I have nothing. That's the least words I can ever imagine. Wala na. Wala na ako sa sarili ko. Talo na ako. Wala na siya. Iniwan niya na ako.
Hindi niya ako nilingon 'nong oras na iyon. Mukha akong kawawang pulubi na umiiyak habang dumiretso sa ospital.
Hindi ako pwedeng magmukmuk na lang basta sa bahay. Kailangan ako ni Ate. Kailangan pag nagising siya ay nandoon ako.
Naabutan ko si Phoenix na naroon. Walang tao kung hindi siya. Kanina pa ako pinagtitinginan ng mga tao pero wala akong balak na pakealamanan sila.
Agad na tumayo si Phoenix ng nakita ako. Bumukas sa mukha niya ang pag-aalala. I want to cry! Gusto ko pang iiyak ang sakit na natira sa puso ko. Masyadong masakit ang ginawa niya sa akin. Iniwan niya ako ng wala siyang sinasabi, iniwan niya ako na malabo kami, malabo ang estado namin.
"Chan, what happened?" Niyakap niya ako. Dapat ay hindi ako ganito! Mali ito! Maling-mali. Sasabay pa ba ako sa mga problema nila? Namin? Masyadong mababaw ang pino-problema ko kumpara kay Mom at Dad. Mababaw ito kumpara sa Ate ko, sa kalagayan niya ngayon.
Iniharap niya ako sa kanya at agad na muling na-unahan sa bagsaka ang aking luha. Pinunasan ko iyon at pinigilan ang paghikbi. Nabakas lalo sa mukha niya ang lungkot at pagkairita.
Umiling ako pero hindi niya ako hinayaan na tumahimik.
"Mababaw lang 'to." Inilapag ko sa upuan ang dalang gamit atsaka pabagsak na umupo. Sinundan niya ako.
"Chantal, can you please tell me what happened to you? You looked stressed."." Sabi niya habang sinisipat ang aking noo at leeg.
Umiling ako sa kanya at agarang pinunasan ang landas ng luha sa aking pisngi. No, I wont tell anyone about what happened. Ayaw kong magmukhang tanga at kaawa-awa sa harap nila.
Hinawakan niya ang pisngi ko at hinarap sa kanya. "Chantal. What the hell happened? Alam kong mayroon kaya huwag ka nang magkaila. Just tell me..." Mahinahon niyang sabi.
How could I tell him when I don't have any confidence to speak? I can't speak! Pakiramdam ko pag umimik ako ay lalabas muli ang mg salitang binitawan k okay Cabe.
Suminghap ako at binigyan siya ng pagod na ngiti. Hindi niya kailangan akong problemahin. May mas malaking problema.
"Listen Phoenix, you don't have to worry. I'm fine... si Ate ang pagtuonan natin ng pansin, huwag ako. I'm fine. Really." ...because my problem is nothing compared Ate's.
Isang pagod na ngiti ang binigay ko sa kanya. Bumuntong-hininga siya at tumango na parang sumusuko na. I need to assure him that I'm fine. Dapat ako, o kaming dalawa ni Cabe lamang ang makaka-alam ng kabalastugan ko.
I swear, I won't do that again.
Umalis siya sa harapan ko at nagpaalam na bababa sa canteen. Um-oo ako upang ako muna ang tumingin kay Ate.
Lumipas ang mga araw, lingo at ganoon pa din ang sitwasyon ni Ate. The Doctor was everyday checking on her if ever na may pagbababago. Kadalasan, kaming tatlong magkakapatid lamang ang nagbabantay dahil hindi magkasundo si Mom at Dad. Mom was always shouting at him and blaming him for Ate's condition.
Nagbalik na rin ang pasukan nila kaya madalas ay hindi kami gaano nagkikita-kita. Nagpapalit si Phoenix at siya'y papasok na lamang sa pang-gabi dahil ayaw niyang si Pyper, baka raw mapahamak. Si Pyper ay ganoon pa din ang schedule pero hindi umaabot sa gabi. Ako naman ay malapit na yatang matanggal sa McQueens dahil sa kadalasan kong pag-absent. Humihingi na lamang ako ng despensa sa Boss ko kapag naiirita na siya ng husto sa akin. I need to earn well para may pangtustos sa dalawa sa pag-aaral. Masyadong mahal ang bayarin sa ospital pati mga gamut kaya hindi maaring kina Mom at Dad lamang sila dumedepende.
BINABASA MO ANG
Chasing Hearts
Novela JuvenilClementine Series: No. 1 (Andre Elizabeth Chantal Clementine) - Written by: Kaye De Villa Genre: Non-fiction & Romance Started: February 28,2016 Ended:
