"Nangangalay na ako ha." Nakabusangot kong reklamo sa kanya. Paano ba naman kasi, kanina pa siya nakalabas sa kwarto at eto ako na kanina pa nakalahad ang kamay kong may dalang Carbonara.
"Baka kasi lasunin mo ako." Napairap na lang ako. Kanina niya pa 'yan sinasabi, at ako naman ay hindi makaalis-alis dito.
"Fine, aalis na ako." Nakakasama siya ng loob, huh? Yung tao na nga ang nagbibigay tapos iisipan pang lalasunin ko siya. Tss.
"Wait." Nagulat na lang ako ng biglang niyang hawakan ng mahigpit ang kamay ko na may dalang lalagyan. Kinuha niya iyon sa aking kamay at hinila ako sa pag-upo sa lamesa.
Uh-oh. Is it just me or ako lang ba talaga ang nakakaramdam ng awkward na atmosphere dito?
Pinaupo niya ako at siya naman ay nagtungo sa kanyang kusina. Pagbalik niya ay may dala siyang plato at utensils. Umupo siya sa harap ko. Binuksan na niya ang baunan atsaka nilagay sa plato ko ang ilang carbonara. Tss.
Inirapan ko siya habang ginagawa niya 'yon. Iniisip niya ba talagang lalasunin ko siya? Eh halos buong puso pa ang pagkakaluto ko diyan ah? Kasuka.
"Oh. kain tayo." Sabi niya bago sumubo sa tinidor. Nanatili akong nakatulala sa kanya at hindi makapaniwala. Akala ko ipapatikim niya muna sa'kin at pag hindi bumula ang bibig ko ay tsaka niya kakainin? Oh, well.
"Kain na!" Sabi niya habang ngumunguya pa din at punong puno ang bibig. Napatango na lang ako at dahan-dahang kinain ang pagkain sa harap ko. Matagal-tagal din ako bago natapos at habang siya'y kanina pa nakahalukipkip at nakatingin sa'kin. Awkward.
"Done." Simpleng sabi ko. Niligpit niya yung pinagkainan namin. Moody, huh? Tumayo ako at napagpasyahan ng magpaalam at umalis.
Masyado na din yata akong napapatagal dito, baka maabutan ako ni Avoth at baka kung ano-ano na namang pumasok sa utak 'nun.
"Uhm...Aalis na ako." Paalam ko. Hindi naman siya sumagot kaya nagdire-diretso na lang ako palabas.
Bumalik ako sa unit ko at doon naabutan ko doon si Pyper.
"Pyper!" Sabi ko at niyakap siya.
"Nasan naman si Phoenix?" Tanong dahil wala yata ang isang 'yon ngayon dito.
"Duh. Nasa mga barney and friends niya na naman." Irap na sabi niya. Okay.
"Ano namang naisipan mo at napunta ka dito?" Nakataas noo kong tanong.
"Wala akong magawa. Gusto ko may gawin..." Nakapwesto pa ito at tila nag-iisip. Sus, baka naman may problema lang 'to dun sa Ben Tan na 'yun?
"Ah! Tara mag-skate!" Agad naman akong nagulat sa pagsigaw niya.
"Oh my gosh! Hinaan mo naman ng konti ang boses mo!" Tumango naman siya.
"Wait lang, magpapalit lang ako ng damit. Paheram ha?" Tumango naman ako at nagpunta sa kwarto at nagbihis. Nagsuot na lang akong leggings at simpleng Cream White na tee shirt.
I don't have any schedules for today yet. Buti na lang dumating si Pyper at sakto naman na gusto ko din mag-skate.
Napalingon ako sa kusina kung saan nandoon ang natirang carbonara. Ang sarap kumain kaso, sayang ang pag g-gym ko kung kakain lang ako ng kakain 'di ba?
"Done!" Nakita ko naman si Pyper na naka shorts at loose tee shirt. Hinablot niya ang skate board niya habang hinahawi ang kulay rosas niyang buhok.
"Okay, let's go." Kinuha ko na rin ang aking skateboard at sa rooftop ko na lang napagpasyahan na mag-skate.
Sabay kaming napalingon ni Pyper sa pinto dahil sa pag-doorbell nito.
"Buksan mo nga." Utos ko.
Agad naman siyang pumunta doon at dahil hindi ko masyado makita ang tao kung sino man ay hinayaan ko na lang si Pyper ang makipag-usap doon.
Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko.
"Here." Sabi niya at may inabot siyang envelope na parang may sulat ang laman. Napakunot naman ang noo ko dahil ngayon lang ako nakatanggap ng ganito. Sino namang tao ang magpapadala para sa'kin nito?
"Sino nagbigay?" Nakatingin pa din ako sa envelope habang kinakausap siya.
"Staff lang dito eh, hindi naman sinabi kung kanino galing." Okay. Binuksan ko iyon at nakita ko ang isang papel na nakasulat lang sa isang typewriting.
Binasa ko ang sulat na maikli lamang.
You know, I thought you were as hard as stone to be chased before, until we saw each other again, I never thought that I'll fall for you, Easily.
What? Easily?
"Oh my gosh! Who's your admirer Sis?" Nagningning pa ang mata niya habang ako naman ay takang-taka pa din.
"Uh, nevermind." Inilagay ko uli sa envelope ang sulat at tinabi.
"Wag mo na pansinin 'yon. Tara na." Nagkibit balikat siya at sumunod sa'kin. Pagkabukas ko ay siya namang bukas ng harap ng pinto sa tapat ko. I felt my heart beating faster and faster. Si Cabe lang naman ang nakita ko pero bakit ganito agad kung mag-react ang puso ko? Neighbour lang siya, kaibigan, kakilala mo lang siya. Enough with your shtness Chantal.
Nag-iwas ako ng tingin dahil halos limang segundo din ang nangyaring titigan sa'min. Awkward again.
Hindi ko na siya pinansin at dire-diretso na. Hindi ko man lang napansin si Pyper na nakalayo na pala.
"Ikaw ha! 'yung lalaking nasuntok mo noon ngayon katitigan mo na!" Matinis na tili ang pinakawalan niya at para siyang uod na binuhusan ng asin.
Pabirong hahampasin niya pa ako ng skateboard kaya inirapan ko lang siya. Lumugar muna siya! Nahihiya ako.
BINABASA MO ANG
Chasing Hearts
Teen FictionClementine Series: No. 1 (Andre Elizabeth Chantal Clementine) - Written by: Kaye De Villa Genre: Non-fiction & Romance Started: February 28,2016 Ended: