December 14. Matagal nang nakapaglagay ng mga dekorasyon sa buong bahay. Halos buong bahay ay kuminang na dahil sa dami ng christmas lights.
"Uuwi daw sina Liberty, 'di ba?" Humarap ako kay Pyper na ngayo'y kumakain ng ginawa kong salad. Hawak niya ang kanyang phone habang nag s-scroll doon.
"Paano mo nalaman?" Tanong ko. Paano niya nalaman? Close ba sila? Hindi sa akin iyon nabanggit ni Libey noong huling pag-uusap namin.
"Sabi 'nung kaibigan niya na kaibigan ko."
"When?"
"Today."
"What?!"
Liberty is coming? Why he did not tell me? Was it a surprise?
Noong araw din na iyon ay dumating si Liberty galing sa Japan. Mas lalo siyang namuti dahil na din siguro sa lamig ng klima doon.
Sinabi niyang surprise daw talaga iyon pero hindi niya inakalang sasabihin ng kaibigan niya kay Pyper na uuwi nga siya.
"Kasalanan 'to ni Brett! Bakit niya pa ba kasi dinaldal sa akin?" Tumawa si Pyper habang ininom ang alak na nasa wine glass.
"Anong ako? It should be Liberty. May pa surprise-surprise pa siyang nalalaman para dito kay Chantal." Tumingin sa akin ang tatlo. Pinamulahan ako sa sinabi niya.
What does it means? We're always like that.
Agad namang dumepensa si Liberty.
"Shut your mouth Brett! It isn't a surprise, I just want to...to..."
"To what, Liberty?!" Agad naman kaming tumawa dahil wala siyang maidugtong rito.
Bakit kaya ayaw niya ipaalam? Is there something bothering him?
Dito sa Sentro nila napagpilian na pumunta sa club. We're always like this. Halos maging tradisyon na namin na magpunta sa bar kung may dumating na kamag-anak o kakilala.
I continuously drunk my beer. Gusto ko kasi kahit papaano na makalimot. Hindi ko na kasi alam ang gagawin pa. Masyadong magulo para sa akin ang lahat. Sobrang sakit lang pag naiisip ko ang mga nangyari noong araw na iyon.
Ang sakit sa dibdib.
It was a week ago when it happened.
Sinundo ako ni Cabe sa McQueens. Half day ako dahil may isang organisasyon na pumunta sa McQueens at kailangang ipasara iyon bago mag-hapon.
"How was your day?" Namamaos niyang tanong.
Ngumiti ako dahil mukhang antok na antok siya. Okay, medyo naguilty ako roon. Baka natutulog siya tapos nagising lamang siya dahil sa pagpapasundo ko sa kanya.
"It's fine. As always." Iniliko niya ang sasakyan kung saan ibig sabihin ay malapit na kami sa aming building.
Napatingin ako sa kanya at nakita ko pa din ang panlalalalim ng kanyang mga mata. Is he sad? May problema ba siya?
Kahit alam kong wala ako sa estado na magtanong ay ginawa ko.
"Is there something bothering you?" Napakunot ako ng noo nang umayos siya at ginawang i-compose ang sarili.
Hinarap niya ako nang may ngiti. "Ah, nothing. I'm just...just tired." Guilty na talaga ako. Pagod siya pero sinundo niya pa din ako. Kung alam ko lang...
Nakarating kami sa building at umakyat sa aking unit. He held my hand as we enter my unit. Pinapasok ko muna siya upang yayain mag-lunch at sumama naman siya.
I cooked adobo. I know it's his favourite.
Kumain kami at nag-kwentuhan. Sa bawat salita at ngiti niya sa akin ay pakiramdam ko ay pabigat ng pabigat ang dindala niya.
BINABASA MO ANG
Chasing Hearts
Novela JuvenilClementine Series: No. 1 (Andre Elizabeth Chantal Clementine) - Written by: Kaye De Villa Genre: Non-fiction & Romance Started: February 28,2016 Ended:
