tanong.
"Oo nga no? Halika subukan natin!" Bago pa maituloy ni Phoenix ang kagaguhan niya ay piningot ko siya.
"Hep! Hindi naman atin yan no! Akin na nga at ako na ang mag-sasauli. Mag-ayos na tayo." Wala na silang nagawa kundi ibigay sa'kin iyon at maglinis.
Inilagay namin sa tamang lalagyan ang ibang mga gamit ko. Halos 7:30 p.m na din kami natapos. Pinagpahinga ko muna sila bago hinatid.
"Ingat kayo!" Paalam ko sa kanila ng makasakay ng taxi.
Thankful ako sa kanila, kung wala sila, panigurado midnight pa ako makakatapos dahil sa patigil-tigil ko.
Nang makalabas ako ng elevator ay bumungad sa'kin ang lalaking naka-bonet.
Omg! Siya nga! Yung lalaking nasuntok ko sa Mall!
Sinamaan niya ako ng tingin. Halata pa din kasi sa mukha niya ang pasa sa kanang mata. Lalabas na sana ako dahil nilalamon na ako ng guilt kaso tinakid niya ako kaya gumewang ako. Mabuti at na-balance ko uli ang katawan ko. Nilingon ko siya at binigyan niya ako ng nakakaasar na ngiti.
Kainis 'tong pathetic jerk na 'to ah! Nakatingin pa din siya sa'kin habang pinindot niya ang kung ano mang floor ang pupuntahan niya. Nakatingin lang ako sa kanya habang naiinis na pinagpagan kunwari ang damit ko.
"Nakakaasar! Mag be-break din sila sa 23 ng hipokrita niyang girlfriend!"

BINABASA MO ANG
Chasing Hearts
Ficção AdolescenteClementine Series: No. 1 (Andre Elizabeth Chantal Clementine) - Written by: Kaye De Villa Genre: Non-fiction & Romance Started: February 28,2016 Ended: