Chapter 42

686 89 12
                                    

(Shyra Marylene Asis on the side)



Pagkatapos kong marinig lahat ng kwento sa akin ni Mama ay napahagulhol ako. Walang tigil na pagbuhos ng mga luha ko. Masakit. Ang sakit sakit marinig ng katotohanan.

Wala akong ibang nararamdaman kun di galit at poot. Maghihiganti ako sa taong may gawa nun sa papa ko. Galit na galit ako sa mundo at sa dahilan kung bakit kami iniwan ni Papa.

Nababalot na naman ng galit ang puso ko. Nanggigigil na ikinuyom ko ang kamao ko. Naalala ko na naman si Papa.

Lahat ng sakrispisyo niya sa amin. Lahat ng ginawa niyang kabutihan sa amin. Ang pagmamahal niyang hinahanap-hanap ko simula nung bata pa ako. Ang napakabuti kong ama na namatay pala dahil sa buwis-buhay na trabaho niya.

Wala man lang kaming nagawa noon nila mama. Hindi man lang siya nabigyan ng hustisya sa pagkamatay niya.

All these years, inakala kong iniwan lang niya kami at nagbabakasakali na buhay pa siya at babalikan niya kami. Pero hindi na pala. Hindi na mangyayari yun kahit kailan.


Umiiyak na naman ako, "Papa, kung naririnig mo man ako, patawarin mo ako kung napaka-pasaway ko noong bata pa ako, patawarin mo po ako kapag minsan ay sinusuway ko ang mga utos niyo. Patawarin mo po ako kung kinamuhian man kita. Hindi ko alam. Wala akong alam sa mga nangyari Papa. Akala ko, iniwan mo talaga kami. Patawarin mo po ako. Mahal na mahal kita Papa. Miss na miss na kita. Pinapangako ko sayo, bibigyan ko ng hustisya sa pagkamatay mo. Pangako yan Papa," tuloy tuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. Sana pala, hindi ko na lang nalaman. The truth hurts nga naman talaga.

Hahanapin ko ang may sala sa pagkamatay sa aking ama. Sila ang pagbabayarin ko sa pagkamatay ng Papa ko. Sisiguraduhin kong mamamatay sila, "Mamamatay kayong lahat! Uubusin ko ang lahi niyo! Pagbabayaran niyo ang ginawa niyong pagpatay sa papa ko! Pagsisisihan niyo to!" kahit saang lupalop pa kayo magtago, mahahanap at mahahanap ko pa rin kayo.





Hillary POV

Ano ba yan! Kanina pa kami palakad lakad ni Drake my handsome cousin para hanapin si Dharille pero hindi pa rin namin siya makita. Saan naman yun nagsususuot? Lagot kami nito kay Steve. Tsk.

"Oh ano? Did you find her?" tanong ko kay Drake. Nagshrug lang siya. Wala talaga tong silbi. Kaasar.

"Can't you see that I'm with you? So why the hell are you asking me?" sabi ko nga. Nakakainis naman to. Siya na nga ang may kasalanan eh. Parang ako pa tuloy ang sinisisi niya.

"Hmp. You're so annoying. Baka kung napano na yun," pag-aalala ko. Asan na ba kasi yun? Alam niyo ba kung nasaan siya? Help us guys!

"It's not. C'mon, let's go home. I'm so damn sure that she's not here already," eh? Paano naman siya nakakasiguro? May super powers ba siya? Paano niya nalaman?

"How can you say so? Eh hindi pa naman natin nalilibot ang buong lugar," pinagbuksan na niya ako ng kotse. Pumasok naman ako. Wala naman akong magagawa eh. Mukhang badtrip na kasi siya. Nakakatakot pa naman siya kapag nagagalit. Parang monster yan eh.

Ang ganda talaga ng kotse niya! Nakakainggit. Huhuhu. Sana magkaroon din ako ng ganito. Ang ganda talaga! Kung hingiin ko na lang kaya? Whahahahaha! Tama. Tama. Ang galing ko talaga.

Falling to Pieces: Ars MoriendiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon