Eighth Chase

39 6 0
                                    

"Woo! Sarap ng hangin!" Sigaw ni Pyper habang nakasakay sa skateboard. Ganoon din ako.

"Yeah! Sabi sa'yo eh! Wag lang tayo gagawa ng stunt dito kung ayaw pa nating mamatay." Sabi ko naman  na ikinahalakhak pa namin.

Ibinaba ko ang isang paa ko at ginawang panulak upang makausod ako muli. Ilang beses pa namin iyong ginawa bago kami napagod.

Umupo naman si Pyper sa tabi ko. "Chan, yung lalaki kanina, 'diba yun yung nasuntok mo?" Tanong niya.

"Oo." Simpleng sagot ko. Wala din naman akong sasabihin eh.

"Ah, paano kasi, iba makatitig sa'yo kanina..." Napangisi na lang ako bago niya dinugtungan."...lalo na ikaw, baka nga-" Tinakpan ko na ang bibig niya dahil baka kung ano pa ang masabi niya.

"May girlfriend 'yun." Sabi ko habang nakatitig sa kawalan.

"Naks! Alam na alam!" Sabi niya habang pumitik pa sa hangin. Bakit ko nga ba nasabi? Nagmukha tuloy akong marami ng alam tungkol kay Cabe.

"What's his name?" Tanong niya. Ayoko nang sagutin dahil baka kung ano na namang isipin nito.

"I don't know." Inuga-uga niya pa ako.

"Eh? Sus, maniwala sa'yo? Ano nga?" Tanong niya pa din habang sinasagi-sagi na ang balikat ko. Tss. Kulit.

"Hindi ko nga alam." Nakangiti na ako dahil natatawa na lang ako kung paano niya ipagpilitang itanong ko ang pangalan niya.

"Naman!" Hindi pa din ito tumitigil kaya napatawa na lang ako.

"Ano ba!" Tumatawa pa din ako habang siya naman ay may mapang-asar na ngiti sa labi.

"Fine, fine..." Pagsuko ko. "...he's Cabe Cadmus Alford." Kibit balikat kong sabi. Ngunit sa pag-aakala ko na tatahimik na siya ay mas lalo pa siyang nagpakawala na matinis na tili. Pinaghahampas niya pa ako.

"Pypeeer! Tama na nga 'yan!" Saway ko sa'kanya. Tumigil naman siya ngunit nakangiti pa din siya sa'kin nang nakakaloko.

"well, well, well..." Napalingon kami sa likod namin at nakakita kami ng isang isda na walang buntot, no, I mean, mukhang isda. 

Oo, ako na pulaera.

"Who is she?" Tanong ni Pyper. Hindi ko siya sinagot pero itinago ko siya sa likod ko. Mahirap na. Malandi ang kaharap namin ngayon, kami maganda lang.

"Nagdala ka pa ng bagong malandi, huh?" Maarteng tanong nito sa'kin at bago tumingin kay Pyper.

"Wag na wag mong masabihan ang kapatid ko na malandi." Kalmado kong sabi pero sa utak ko ay na-salvage ko na siya. Ibinaun ko na sa lupa.

"Okay, pero parang nadinig ko na tinatanong niya ang pangalan ko?" Nakangisi niyang tanong. Tumaas naman ang kilay ko kaya humalkhak siya. Demonyita siya.

"Well, little malandi..." Bitin na sabi nito at tumigil sa harap ko. Alam kong si Pyper ang sinasabihan niya ng malandi pero hangga't kaya ko pigilin ay pipigilin ko ang apoy sa'kin.

"I'm Avoth Faust... ang girlfriend ni Cabe Cadmus Alford." Nang binanggit niya ang pangalan ni Cabe ay nanlalaki ang mata niyang tumingin sa'kin.

Wala namang ginawa si Pyper kung hindi panoorin kami. Ayokong mag-eskandalo dahil nandito ang kapatid ko.

"Let's go..." Mahinang bulong ko kay Pyper. I held her wrist. Hindi naman siya nagpumiglas pero narinig ko na naman na nagsalita si Avoth.

"Alam niyo, ang aarte niyo! Alam ko naman na gustong-gusto niyong landiin si Cabe! Mga mahinhin kunyari pero nasa loob pala ang angking kalandian!" Hindi ko na natiis ang mga sinabi niya sa'min. Ayos lang naman sa'kin, pero pag sa kapatid ko, magkakamatayan na!

Binitawan ko si Pyper atsaka lumapit kay Avoth.

"Chantal!" Sigaw ni Pyper pero hindi ko siyapinakinggan. Hindi ko na talaga matiis ang pangbubulabog ng babaeng 'to sa buhay ko. Hindi ko naman inaagaw sa kanya yung lalaki niya ah!

"Cabe!" Sigaw ni Avoth na tila takot na takot. Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang pangalan niya. Akma kasing sasampalin ko na si Avoth pero bigla naman niyang tinawag si Cabe.

Nagtatakbo si Avoth, agad siyang yumapos kay Cabe na ikinawasak ng puso ko. 

Why am I having this kind of feeling? May girlfriend yung tao.

Nakatingin lang si Cabe sa'min at wala siyang sinabing kung ano-ano, umalis lang sila at naiwan kami ni Pyper. 

Nakatulala pa din ako dahil hindi ko lubos maisip kung bakit ako nasaktan, nasaktan ba sa mga sinabi ni Avoth, o dahil sa pagyapos ni Avoth kay Cabe? 

Inaya ko na si Pyper na umalis doon at bumalik na sa Room.

"Chantal, okay ka lang ba?" Si Pyper, paniguradong ang iniisip niya na kaya ako tahimik at walang kibo ay dahil sa mga sinabi ni Avoth. Gustuhin ko man paniwalain ang sarili ko na doon nga ako naapektuhan pero mas nananaig ang kabila, nang makita ko ang yapos na 'yon. 

Oo, medyo masakit. And this is really a bullsht.

"Okay lang ako." Sabi ko at humiga na sa kama. Bakit ba ako ganito? Bakit ako nagkakaganito sa isang lalaking wala pang ilang buwan kong nakikilala? Crush?

Umupo naman siya sa tabi. "Anong plano mo para sa birthday mo?" Tanong niya.

Nilingon ko siya atsaka ipinulupot sa katawan ko ang kumot.

"I don't know, mas gusto ko na mag dinner na lang tayo... like before." Sabi ko, dahil iyon naman talaga ang nakagawian namin.

"Your life is really boring Chan!" Entrada niya habang nakabusangot ang mukha.

"Sus! Paano'y may Ben Tan ka na kaya mo nasabing boring ang buhay ko!" Balik ko ng pang-aasar sa kanya. Lalo naman sumama ang timpla ng mukha niya.

"Duh! I hate him, okay?" Irap niyang sabi.

"Okay, okay, fine..." Natahimik kami pero nag-open na naman siya ng topic.

"What about, we'll throw a party?" Nagningning naman ang mata niya sa ideya niya.

"...for my birthday?" 

"Yes! Ofcourse! -" bago niya pa maituloy ang mga binabalak niya ay pinigilan ko na siya.

"No, ayoko. Masyadog magulo-"

"No! Gusto ko, No buts Ate Chantal." Pinagdiinan na niya ang word na 'Ate' just to make me agree.

"Wala na akong magagawa eh."

"Yes!" Sigaw niya. 

Nagulat naman kami ng makita si Phoenix?

"What the hell are you doing here?" Tanong ni Pyper. Habang nakataas ang kilay at nakakunot ang noo.

"Wow Sis! Ikaw? Bakit ka nandito?" Sarkastikong tanong ni Phoenix.

"Eh kasi, kung wala ako dito, edi napahamak na si-"

"Pype!" Tawag ko sa kinaiinisan niyang nickname. Siniringan niya ako at bigla naman akong binalingan ni Phoenix.

"What Chantal? Ano 'yon?" Nag-aalala niyang tanong. "...may sinuntok ka na naman ba?" Aba't!

"Hoy! Grabe ka naman!" Sigaw ko sa kanya. Aba'y letse 'to ah? Pag may ganoon, may nasuntok agad, hindi ba pwedeng may nakasagutan lang?

Chasing HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon