Twenty-second Chase

14 2 0
                                    


Ang bakasyon ay naging maayos. Paminsan-minsan ay nagpupunta ako sa unit nita at ganoon din ako. Dahil nga tapos na ang summer vacation ay nabalitaan ko na balik eskwela na ang kambal. Si Pyper ay pinakukuha sa katulad ng linya ni Ate pero gusto niya ang Accountancy, samantalang si Phoenix naman ay kumuha sa linya ng medisina. Ate Pacia was very busy. Minsan na lang halos kami magkasama-sama dahil sa kanyang trabaho. Bumalik na din sina Mom and Dad.

At ako? Ako naman ay nagiging busy na din, gusto ko muna mag-trabaho sa mga hotel at gumawa ng sariling cakes tutal noon ay may experience na ako, bago ako magpapatayo sa sariling pera ng isang cakeshop. Iyan ang plano ko. Pinili ko na din na pagtrabahuhan sa hotel upang matulungan na din si Pyper at Phoenix sa iba pa nilang kailangan, para hindi sila lagi hingi ng hingi kina Mom at Ate.

"Are our schedule same?" Tanong ni Pype sa kay Phoenix.

"Hindi gaano. Pero may time na magka-pareho." Nagtanguan naman sila habang ako ay busy sa mga requirements na hinihingi.

Inilagay ko iyon sa isang folder. Napagkasunduan namin ni Cabe na ihahatid niya ako sa ngayon. Busy din naman siya dahil sa trabahong ini-atas sa kanya.

Nag-paalam ako sa dalawa na pupuntahan ko muna si Cabe.

Kumatok ako ngunit walang nagbubukas. Pinili ko na lamang na buksan iyon dahil hindi naman lock.

Tahimik at parang walang tao sa unit niya ngunit natagpuan ko siya sa kanyang kwarto.

"Cabe-" Naputol ako sa sasabihin ng may babaeng lumabas sa bathroom niya na naka puting bathrobe.

Agad na nanlamig ang kamay ko sa aking nakita.

But, there's something familiar about her. Parang nakita ko siya noon.

"Chanel..." Nagulat ako sa yakap ni Cabe. Niyakap ko din siya at halos matunaw na ako sa masamang ekspresyon ng titig sa akin ng babae.

Kumawala ako sa yakap niya at hindi inalis sa babae ang tingin. Ang sama ng tingin niya sa akin. Para bang may ginawa akong hindi niya gusto at may pag-aari siya na kinuha ko.

Kinakabahan ako sa titig niya.

"Ah. By the way, Chanel, My sister, Elise. Elise, Chantal."

Agad na nagbago ang ekspresyon niya, mula sa inis ay naging masaya at nagagalak.

"Yeah...Elise." Inilahad niya ang kanyang kamay kaya tinanggap ko iyon at nakipag-kamay.

"Chantal..." Sabi ko.

Parang may masamang bumabagabag sa akin. Alam kong kapatid siya ni Cabe...pero alam kong ampon siya at maaring...

Umiling ako upang alisin ang mga iniisip ko. Mali ito. Alam kong magkapatid ang turingan nila.

"Let's go?" Yaya ni Cabe. Hinawakan niya ang aking baywang upang yayain palabas at sa huling pasada ko ng tingin kay Elise ay masama na uli ang tingin niya.

Iyan ang pangalan ng hotel kung saan ako nag-aaply. Hinatid lamang ako ni Cabe at mag text na lamang daw ako kapag magpapasundo na.

Ang McQueen ay sikat pagdating sa industriya, may-ari sila ng maraming branch ng hotel sa iba't ibang panig ng bansa. Mayroon din itong clothing line at higit sa lahat ay may modelling agency din sila.

Pagkarating ko roon ay agad ko nang ipinasa ang mga kailangan, tatawagan na lang daw ako o kaya'y i-email kung kailan ang interview bago ang hiring.

"Yeah...Oo, tapos na...I'll wait you here sa kanina mong pinagbabaan sa akin...Okay, bye, drive safely." Kabababa ko lang ng tawag ni Cabe sa akin.

Chasing HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon