Twentieth Chase

17 3 0
                                        


"That's Mom." Sabi niya sabay turo sa picture nang babaeng nasa mid-20s ang litrato. Sepia na ang kulay ng litrato at halatang matagal na. Kung titignan, maganda at may ibubuga talaga ang kagandahan ng kanyang ina. I wonder kung ano kaya ang hitsura niya ngayon.

"Ang ganda naman niya." Hinawakan ko iyon at ini-angat. Hawig siya ni Cabe. Girl version kung baga.

Ibinaba ko iyon atsaka siya nilingon. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Hindi ko mabasa ang mga iniisip niya ngayon. Masyado siyang mahirap i-predict. Nilagay niya sa likod ng aking tainga ang mga takas na buhok ko. Bahagya akong yumuko para pagtakpan ang siguradong pag-pula ng aking pisngi.

Nadinig ko ang halakhak niya kaya naghanap ako ng mapagkaka-abalahan. Nadako ang tingin ko sa kapatid niya.

"Anong pangalan ng kapatid mo?" Tanong ko sa kanya. Tinitigan ko ang babaeng nasa picture. Ano kayang pangalan niya?

"Ah. She's Elise Buenafera."

Wait, what? Buenafera? Hindi ba ay Alford sila? How come?

"B-buenafera?" Nadinig ko ang buntong hininga niya. Para bang napaka-bigat ng dahilan.

Bakit siya Buenafera? May anak kaya sa iba ang tatay niya, kagaya ko? Pinilig ko ang aking ulo upang pawiin ang mga iniisip.

Lumapit siya sa akin at bago ako niyakap. Hinalikan niya pa ako sa buhok na dahilan kaya ako kinabahan. Chill, Chantal. Nakakulong ang aking mga braso sa kanyang mga braso at ngayo'y sa dibdib.

"She's not my sister in blood. Never will be." sabi niya.

"May galit ka ba sa kanya?" Baka kaya niya ito itinatanggi dahil sa galit niya. Baka galit siya sa-

"No, it's not that. Ampon si Elise." Napanganga ako at umalis sa yakap niya. Namilog ang mga mata ko sa kanyang sinabi. Is he kidding?

"Are you sure? Ampon siya? How come? I mean, bakit?" Natawa siya dahil yata sa pag-aalala sa mukha ko.

"She's younger than me in almost 1 year lang naman. Gusto kasi nina Mom ng babaeng anak pero malabo na dahil sa may diperensya sa matress. Kaya, nag-ampon sila. Wala pa akong isip noong mga panahong iyon. Sadyang minsan, napagku-kwentuhan lang nila ang tungkol doon." Napatango ako sa eksplinasyon niya. So that's it.

"Why is she not following your family's surname?"

"Hmm...you know, Elise was a kind of a little brat. Ayaw niyang maiba ang apilyedo niyang tumatak sa kanya."

"Pwede ba 'yon?" Maaari pa ba iyon? Hindi ba dapat ay sinusunod na ang apilyedo ng taong umampon?

"Through money." Kibit-balikat niyang sabi. Tumango muli ako sa sinabi niya.

I glanced at their wallclock and it was almost 3:30. Masyado yatang napatagal ako rito. Kailangan kong mag-ayos para bukas.

"Cabe-" Fudge. Muntikan na akong mapahalik sa kanya! Pagkaharap ko ay nasa likod ko pala siya kaya paghakbang ko ay natumba kami sa sahig.
Bloody hell.

Napalingon kami sa pintuan at bumungad sa amin ang babaeng nasa mid-40s na ang edad.

"Goodness gracious!" Napahawak sa bibig ang magandang babae dahil sa nakitang position namin. I'm on top of him, for pete's sake! What a position! Nakakahiya.

Agad akong umalis sa ibabaw niya at nahihiyang tumingin sa babae.

"Sorry Ma'am. May I know who are you?" Magalang kong tanong sa babae. Nakataas ang kilay niya sa aming dalawa. Si Cabe ay parang shocked pa din.

"I am the one who's asking you that, why are you here? Here in my son's unit?" Namilog ang mata ko. Gosh. Nakataas pa man din ang kilay niya na lalong nagbigay ng kaba sa'kin. 

Chasing HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon