Thirty-second Chase

20 0 0
                                    


Malalakas na katok ang pumupukaw sa akin sa umagang ito. Napakamot ako ng batok habang sinisilip ang orasan.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong halos mag-a-alas onse na ng umaga.
Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang nakataas na kilay ni Carmela. Bahagya ko din siyang tinaasan ng kilay.

She sighed and spoke, "Elizabeth, ayaw man kitang katukin pero mukhang may maagang nambubulabog sa atin. "

Napakunot naman ang noo ko lalo. Sino naman ang dadalaw? At talagang sa akin pa ha?

Nagkibit-balikat ako at tinunguan si Carmela.

"Sige, bababa na ako. Saglit lang." Tumango din siya at umalis na sa harap ko.

Nakakapagtaka talaga, sino naman kaya ang dadalaw sa akin? Sa pagkakaalam ko, wala namang narito upang pumunta sa akin...

Si Cabe? Oh! Elizabeth! You should stop thinking about him, okay? He's nothing in your life now! Yung nakita mo kagabi? It is not him! Siguro sadyang kulang ka lang sa tulog at pagod ka Elizabeth! Calm down, okay? Calm down.

Pinilig ko ang aking ulo upang mawala ang mga bumabagabag sa aking isip. Dapat hindi ko siya isipin, kasi una pa lang, wala na siya, bumitaw na siya. Atsaka, masyadong mabilis ang mga pangyayari sa inyo noon, Elizabeth. Wala lang sa kanya ang... Oh, hindi ko na yatang maisip ang mga katangahan ko noon.

"Shit." Sabay hinga ko. 

Mabilis kong inayos ang aking sarili upang makababa na at salubungin kung sino man ang bibisita sa akin.

Matapos kong mag-ayos ay agad akong bumaba at ikinagulat ko talaga kung sino ang naabutan ko. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko dulot ng poot. Hindi ko siya kayang tingnan. Naaalala ko siya sa kanya.

Natigil ako dito sa hagdan habang malamig na nakatitig kay Elise. Malamlam ang mga mata niya, para bang may gustong sabihin, ngunit sa kabila noon, parang may galit at pagkamuhi din siya sa akin.

Matapos ko siyang bigyan ng malamig na titig ay bumaba ako ng walang imik at agad na dinaluhan siya.

Elise, yung kapatid mo! 

Gusto ko siyang sumbatan ngunit parang mali naman yata dahil wala siyang kasalanan, pero may nag-u-udyok sa akin na magalit sa kanya. I don't know why.

Tinuro ko sa kanya ang sofa upang umupo siya gamit ang malamig na tingin, ang malamlam na mata niya ay naging kapareho ng akin, malamig. Umupo siya roon kaya umupo din ako sa harap niya kung saan may isang single sofa.

"What do you need, Elise?" Diretso at malamig kong sabi. 

Ayaw kong magpa-ligoy-ligoy pa. Sabihin niya ang dapat niyang sabihin dahil may mga gagawin pa ako na mas importante sa mga sasabihin niya.

Tinitigan niya muna ako at parang walang balak siyang magsalita. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Huwag mong aksayahin ang oras ko, Elise." I said again, coldy.

Tumikhim siya at agad na hinuli ang mga mata ko. Diretso niya akong tinitigan at malamig na titig din ang naroon. It's like, she's trying to be brave, but I can sense that she's too obvious. Huwag ka ng magtapang-tapangan pa Elise. I don't know why, pero bakit ba talaga ako galit sa'yo? 

Huminga siya ng malalim bago nagsalita, " It's about Cabe." Nabigla ako. Pero dahil ayaw kong makita niyang may epekto pa din sa akin ang lalaking iyon ay hinayaan kong manaig ang walang ekspresyong mukha ko.

"So?" Tinaas ko ang kilay ko para ba sabihing, wala akong pakialam sa kung ano mang sasabihin niya, lalo na at tungkol pa iyon sa lalaking iyon.

Wala talaga, kung susumahin lahat-lahat, wala na akong pakealam sa kanya. Alam kong masyadong mabilis ang nangyari sa amin noon, madaling nangyari ang nawala siya sa'kin, at mas alam ko na mas madali ko siyang makakalimutan ngayon dahil sa dali ng mga pangyayari sa amin noon. 

Para bang isang panaginip lang ang lahat, na nakikita ko ang sarili sa isang magandang lugar ngunit naramdaman mo na para kang nahuhulog at nasasaktan? At masakit di'ba? Masakit dahil ang mga magagandang parte sa panaginip mo ay isang panaginip lang, at masaya dahil nagising ka na, dahil kung hindi, makukulong ka roon at walang taong tutulong upang makalabas ka sa bangungot na iyon.

 Luckily, I woke up.

Napabalik ako sa aking wisyo ng makita ko ang galit na mga mata ni Elise, naramdaman ko din ang pag-alis ni Carmela sa kanyang kinatatayuan, para bang nakaramdam siya. 

"It's about him!" Pgil ngunit may bahid ng sigaw ang pagkakasabi niya noon. 

Halata ko din na nanggagalaiti na siya sa inis, galit at pagtitimpi dahil sa bahgyang pag-kuyom ng mga kamao niya.

"And what about him?!" Irita kong sigaw sa kanya. 

I know it's all about him kaya siya nagpunta rito! Alangan namang nagpunta siya rito upang kumustahin ako? No way! I won't allow that to happen too!

"Don't start with me, Chantal!" Nanlalaki na ang mga mata niya habang naka-upo at nakayukom ang mga kamay.

"And don't ever call me by that name! Who are you?! And who are you to spoke me with?! Bakit ka nandito?! Anong kailangan mo at ginugulo mo ko, huh?! Bakit ba ang hilig niyong manggulo?!" I can't stop myself! Damn!

Tumulo na ang luha ko at hindi ko na napigilan iyon. I can't stop, alright?! Masakit kasi e! Masakit na nakikita mo ngayon sa harap mo ang isang parte ng buhay nila, ng buhay niya! It's so damn hurt! 

Nakita ko din ang bahagyang pag-iwas niya ng tingin sa akin na lalo kong ikinagalit. 

"Ano?! Iiwas ka ng iiwas ng tingin?! Akala ko ba may sasabihin ka tungkol sa kanya?! May itatanong ka ba?! Ha?! Kung nandito siya kagabi ng madaling araw?! No, he wasn't here, okay?! I'm just imagining some random stuffs, so why he would dare to come here as if he knows where truly am I..." Biglang nanghina ako sa sariling sinabi ko, may napagtanto ako.

Pinunasan ko ang mga luha ko at matigas siyang hinarap.

"So he really is here, huh?" I plastered my sarcastic grin on my face. My heart is broken but, I can manage to grin fakely on her... for the sake of what's she gonna say.

"Bumalik sila..." Makahulugang sabi niya.

"What? I can't understand you... Sinong bumalik?" Bakas sa mukha naming dalawa ang pamumutla, lalo na siguro ako. 

Sino ang bumalik? At... bakit ito may kinalaman kay Cabe? Who are they?

Tumingin ako sa kanya at bakas na naman sa mukha niya ang paglalandas ng luha.

"Tell me! Who? Sino? Sino sila? Sino ang bumalik?!"" Tumayo na ako sa sofa dahil sa nerbyos na nararamdamn ko.

Why the hell is this happening to me?! Wala na nga akong pakealam di'ba? 

Tumingala ako para pigilan ang pagtulo ng luha.

No Elizabeth... you won't cry, okay? Stay calm...

Tumingin siya sa akin na may takot sa mga mata na lalong nagpadagdag ng nerbyos ko.

"The frats..."


Chasing HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon