(Sean Tristan Smith on the side)
"Sean," unti-unti siyang lumalapit sa akin.
Hinawakan ni Mama ang balikat ko, "Maiwan ko muna kayo. I think you need to talk my dear daughter."
"Pero Ma!" hinawakan ko ang kamay niya pero binitawan niya ito.
"No buts. Duon lang ako sa labas." tapos iniwan na niya ako sa harap ni Sean.
Oo, walang iba kundi si Sean Tristan Smith. Ang aking ex-boyfriend na nang-iwan sa akin at pinagpalit ako sa ibang babae.
Tapos ngayon, narito siya sa harapan ko. Hindi ako makapagsalita. Hindi man lang ako nakapaghanda sa ganitong sitwasyon. Anong gagawin ko?
Di ko maintindihan
Ang nilalaman ng puso
"Ah ano. V-Venice, pwede ba tayong mag-usap?" nauutal niyang sabi. Hindi siya makatingin ng diretso sa mata ko. Bakit kaya?
Tuwing magkahawak ang ating kamay
Pinapanalangin lagi tayong magkasama
Hinihiling bawat oras kapiling ka
"May dapat pa ba tayong pag-usapan?" malamig na sagot ko sa kanya. Napansin ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
Wag mo na akong pahirapan Sean. Oo nga't hindi pa rin ako makamove on sayo pero sana hayaan mo na akong makawala sa sakit na to.
Bakit ka pa nagpakita? Sana hinintay mo munang makaandar ako. Hindi yung bigla ka na lang susulpot na parang walang nangyari.
Sa lahat ng aking ginagawa
Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta
"Marami Venice. Kailangan mong malaman ang katotohanan. Hindi ako mapalagay. Baka may gawin silang masama sayo. Natatakot ako para sayo," sabi niya habang hawak ang kamay ko. Anong katotohanan ang pinagsasasabi niya? Wait... Baka may mangyaring masama sa akin? Wala naman akong nakaaway ah?
Sana'y di na tayo magkahiwalay
Kahit kailan pa man
"What are you saying? I don't understand!" teka... napa-english ata ako ah? Nag-init tuloy ang mukha ko. Mukhang hindi sa akin bagay mag-english. Haha.
"The truth behind those lies. At ang katotohanan tungkol sa aking pagkatao," nakatingin siya sa aking mga mata kaya batid kong nagsasabi siya ng totoo.
Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
Ano naman kaya yun?
"Sige. Pagbibigyan kita. Kelan mo gustong mag-usap?"
Makapiling ka habang buhay
Ikaw lamang sinta
BINABASA MO ANG
Falling to Pieces: Ars Moriendi
Mystery / ThrillerCopyright © 2014 by Ishaille ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, wi...