"Was it okay?" Umikot sa harap ko si Pyper habang marahang hinahawakan ang kanyang dark purple tube dress.
"Okay naman." Simpleng sagot ko ko para tumahan na siya. Kanina pa kasi siya tanong ng tanong kung ayos lang ba daw ang dress na napili niya para ngayon.
Today is Zachary's birthday. Maraming inimbita balita ko. Halos mga kaibigan at mga kaklase daw niya. Taon-nan halos niya iyon na ginagawa.
Rich Kid.
Napatitig naman ako sa suot ko. This nude dress almost revealed my back! Gabi pa naman iyon.
Dumaan ang oras at naghanda na kami. Masyado talagang pormal ang party na ito dahil sa ayos pa lang ay kita mo na ang karangyaan.
Hindi ko nakita si Cabe sa araw na ito. Hindi din naman ako lumabas ng unit. Ang labas ko lang ay ngayon. Naroon si Pyper na nakayakap kay Zach, si Phoenix naman ay abala sa pakikipag-kwentuhan sa ilang kakilala. Hindi naman nakarating si Ate dahil sa problema sa shop.
The party went over. Nag-sasayawan na ang mga tao sa harap ko. Lasing na ang iba dahil na din sa daming nainom. Maging ako ay halos mag-alon na ang paningin dahil sa epekto ng alak.
Naka-upo pa din ako at inu-unti-unti ang laman na alak sa baso ko. Nakaramdam ako ng malamig na kamay na humawak sa aking balikat pababa sa aking mga braso, halos tayuan na ako ng balahibo doon. Hindi ko nilingon kung sino man iyon hanggang sa tumagal ang pag-hawak niya sa akin. Nilingon ko siya.
My sight was literally a huge ass curve now!
"Can we dance?" Tanong ng lalaking maputi at matangakad. May hitsura ito ngunit sa ngisi pa lamang ay alam mo nang may pag sa animanyak ito.
Nginitian ko siya at hindi pinansin.
"Playing hard-to-get, huh?" Nang-aasar na ngisi ang tumatak sa kanyang mukha. Psh. Oo, may tama nga siguro ako ng alak ko pero nasa tamang pag-iisip pa din naman ako.
Hindi ko siya pinansin kaya naman humarap siya sa akin. Hindi ko na pinansin ang gulat ko. Tiningnan ko lamang siya at nagulat ako ng hilahin niya ang batok ko at halikan ako. Nagpupumiglas ako pero masyado siyang malakas. Malamang ay wala nang nakakapansin sa amin dahil busy lahat.
Halos hindi na ako makahinga ng naramdaman kong wala ng mabigat na humahawak sa mga braso ko. Nang imulat ko ang mata ko ay nakita ko nang nakahundusay ang lalaki. Nakahiga ito sa damuhang sahig at iniinda ang sakit sa panga.
Nagulat ako sa nangyari kaya hinanap ko agad ang may gawa noon. Nakita ko si Cabe, how did he get here?! Susugod muli siya sa lalaki. Bago ko pa siya mapigilan ay agad na niya iyong nasuntok ng ilang ulit. Saka lamang naagaw ang atensyon ng lahat ng lumakad sa amin si Pyper at Zach.
"What's happening here?!" Sigaw ni Zach. Agad na dumalo ako kina Cabe na kasalukuyang halos manginig na sa gigil.
"Cabe...Shh...Shh..." Pag-aalo ko sa kanya. Hinawakan ko ang pisngi niya kaya siya napatingin siya sa akin. May pag-aalala sa mukha niya at the same time galit at iritasyon.
Ibinaling ko muna kina Pype ang atensyon ko.
"Chan? Are you alright?" Nag-aalala ang mukha ni Pyper sa akin. Agad siyang napatingin sa labi ko na lalong naramdaman ko ang pagnginig ni Cabe. Umiwas siya ng tingin doon at tumingin kay Cabe.
"Cabe, paki-uwi na si Chan." Tumango lamang si Cabe at hinila na ako paalis. Nakasalubong ko pa si Phoenix.
"Uwi mo na siya." Sabi din ni Phoenix. Tumango lang uli si Cabe. Nakarating kami sa pinagparadahan niya. Nandoon ko nakita ang kanyang honda civic. Ipinasok niya agad ako sa loob. Marahas iyon kaya napadaing ako.
BINABASA MO ANG
Chasing Hearts
Novela JuvenilClementine Series: No. 1 (Andre Elizabeth Chantal Clementine) - Written by: Kaye De Villa Genre: Non-fiction & Romance Started: February 28,2016 Ended:
