"Chantal..." 'Yan lang ang sinabi ni Phoenix bago ko tapusin lahat at ikwento lahat kanina.
Bakit wala siyang sinabi? Natatakot ako na sabihan niya na ako tunay na desperada nga ako, kahit na alam kong hindi, dahil kapatid niya ako.
"Chan... You know, I figured out something." Makahulugang tumingin sa'kin ang aking kapatid.
Figured what?
"What?" Tanong at biglang nag-iwas ng tingin. Nadako ang tingin ko sa orasan at halos mag- five o'clock na ng umaga.
"What if, may gusto yung lalaki sa'yo? Paano kung may gusto pala sa'yo si Cabe?" Tanong niya habang nakatingin sa'kin.
That's, What if only. Just what if. And It can't be happened because he has girlfriend...And also, knowing Avoth, she'll freak out pag nalaman niyang may gustong iba ang boyfriend niya.
Kahit naman ganoon si Avoth sa'kin, I don't want to be the cause of...their break-up. I'll respect her even though she did not even gave me the respect that I want from her.
"That's...far from possible Phoenix. He has girlfriend." Pagkatapos ay tumayo na ako.
Humikab ako saglit bago siya nilingon.
"Let's not talk about it now Phoenix, gusto ko na munang magpahinga. You should rest too, masyado nang maaga." Tumango siya at tumayo na din sa sofang kinauupuan.
"Yeah."
Pagkapasok ko sa aking silid ay agaran nagsi-agusan ang mga luha sa'kin. Hindi ko na alam kung saan ito nagmumula at kung ano ang dahilan. Ang gusto ko lang, pansamantalang makalimot.
Inihiga ko na ang aking katawan sa malambot na kama at dinama ito.
Just this morning, kahit na alangan, gusto kahit papaano ay maka-idlip. Babalik na ako sa gym upang may mapaglibangan. Pinipigilan ko din ang sarili na dumalaw sa kanya.
"Hi Drake!" Bati ko sa bagong lalaking instructor ko ngayon. Malaki din ang kanyang pangangatawan at hindi ko maipagkakaila na may hitsura din siya.
"Oh! Hi Ms. Chantal! Welcome back! Ang tagal din noong halos huli mo dito ah?" She handed me a dumbbell na may bigat na walong kilo.
At, Oo, Balik gym na uli ako. Kailangan ko nang mapagkaka-abalahan mula ngayon, pina-plano ko na din ang aking pagtatayo ng shop, pero hindi muna ako gagalaw sa ngayon, dahil wala pa akong sapat na ipon.
Pagkatapos ng ilang exercises na ginawa ko gamit ang dumbbell ay ni-hatid niya naman ako sa treadmill. Ni-set niya ito muna sa mabagal bago ang mabilis na pagtakbo ko roon. Nakakahingal pero masarap naman din sa pakiramdam.
Umabot ako ng 3 oras doon dahil din sa minsanang pagtigil ko.
Bumalik ako sa aking unit at wala na akong naabutan doon, pero naagaw ng pansin ko ang isang naka-envelope na sulat? Again?
Binuksan ko iyo at binasa ang nakasulat.
"I'll thank you for everything...
Soon."
Wala muling nakasulat na pangalan kung kanino galing ang sulat na iyon. Itinabi ko iyon sa isang sulat na kasama nito, 'yung unang bigay ba.
Lumipas ang halos tatlong araw at hindi ko pa nakikita muli si Cabe. Nagpapasalamat din ako dahil hindi na din ako masyadong ginugulo ni Avoth.
Ang mga tao sa Condo na ito ay tinatanong na din ako kung bakit wala si Cabe. I just answered them ' I don't know' or just a smile. Ayokong magsalita.
Nabalitaan ko din sina Mommy at Daddy na may trip patungo sa Europa mga isang buwan sila doon dahil sa trabaho. Si Pyper at Phoenix naman ay kadalasan na din na nadito sa aking Unit.
"Where's Ate Pacia?" Tanong ko kay Phoenix na masama na naman ang tingin kay Pyper.
"Tanong mo sa baog." Napapigil tuloy ako ng tawa dahil sa kanyang tawag kay Pype. Grabe.
Nahagip ng mga mata ko ang pag-irap ni Pyper.
"Nako! Si Ate Pacia? May date daw..." Sabi niya habang nagkikibit-balikat.
Matagal na din nung huli kaming nag-kausap. Lagi din kasi siyang abala sa kanyang trabaho.
I wonder kung paano niya naisingit ang date sa busy sched niya sa ngayon.
" 'Yon naman! Tumatawag na si Benjamin Alejandro Tan! " Humalakhak naman si Phoenix habang nakatingin sa kay Pype. Hindi ko din maiwasan ang pagtawa dahil halos magusot na rin ang mukha ni Pyper.
Sinagot ni Phoenix ang tawag ng kaibigan. Maya-maya pagkatapos ng ilang minutong pag-uusap ay biglang tumabi si Phoenix ng nakangiti sa kakambal.
"He's asking for you..." Makahulugang sabi ni Phoenix.
"What?! Gosh, Phoenix! Stop it! Eh ano naman?!" Naiinis na tumayo si Pyper sa couch at dumiretso sa kusina.
I wonder what's happening between Pype and that Ben Tan? That's a different story to tell, though.
Nagpaalam ako sa kambal na aalis lang ako saglit. Agad naman silang sumang-ayon.
Pupunta sana ako sa lugar kung saan minsan na naging espesyal sa'kin.
Habang minamaneho ang aking sasakyan ay nasusulyapan ko na ang papalubog na araw. May kaunting ahunin roon.Itinigil ko ang sasakyan.
May namataan akong isang Honda Civic 'di kalayuan sa aking pinag-paradahan.
Hindi ko na iyon pinansin at dumiretso sa kaunting lakarin roon.Dala ko ang ilang gamit ko at syempre hindi mawawala ang DSLR ko pati ang Cellphone.
Nang makarating ako ay agad akong nagtungo sa isang kulay dark brown na bench. May mga bench roon sa ibang bahagi ngunit ito ang pinaka-gusto kong pwesto sa lahat.
Ibinaba ko ang aking gamit sa tabi ko at pinagmasdan ang paligid at papalubog na araw.
Perfect.
Agad kong kinuha ang aking DSLR at kinuhanan ang magandang anggulo ng sunset. Isinunod ko na kuhanin ang aking Phone upang kumuha din ng magandang replika.
This place is kind of perfection. This place reminds me the sad and happy memories with my Mom...my real Mom.
My Mom was a happy-go-lucky person.
At sa kinauupuan kong ito una niya akong dinala nang malaman namin na may sakit siya. Dito, dahil gusto niyang makita ko ang ganda sa kabila ng lungkot. Dito din kami pumunta noong mga panahong nagkagulo ang pamilya dahil nalaman ko na may mga kapatid pa pala ako.
Madami pa ang masasaya at malulungkot na memorya ang tumatak sa'kin sa lugar na ito.
Pero may isang pinaka-masakit.
Dito ko nakita... No, I'll rephrase that. Dito namin huling nakita ni Mommy ang isa sa napakagandang sunset... Ngunit sa araw din na iyon, hindi ko inaasahan na siya din palang mawawala.
Naalala ko pa noon, nakahilig siya sa aking balikat. Mabigat iyon ngunit may nagpabigat pa ang tela na nasa kanyang ulo na siyang tumataklob sa nanlagas niyang buhok, ngunit kinaya ko iyon. Maya-maya ay namalayan ko na ang papabigat lalo ng kanyang ulo. Hinawakan ko ang kanyang kamay at naramdaman ko ang lamig ng kanyang palad.
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata habang inaalala ang parteng iyon sa'kin. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala muli ang aking luha. Tila ba bumalik ang lahat ng sakit na ibinaon ko na.
Sinandal ko ang aking likod at saglit na tumingala.
The sky was covered with color dark orange.
Maya-maya ay mawawala na iyon at ang paligid ay magiging kulay itim na ngunit may mga bituin sa langit.Tatayo na sana ako ngunit nakita ko siya sa harap ko.
Pinunansan niya ang bakas pa ng aking luha.''I'm here..."

BINABASA MO ANG
Chasing Hearts
Teen FictionClementine Series: No. 1 (Andre Elizabeth Chantal Clementine) - Written by: Kaye De Villa Genre: Non-fiction & Romance Started: February 28,2016 Ended: