Chapter 54

149 29 0
                                    


Dayle POV

What the hell? Ano naman kaya ang naisipan nitong dalawang to at pinasusuot ako ng spaghetti and skirt o di kaya'y shorts daw pagkarating namin sa venue, basta ganun. Plus magheels daw ako and maglagay ng mga kolorete sa mukha and put some accessories. In short, yung mga tipong suot ni Hillary ang gusto nilang iparating. Hanep yan!

But since no choice ako, sinunod ko na lang ang pinapagawa nila sa akin. I changed all my clothes na nakalagay sa maleta ko. Badtrip! Sayang ng oras. Kanina pa naghihintay ang private plane ni Daddy. Asar!

Kasi naman di ba? Ano naman ang koneksyon ng suot namin sa pagligtas kay Kelvin? What the hell talaga.


I heard a loud knock on my door so padabog akong naglakad papunta sa pinto ng kwarto ko para buksan kung sino man ang may gawa ng ingay na yun. Pagbukas ko ng pinto ay sumalubong sa akin ang naiiritang si Kevie. Ano naman kaya ang problema nito?

"Ano ba ang problema mo't para kang nasukluban ng langit dyan?" I asked without looking at her. Isinara ko na ang maleta ko dahil sa wakas ay tapos na akong mag-ayos. Feeling magbabakasyon lang e. Ang dami kong dala.

"Eh bakit kasi kasama mo pa yang Kendrick na yan kanina? Tapos isasama mo pa papuntang China. End of the world na ba Bessie?" pinagpapadyak niya ang mga paa niya. Gumagawa pa ng ingay ang babaeng to.

"Well, wala kang choice," di ko alam ang sasabihin ko sa kanya e.

Di ko rin alam kung bakit ko nga ba kasama yang Drake na yan dito. Well, sabi nga niya dahil kina Anya. Hindi na ba sila galit sa akin?

"Nakakainis! Akala mo naman kung sino siya! At pinagbantaan niya pa talaga ako ah! Nakakainis talaga! Ipabugbog ko siya kay Sean e," nilingon ko ang kinaroroonan niya. Tama ba ang dinig ko? Sean? Yung ex boyfriend niya?

"Okay na kayo?" nakataas kilay kong tanong sa kanya kaya natigil siya sa pagdadabog. She simply looked at me in the eyes for about a sec then shifted it to her phone, "Ano nga? Kayo na ulit? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Kelan pa?"

"Teka lang naman. Isa-isa lang ang tanong Bessie. Wag na nating pag-usapan yun. Hindi naman importante yu-- Sasabihin ko ba sa kanya o hindi?" pabulong niyang sinabi yung huli pero narinig ko pa rin.

"Sasabihin mo o ibabato ko sayo tong hawak ko?" hawak ko sa kanang kamay ang dagger na nanakaw ko sa kwarto ni Dinya. Haha. Hindi naman siguro niya malalaman di ba?


After niyang magkwento sa akin dahil wala naman siyang choice, ay hindi ako nakapagtimpi. Naibato ko ang dagger ko sa mirror kaya mabilis na nagtungo sa kwarto ko sina Drake at Vince.

"What the hell-- Woah woah!" mabilis na nakaiwas si Drake sa shuriken na ibinato ko sa pinto nang binuksan niya ito. Ibinaling niya ang tingin niya sa akin, "What the hell was that!?" hindi ko alam kung nagtatanong talaga siya o ano kasi iba ang titig niya sa akin ngayon.

"None of your business, Kendrick," sagot ni Bessie sa kanya. Sumalampak lang ako sa sahig para mag-isip. Ano ba! Ang lakas naman talagang mambintang nung Kathy na yun.

"Let's go. We're running out of time," sabat naman ng kasama ni Kevie na si Vince Tyler Chase.

Binunot ko ang dagger ko na nakatusok sa basag na mirror. Psh. I brought some shurikens and kunai na nakatago sa drawer ko. Nice to see you again, babies.



Pagkalanding ng private plane ni Daddy dito sa China ay agad namang bumunot ng phone si Vince at may tinawagan. Si Drake naman ay nagpareserve ng dalawang hotel room para sa aming apat. Si Bessie naman ay nakatungo lang. Mukhang malalim ang iniisip.

Falling to Pieces: Ars MoriendiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon