Chapter 23

819 113 10
                                    

(Lorraine Stefannie Zedler sa right side)



                        "Myche, gising na dyan. Kakain na tayo. Hoy! Kanina pa kita ginigising, ayaw mong magising. Kapag ikaw naubusan ng pagkain, wag kang magrereklamo ah?" Maurice said. Grabe naman to. Uubusan daw ako ng pagkain? Waaaaaaaa! Gutom pa naman ako. Huhuhuhu.

"What time is it?" sagot ko sa kanya at tiningnan niya ako ng buti-naman-at-bumangon-ka-na look.

"7:17," simpleng sagot niya sa tanong ko. Wala man lang chechebureche. Leche!

Gabi na pala. Ang haba naman ata ng tulog ko. Tsk. Bakit parang kanina lang eh 7:17 din ako nagising tapos ngayon 7:17 na naman. Anong meron sa oras na yan? Wew. Kung anu-ano ang napapansin ko.

Pagbangon ko sa higaan ay biglang nagflash sa utak ko ang panaginip ko kanina. Nalungkot tuloy ako.

Eh kasi naman... Napanaginipan ko si Dharon!

Yes. Yung kambal ko. Ewan ko ba kung bakit eh hindi ko naman siya iniisip. Lalong hindi naman siya nagagawi sa utak ko no. Tapos yung ex pa ni Kevie na si Sean. Kasama rin sa panaginip ko. At ang weird. Promise.

Basta. Ganito lang yun...


Umaga siguro yun o hapon kasi maliwanag pa sa labas. Nagtatakbuhan daw kaming apat sa isang lumang building. Ang lawak ng paligid. Ang ganda rin ng lugar na iyon. Parang garden na may lumang building nga lang.

Hinahabol nila kaming dalawa ni Kevie... Nina Dharon and Sean! Nung nahuli na kami ay galit na galit si Sean kay Kevie tapos si Dharon naman eh sobrang mabait sa akin.

What's new? Hahahaha. Nung nasa isang room kami ni Dharon ay hinawakan niya ang kamay ko at kinuha rin niya ang phone ko.

Yung naramdaman ko? Wala. As in wala. Walang spark o kung ano pa man. Tapos nakita niya ang wallpaper ko, mga text sa akin ni Bryce at ang name ni Bryce ay napansin pa niya.

Sabi niya sa akin ay nasaktan daw siya sa nakita at nalaman niya. At bakit naman? Ano naman sa kanya? Ang sabi ko naman, "Bakit ako? Hindi ba ako nasaktan sayo?" ewan ko ba kung bakit ganun ang sinabi ko. Kung bakit ganun ang eksena sa panaginip ko. Wew.

Tapos hinawakan niya ang kamay ko. Asar! Hanggang dun na lang yun eh kasi ginising na ako ni Maurice. Pero alam niyo, ang saya ko! Bakit? Kasi nung hinahawakan niya ang kamay ko ay inaalis ko naman tsaka nawiweirdohan ako sa kanya eh! Hayyy.

Hanggang sa panaginip talaga, sobrang loyal ko kay Bryce.

Makabangon na nga! Wews.


"Oh halika, Myche. Dito ka maupo oh," yaya sa akin ni Lorraine. Kinorek ko naman siya dahil tinawag niya na naman akong Myche. Sabi nang Dayle eh. Ang kukulit talaga nila.

"Pwede ba! Dayle na lang ang itawag niyo sa akin. Paulit-ulit naman tayo eh. Psh," pero tinawanan lang nila ako.

"Taeng bitter nito. Move on na nga! It's just a name, you weirdo," sabi naman sa akin ni Maurice na humagalpak sa tawa. Hay naku! Wala na talaga akong magagawa sa mga makukulit na kaibigan ko. Psh.

"Oo nga! Dati ayaw patawag ng Dayle kasi bitter dun sa ex niya kaya naging Myche. Tapos ngayong bitter naman siya sa Myche kasi yun ang tawag ni Bryce eh bumabalik na naman siya sa Dayle. Nakakatawa ka, alam mo yun? Move on na oy! Hindi naman kailangang magpalit ka ng pangalan eh. Dapat nga hindi mo yan tinatakasan eh. Dapat masanay ka para kapag paulit-ulit na yan, edi hindi na masakit. Hindi ka na masasaktan. Meaning? You found happiness! Tapos marerealize mo na lang na nakamove on ka na pala," pag-i-speech naman ni Clyde. Nagbow pa siya sa aming lahat para intense. Leche. Feel na feel na naman nila ang panenermon sa akin.

Falling to Pieces: Ars MoriendiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon