Thirty-first Chase

16 0 0
                                        

"Happy Birthday!" Nakangiting bati niya sa akin. Kumunot ang noo ko at bahagyang napatingin sa date sa phone ko.

Ah! It's my birthday!

"Ah, thanks." Sabi ko at ngumisi sabay simsim sa wine glass na nakapatong sa bar counter.

Humalakhak si Carmela na para bang sinasabing...

"Oh? Nakalimutan mo na naman ang birthday mo?" Parang wala na lang sa kanya iyon ng sinabi iyon sa akin, kahit na sinamaan ko siya ng tingin.

Nasanay na siya, two birthdays had passed at lagi kong nakakalimutan na kaarawan ko pala.

"You're not a freakin' teenager! Get a boyfriend!" Hinawakan niya ang balikat ko at inalog-alog ako.

"I don't have time for nonsense things you know." I said in a matter-of-fact tone.

"My gosh Elizabeth! You're 24 and next year you'll be 25! Ayaw mo naman sigurong tumandang dalaga ano?" Ngumiwi siya sa akin at inirapan ko siya.

"Shut the heck up, Carmela Hudson." Mariin kong sabi sabay ngisi sa kanya. Nagtaas siya ng dalawang kamay na para bang sumusuko na sa pulis.

"Ah, yeah. I should shut up! But, hey! It's your birthday! Have some fun girl!" Lumingon siya sa lalaking humawak sa kanyang baywang at sumama na upang makipag-sayawan.

Tama siya, dapat kahit sa araw na ito ay mag-saya ako.

Tumayo ako mula high-chair at naglakad sa dancefloor. Bago pa man ako makarating doon ay nadinig ko na ang malakas na ringtone ng aking cellphone.

"Ah, sht." Bulong ko bago padabog na bumalik sa upuan.

"Who the hell is this?" Inis kong tanong sa kung sino dahil sa unknown number na nakasulat sa phone ko.

Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba ito o hindi. Baka nang-gu-good time na naman ang mga foreigner na ito. Mahirap na, I'm on Australia.

Namatay ang tunog ngunit agad na bumalik kaya sinagot ko na agad.

"What?!" Sigaw ko. Isang hindi maintindihan na ingay ang nadidinig ko sa kabilang linya.

Naiinis talaga ako sa mga tao dito. Maliban kay Carmela kahit na lagi niya akong tini-trip. Look, eto oh, gabing-gabi na at ang lakas ng loob tumawag!

"Ah, Are you Miss Chantal-"

"Elizabeth." I corrected.

"Yeah, Andre Elizabeth Chantal Clementine, right?" Tanong ng lalaking boses. Napapikit ako dahil sa pagkakasabi niya ng buong pangalan ko. Drop the two, please.

"What's your problem?" Irap kong tanong kahit na alam kong hindi ako nakita ng kanong 'to.

"It's your problem, Miss. You're car was crashed when we saw it on your block. The car was deadly kissing the tree now."

Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. Bakit? Nag-isang bumangga mag-isa ang sasakyan ko kung ganoon?!

"What the fck?!" Binaba ko na ang tawag at agad na hinanap sa dagat ng mga kanong ito si Carmela.

Where the hell is she? Kailangan na naming umuwi dahil sa pagkakaalam ko, magkatabi lamang ang isa pang sasakyan niya sa sasakyan ko, malamang may damage din iyong kanya.

I already found my bitch. Oh, randomly kissing some kano.

Nilapitan ko ang sofa kung saan sila naglalaplapan at agad siyang pinukaw roon.

"Carmela Joanna Hudson!" Sigaw ko at pinalo ang dalang bag ko sa kanya. Naiirita siyang tumingin sa akin.

"What the hell! Don't call me with my second name!" Bago muling hinarap ang lalaki.

Chasing HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon