Chapter 55

147 29 0
                                    

Maurice POV

"O, ikulong na yan," utos ko sa kapwa kong assassin na si Stefannie Gail Canterbury. Yes. Binigyan ako ng pinsan kong demonyita na si Althea ng makakasama para hindi ko daw siya traydurin. Mautak din tong gagang to e. Okay, let me rephrase it. Tanga lang talaga ako. Akala ko nga sa bahay nila ako kinulong e. Akalain mong ang hideout pala nila ay ang Bar na pinamamahalaan ni Althea.

Isa sa mga lider ng Verbeck Clan ang Parents namin ni Althea. Mas mataas nga lang ang rank ng parents niya sa parents ko kaya hindi ako makatanggi sa utos niya. Masakit mang isipin pero ganun ang patakaran ng Clan namin. Tss. Kung pwede nga lang higitan ang rank nila, ginawa ko na e. Para naman makaganti ako sa kanila at ng sa ganun ay hindi maging kawawa ang magiging anak ko.

Another thing is, matagal nang miyembro ng Verbeck Clan si Gail. Sa katunayan, siya ang nagturo sa akin kung paano maging ganap na assassin. In just one day, natutunan ko lahat ng yun.

Oo, natutunan ko lang. Pero hindi ibig sabihin nun ay kaya ko nang gawin lahat ang ginagawa nila.

Sa una hindi ako makapaniwala pero habang dumadaan ang araw, unti-unti ko na itong natatanggap. Na maging ang kapatid ng bestfriend ko na si Patricia Lewis Canterbury ay isa rin palang katulad ko. Small world nga naman talaga.

I think Patricia doesn't have any idea about this matter. But sooner or later, malalaman din niya ang katotohanan. Kasi sabi nga nila, walang sikretong hindi nabubunyag.

"Anong balak mo dyan sa bihag mo?" Gail asked me with full of curiosity in her eyes. Nawala tuloy ako sa pagmomonologue ko. Psh. Bumuntong hininga muna ako bago siya sagutin.

"Wala pa sa ngayon pero---" hindi niya ako pinatapos magsalita at nagsalita siyang muli.

"You have no time, Maurice Addyson, alam mo namang maiinipin si Althea," mukha bang hindi ko alam yun? Psh. Kumuha siya ng stick ng sigarilyo sa bulsa ng jeans niya at sinindihan ito saka umupo sa silya at nagdekwatro pa. Magkaiba nga sila ng kapatid niya.

"No need to tell me, I knew it already," napangiwi na lang ako. Dahil sa totoo lang, wala pa rin talaga akong maisip na gawin sa kapatid ni Myche.

Sa katunayan ay binigyan ko pa siya ng pag-asa para mabuhay. Pagkatapos ko siyang lasunin ay tinurukan ko siya ng gamot. May konsensya naman ako kahit papaano.

Kaya kung ako ang kukunin niyong assassin, wala kayong mapapala sa akin. Mauubos lang ang pera niyo dahil bubuhayin ko pa rin sila sa ayaw at sa gusto niyo.



Lumabas muna ako sa basement na iyon para pahupain ang sakit ng ulo. Badtrip! Gusto kong uminom para mawala sa isip ko ang mga problema ko. Kahit ngayon lang.

Anong klaseng buhay to o. Naman e! Kinausap kasi ako ni Mommy bago namin dukutin si Dharon.


"Addyson! They are enemies. Have you forgotten?" tanong agad sa akin ng aking ina pagkalabas ko ng kwartong pinagkulungan sa akin ni Althea. Nararamdaman ko pa rin ang sakit ng pagkakatali niya sa akin, "Sinusuway mo na naman kami. Hindi na talaga kita kilala!" pero mas masakit pala itong pinag-uusapan namin ni Mommy.

My knees were shaking as I looked at her. Nagbabadya na ring tumulo ang luha ko, "K-kinakampihan mo pa siya, Mommy?" nauutal kong tanong sa kanya.

Bakit ganun? Ako ang anak niya pero kay Althea siya kumakampi? I clenched my fist in anger. Bakit ganito ang naging kapalaran ko?

"You don't know what you're doing. Alam mo bang ikapapahamak mo yang ginagawa mo? Nung una pa lang binalaan na kita na hindi ka pwedeng makipagkaibigan sa mga Kliesen pero ano ang ginawa mo? Sinuway mo ang utos ko. At ano ang naging bunga nun?"

Falling to Pieces: Ars MoriendiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon