Second Chase

74 6 2
                                        

"Chan! What happened?!" Salubong ni Phoenix pagkapasok namin ni Pyper. Binaba niya ang magazine na binabasa at agad na hinawakan ang naka-benda kong kamay.

"Wag!" Sabay tampal ko sa kamay niyang akmang hahawakan ang kamay ko.

"Nag-aalala na yung tao eh!" Himutok pa niya.

"Hoy Phoenix, ayusin mo nga 'tong skateboard na 'to. At pakipatas na din yung mga iba naming nabili." Utos ni Pyper, na kung mag-mando ay parang Senyora.

"Wow! Sige sis gagawin ko 'yan, eto na oh!" Sarkastikong sabi ni Phoenix bago umirap at lumayo dala ang skateboard na nabili namin. Agad namang humarap sa'kin si Pyper ng masama ang tingin.

"Kainis ha! Ba't mo kasi siya sinuntok?!" Sabi niya na akala mo ay tunay na nag-aalala, pero hindi!

"...ikaw na nga 'tong pinaglaban eh!" Sagot ko sa kanya. Humalukipkip ito bago nagsalita.

"Sayang kasi yung gwapo niyang mukha!" See? Hindi siya concern sa'kin kundi dun sa pathetic jerk na 'yun!

"Sige! Sumbong kita 'dun sa manliligaw mo eh!" Agad naman siyang humarap sa'kin.

"Ate...Joke, syempre na-appreciate ko 'yung suntok mo sa'kanya." Hinalikan niya ako sa pisngi bago nagtatakbo pataas.

Napailing na lang ako. Kahit papaano pala ay may nagkagusto pa din, maliban sa mukha nitong kapatid ko? Knowing her, she's very naughty and noisy.

"Chantal, asan na 'yung baog na 'yun?" Pairap na tanong ni Phoenix.

"Hoy gasul! 'Di ako baog no!" Sigaw na sabi nito. Binalewala ko nalang siya at sumagot.

"Nasa manliligaw niya." Sarkasrikong sabi ko. Tumayo na ako bago ko pa marinig ang nakakabinging mura ni Phoenix. Well, I'm just teasing him.

Tumaas na ako at nagpalit ng damit. Iidlip na sana ako ng madinig ko ang mahihinang katok sa pinto.

"Yes?" Tanong ko habang hindi pa din bumabangon sa kama.

"Mam Chantal, nandyan na po ang Mommy at Daddy niyo." Agad akong napabalikwas.

Really?! They're back?!

My Dad was my biological Dad while Mommy is my Stepmother, tinanggap niya ako kahit hindi niya ako tunay na anak. Ang dahilan niya ay wala naman daw akong kasalanan kaya agad niya akong tinaggap. While, my real Mom, was in peace right now.

Bumaba ako at agad na pinatungan ng sweater ang aking manipis na damit. Nakita ko ang sabay na pagdating namin ni Ate.

"Mom! Dad!" Sigaw ko. Nakita ko pa si Phoenix na nilalasap na agad ang pasalubong nina Dad. Namataan ko din si Pyper na nilalantakan ang mga pagkain at chocolate na dala din nila.

"Oh! I miss you Chan!" Beso sa'kin ni Mom. Niyakap din ako ni Dad.

"Oh, here's yours." Binigay sa'kin ni Dad ang isang envelope na may balot pa. Natahimik ang lahat at lahat sila'y nasa'kin ang atensyon. Nakangiti sa'kin si Ate at ang kambal naman ay nangunguna ang curiosity sa mga mukha.

"Open it!" Medyo excited na sabi ni Mom. Napatawa nalang ako bago binuksan.

Nanlaki ang mga mata namin ng kambal ng makita kung ano ito. Isa itong letter kung saan nakasulat lahat ng gusto ko?

"Mom...why? Dad?" Naguguluhang tanong ko.

"Omg Chan!" Tili ni Pyper bago ako dinambahan habang si Phoenix naman ay nakangiti sa'kin at nakaipag-apir pa.

Nakasulat kasi doon na may condo ako na dapat kina Mom, napanalunan kasi nila iyon. Nasabi ko kasi kay Ate na gusto ko sanang magkasariling condo pero saka na pag may sariling ipon na ako. Pero, look at this?! Hawak ko na ang ebidensya na mayroon na akong sariling condo!

"Wait, Mom, are you really sure?" Pahabol na tanong ko. Nagkatinginan pa sila ni Dad bago sila sumagot.

"Yes Chan. Advance Happy birthday!" Namilog ang mga mata ko ng masiguradong akin na nga talaga iyon. Next next week pa naman ang birthday ko eh.

"We're very excited eh. Kaya inuna namin!" Maligayang sabi ni Dad. Niyakap ko sila at niyakap ko din sila pabalik.

"Kami din!" Madramang sabi ni Phoenix, naramdaman ko ang mga yumakap pa sa'min. Wow, I never imagined myself having this kind of family, I'm very lucky. Sana lang nakikita ako ng tunay kong nanay kung gaano ako kasaya.

Matapos ng yakapan. Nagsiakyatan na ang lahat at nagpunta sa kani-kanilang mga kwarto. I slowly held again the envelope. Oh my gosh! I really can't imagine! I'm very lucky, I really am.

Kinabukasan ay naamoy ko kaagad ang mabangong niluluto ni Mom sa kusina. Namiss ko 'to ah.

"Morning!" Bati ko sa kanila. Nag-good morning din sila sa'kin bago umupo kaming lahat sa upuan sa harap ng lamesa.

"Where's Pacia?" Tanong ni Dad.

"Eto na!" Sigaw ni Ate bago humila ng upuan bago umupo.

"Lead the prayer Phoenix." Sabi ni Dad. Sumimangot agad ito.

"Phoenix Leon Clementine." May pagbabantang sabi ni Dad. Nagbuntong hininga na lang si Phoenix bago nagsimulang magdasal.

"Lord, thank you for the food, for the house and for the family. Please bless our food before we peacefully eat. Amen." At bago lahat kami nag-antanda.

"Para ka pa ring bata magdasal Phoenix! Eww." Pandidiri kunwari ni Pyper. Umirap nalang si Phoenix.

"Tss, kumain na lang kayo." Saway ni Ate. Tahimik lang naman akong kumakain dahil wala naman akong sasabihin, pero binasag ni Dad ang katahimikan.

"Uhm...Chantal baby, I would like to say..." Pabitin na sabi ni Dad. Tumingin pa ito kay Mom at si Mom naman ay ngumiti.

"We're moving to your condo later! Tutulungan ka na din namin maghakot ng pailang-ilan na gamit mo." Sabi ni Mom na ikinangiti ko.

"That's good!" Sabay palakpak pa ni Pyper.

"Sama ako ha." Agad na sabi ni Phoenix. Umirap naman si Pyper bago bumulong, "kaya nga ako sasama para hindi ko makita ang nakakaasar na pagmumukha ng kakambal ko eh."

Agad na gumuhit ang mapang-asar na ngiti sa labi ni Phoenix. "Oh talaga? o baka naman kaya gusto mo sumama sa kanila para iwasan si Ben Tan!" Humagalpak kami ng katatawa habang nakabusangot si Pyper. Ben Tan was one of Phoenix' friends, hindi naman ganoon kagwapuhan at lagi itong nakasalamin na parang nerd ayon kay Phoenix, pero para sa'kin may hitsura naman.

"Stop that kids, kumain muna kayo." Mahinahong sabi ni Mom. Itinuloy namin ang pagkain ng tahimik. Habang ang kambal ay patuloy pa din nag-aasaran ng palihim.





Chasing HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon