Fourteenth Chase

24 3 2
                                        

Matagal akong napatitig sa kanya at sa kanyang kamay na may nakalahad na panyo. Bakit siya naririto? Baka may makakita sa'amin at mag-eskandalo muli si Avoth.

"W-what are you doing here?" Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at pinagpagan ang suot. Tiningnan ko muli siya at nakita ko ang kanyang mga matang mahigpit na nakatitig sa akin.

Aalis na sana ako ngunit bigla siyang nagsalita.

"You...why are you here too?" Agad na nag-init ang dugo ko sa tanong niya.

"Ikaw lang ba ang may karapatan na magpunta sa lugar na 'to?" Malamig kong sabi sa kanya. Agad na napalitan ng malambot na ekspresyon ang kanyang mukha ng mamataan ang aking tinig.

Pinagmasadan ko siya ng palihim at nakita ko ang kaunting pangangayayat niya.

How's he?

Agad akong nagbawi ng tingin upang matigil ang mga pumapasok sa aking isip.

Great. Baka makita ako ni Avoth dito, I need to go.

Tumalikod na ako at naglakad. Naramdaman ko naman na hinayaan niya ako dahil hindi na niya ako sinundan.

Halos ma-blanko din ang aking utak sa mga iniisip. Gabi na at madilim, ngunit nakaramdam ako ng lamig ng hangin patungo sa aking harap. Namataan ko si Cabe na hinihingal sa aking harap.

"Hi." Sabi niya. Hindi ko siya pinansin at hinayaan siya sa kanyang gagawin.

Hinila niya ang aking kamay kaya agad akong napaharap sa kanya na nanlalaki ang mga mata.

"What the?!" Bulyaw ko.

Nakaharap ako sa kanya habang tinitignan ko ang kanyang mga parte. His eyes were coffee brown, at ang kanyang pilikmata ay mapilantik. Kainggit.

"Why so cold?" Napakunot naman ang aking noo sa kanyang tanong.

Cold? The weather? or... me?

Matamaan niya akong tinitigan sa aking mata.

"Why are you so cold to me?" Tanong niya habang mahigpit pa din ang pagkakahawak ng kanyang mga kamay sa aking kamay.

Sinubukan kong ayusin ang aking pananalita at siguraduhing walang mababakas na kaba doon.

"Me?" Humalakhak pa ako. "No... I'm not cold. It's just..." It's just, my heart. My heart, lagi siyang tumatalon sa tuwa tuwing nakikita.

"Nothing." Inalis ko bigla ang aking kamay sa kanya.

Tumakbo siya at nagpakuha naman ako. Sabay kaming tumakbo patungo sa kanyang sasakyan. Ang tagal ko pa bago muli matauhan.

"Hey! Saan tayo pupunta?!" Sigaw kong tanong sa kanya habang nilo-lock ang mga pintuan ng sasakyan.

"Sht!" Sabi ko at pinalo ng marahan ang aking mga hita.

Naramdaman ko muli ang kanyang presensya. His left arm was circled around my waist.

What the fck? Nanghina agad ako sa ginawa niyang iyon. Saktong tingin ko sa kanya ay bigla naman may lumagitik. Nakita ko na nakakabit na pala ang seatbelt sa akin.

Agad na napalitan ng gusot ang aking mukha. Why am I feeling this? Kind of... disappointed?

"Soon babe..." Sabi niya bago pinaandar ang sasakyan. Namataan ko naman ang aking sasakyan. So it's his Car! Ito 'yung sasakyan na nakita ko 'di ba? My gosh?! Bakit 'di ko agad naisip 'yon?!

"Wait! How about my car?" Nag-hysterical na ako dahil sa nakita ko ang sasakyan kong nag-iisa. Baka kung mapaano 'yun!

"Don't worry, we'll come back later." Luminga siya sa kabilang gilid at naaninag ko sa mukha niya ang impit na sakit.

Chasing HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon