Chapter 1

2.4K 210 126
                                    

WARNING! THIS IS NOT A TYPICAL LOVE STORY.




          I slept at the wrong side of the bed. In short, Wala ako sa mood at badtrip ako!

Nakakainis naman oh. Umagang-umaga kung makapatugtog sina Anya ng music parang walang taong natutulog eh! Alas-syete y media pa naman ang pasok ko ngayon.

At anong oras palang? Duh! It's 5 o'clock in the morning! Sinong hindi maiinis dun?

At dahil sa hindi na ako makabalik ng tulog eh bumangon na lang ako ng kama at bumaba na ng kwarto para sabayan silang kumain. Ang aga nilang kumain no? Samantalang ako eh kung kelan malapit nang pumasok ng paaralan ay saka pa lang mag-aalmusal. Wala eh. Ganun talaga ang buhay. Lalo na kapag tinatamad ka.

"O, Shobe, gising ka na pala. Akala ko tulog ka pa eh. Tulog-mantika ka pa naman," bungad agad sa akin ni Anya pagkababa ko ng kusina. Nakahanda na kasi ang almusal bago pa ako magising.

Ang aga nilang gumising no? Kanino kaya sila nagmana? O mas tamang itanong, kanino kaya ako nagmana? Gising na kasi silang lahat bago pa ako magising.

"Kayo kasi Anya eh! Kung makapatugtog naman kayo wagas! Nabulabog niyo tuloy ang napakaganda kong panaginip. Badtrip."

Hayyy! Yung pinakahihintay ko na moment yun eh! Magkikita na sana kami. Kung di lang ako nagising. Syet naman oh! Panaginip lang pala yun.

"At anong nginingiti-ngiti mo dyan?" ay? Napansin pa niya yun? Wala talaga akong kawala sa mga mata ni Anya. Wew.

"Wala po Anya," sagot ko at saka umupo sa silya para kumain-- Sana! Kaya lang ang magaling kong kapatid ay sinenyasan akong maligo muna kasi ang baho ko na daw. Ayaw niya raw ng may kaharap sa hapagkainan na hindi pa naliligo.

Ang sarap naman ng mga nakahaing pagkain. Baked Eggs in Avocados w/ Wheat Toast, Chocolate Peanut Butter Protein, and Oatmeal Cottage Cheese Banana Pancakes, Cornmeal and Oat Waffle Mix, at kung anu-ano pa. Baka maubusan ako! Ang lakas pa naman nilang kumain. Huhuhuhu.

Wala akong nagawa kundi tumayo at maglakad papunta ng kwarto nang marinig kong magsalita si Mommy.

"If I know, kinikilig lang yang bunso niyo. Hey! Bantayan niyong maigi yan ah. Lagot kayo sa akin kapag pinabayaan niyo yang napakaganda niyong kapatid. Aalis na ako. Hinihintay na ako ng Daddy niyo sa labas. We'll go to Korea in a few hours. May gusto ba kayong ipabili?"

Hayyy. Aalis na naman sila. Iiwan na naman nila kami dito sa bahay. Lagi na lang! Lagi na lang silang wala. Tsk. Ano bang dinadrama drama ko dito? Psh. Hindi pa ako nasanay.

"Ah. Nothing, Mom. Mag-ingat na lang po kayo. Sige po! Papasok na rin po kami sa klase," sagot ni Dinya at saka umalis si Mommy palabas ng bahay. Binalingan naman ako ng tingin ni Dinya, ang pangalawa sa aming magkakapatid, "Oy! Ikaw, maligo ka na't baka mahuli ka na naman sa klase niyo," sabi niya sa akin.

Hala? Ang aga naman ata nilang pumasok? May pasok ba ng ganitong oras? Ah! Susunduin na naman nyan ni Dinya ang girlfriend niya. Psh. Bitter much? Makaakyat na nga.

"Sus! Di ka pa nasanay dyan, Harley. Kaya nga laging napapagalitan ng teacher niya dati eh," sabi naman ni Anya at saka humalakhak.

Grabe lang no? Lagi na lang akong binubully ng mga kapatid ko. Hayyy.

"Mga hanep kayo. Ako na naman ang nakita niyo. Sige na. Alis na. Ingat kayo sa byahe," oh di ba? Ang bait ko. Dapat na ata akong gawaran ng huwarang kapatid. Bow.

Falling to Pieces: Ars MoriendiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon