Fifteenth Chase

21 3 0
                                    

Pinasadahan ko ng tingin ang aking relo. 

It's almost quarter to ten.  At sa mga oras na ito, iniisip ko pa din ang mga nangyari.

"Why so silent?" Tanong niya bago ako bahagyang nilingon. Agad din niyang ibinalik ang tingin sa daan.

Huminga ako ng malalim bago itinanong ang tanong na kanina pa naglalaro sa utak ko.

"How's going between you and...Avoth." Marahan ko iyong sinabi at sinigurado kong hindi ako magkakamali. Naramdaman ko na bahagya siyang natigilan sa aking tanong. Agad na kumalabog ang aking dibdib.

Nadinig ko ang malalim niyang buntong hininga. Hindi niya ako sinagot, ngunit, nangangati talaga ang dila ko at kaya nakapagtanong na anman ako bago ko pa man mapigilan.

"Bakit mo 'to ginawa? Paano kayo ni Avoth? Paniguradong magagalit siya? Magmumukha tuloy akong des-" Lalong kumalabog ang aking dibdib at halos magsitayuan na ang aking balahibo nang hampasin niya ang manibela.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Bakit nangyayari 'to? Alam kong may nararamdaman na ako sa kanya at maaring ganoon din siya sa'kin, ngunit alam ko din at mas lalo siya, na mali. Maling-mali.

"Stop. We're over." Mahinahon niya iyong sinabi kaya't naging dahilan iyon ng aking pagkakatigil. Nakaramdam ako ng lamig sa aking sikmura. 

Why the hell?

Hindi na sila? Bakit? Kailan pa? Dahil kanino? Anong problema?

"Please don't ask why." Mataman niya iyong sinabi bago nanatili ang mga mata sa daanan.

Umiling na lamang ako. May parte sa'kin na ako'y natutuwa, ngunit hindi pa din sa'kin mawala ang nararamdaman kong pagiging guilty. Bakit sila nagkahiwalay ni Avoth kung ganoon?

Wala akong maramdamang sakit dahil alam ko, kung sa iba, iisipin nila na gagawin lang silang panakip butas, ngunit sa'kin, noon pa man, nararamdaman ko na. Ayaw ko lang pagtuonan ng pansin.

Now, they already broke up.

Nakarating kami sa building ng matiwasay. Naalala ko tuloy ang nangyari.

Naramdaman ko ang pagiging awkward ng hangin sa ngayon. Naglalakd na ako pauna sa kanya. Ngunit hinabol niya ako.

"Wait..." Humarang siya sa daan ko at nakipaglaban ng titigan sa'kin.

"Thanks." Sabi niya habang nakahawak ang kanyang kamay sa aking braso. Napapitlag ako dahil sa kanyang ginawa. 

Wait. Thanks? Thanks for what?

"...for what? Tanong ko sabay iwas ng tingin. Hindi ko magawang titigan siya pabalik.And I don't really know why.

"Noong..." Pabitin niyang sabi. Naiisip ko na ang pagpapasalamatan niya. 

"Nevermind." Tumalikod na siya at agad na naglakad paroon sa entrance. Naiwan ako doon ng nakatulala. 

Pumasok na din ako at umiba ng elevator. Baka kasi makasabay ko siya. I can't resist him.

Sa harap ng aking pinto ay agad kong ipinadausdos ang card ko. Agad naman itong nagbukas at sumalubong sa'kin ang mga naglalakihang bear. Gabi na ah? Para kanino ang mga 'to?

Anong mayroon? Bakit may ganito?

Naabutan ko si Pyper na may kausap sa telepono at nadinig ko pa ang pangalan ni Ben Tan. Galing ba ang mga ito sa kanyang masugid na manliligaw? Napangisi naman ako sa aking naisip.

"Chan!" Binaba ni Pype ang kanyang telepono at bumaling sa may sala. Nanlaki agad ang aking mga mata nang makita ang kung sino man ang naroon.

"Libey?" Nakangiting tanong ko. Humarap siya sa'kin at nakita ko siyang tumayo mula sa prenteng pagkaka-upo.

Chasing HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon