Chapter 53

186 30 0
                                    


Shylene POV

"Have you eaten?" tanong ko kay Bryce na kalalabas lang sa kwarto kung saan naroroon ang Papa niya.

Nakita ko siyang sumimangot, mukhang bad shot na naman siya sa Papa niya.

Ewan ko ba kung bakit ayaw niyang maniwala sa amin. E sinasabi lang naman namin ang totoo. We're just trying to protect him from danger. Hindi niya ba maintindihan yun?

"Wala akong ganang kumain. Ikaw na lang," walang gana rin niyang sagot sa akin.

What am I supposed to do? Halata namang iniiwasan niya ako eh. What seems to be the problem?

"Wait, Bryce! Let's talk," pinigilan ko siya. Bakas sa mukha niyang ayaw niya akong kausapin. Paano ko sisimulan to? I took a deep breath.

"About what?" he said. I don't know what to say. Gusto ko lang naman siyang kausapin, "Alam kong may kinalaman ka sa nangyayari. Stop it. Will you?" matatalim na tingin ang ipinukol niya sa akin. Tila nabunutan ako ng tinik sa mga sinabi niya.

Ganun ba talaga ang tingin mo sa akin Bryce?

Then he walked off letting go of my weak hand, though it was rough and strong; his eyes were beautiful and his hands were strong. His eyes are the eyes that don't let me sleep at night much anymore.


"I just love you Bryce," I said impatiently. Tumingin siya sa akin. Dahan dahan niya akong nilapitan at hinaplos ang mukha ko. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

He wiped my tears off using his right thumb, "I don't know how to love you back. So stop loving me, Shylene. Si Myche lang ang mahal ko," mabilis na dumapo ang palad ko sa mukha niya. Sinampal ko siya.

Hindi niya kailangang ipamukha sa akin na si Myche ang mahal niya. Alam ko naman yun eh. Alam ko naman.

Alam kong mahirap pantayan ang pagmamahal niya kay Myche.

Kaya lang hindi ko matanggap eh. Masakit. Ako naman ang kasama niya di ba? Bakit hindi niya ako magawang mahalin? Ano ba ang dapat kong gawin para mahalin mo ako?

Simula nung sabihin niya sa akin na hindi niya ako girlfriend ay unti-unting nawasak ang puso ko. Akala ko kami na. Akala ko natupad na ang matagal ko nang gustong makamit.

But I was wrong. Mas lalo siyang lumayo sa akin.

Lagi ko nga siyang kasama pero wala naman dito ang isip at puso niya.

Na kay Myche pa rin. Darn it.


I gasped before I could speak, "I know. Kaya nga kahit anong gawin ko, hindi mo pa rin ako makita," tumawa ako. Para na nga akong baliw sa kalagayan na to, "But you know what? Sayo lang ako nagkaganito. Ang sarap mo ring mahalin ano? Damang dama ko bawat sakit na binibigay mo," tinangka kong lumayo sa eksenang iyon. Masyado nang masakit para sa damdamin ko. Gusto kong magpahangin muna sa labas at duon na mag-iiiyak.

Pero natigil ako sa paglalakad nang muli siyang magsalita.

"Sinabi ko bang mahalin mo ako?" hindi na ako nagdalawang isip pa at sinampal ko ulit siya. Hindi na tumitigil sa pagbuhos ang mga luha ko. Ang sakit sakit na.

"Tama na. Please. Nasasaktan na ako," pagmamakaawa ko sa kanya. Masisiraan na ata ako ng bait.

"I won't," hinawakan niya ang mga kamay ko. Mas nasasaktan ako sa pinaparamdam niya sa akin, "Tama lang siguro to para tumigil ka na sa kahibangan mo," and for the last time, nginitian niya ako. At ilang sandal ay iniwan na niya ako. Iyak pa rin ako ng iyak.

Falling to Pieces: Ars MoriendiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon