Chapter 58

117 26 0
                                    


Dayle POV

Inilibot ko ang paningin ko nang magising ako. Iba na ang lugar na to. May TV, Walk in closet, mini bar, dresser, at kung anu-ano pa. Parang... hotel? Teka, hotel namin to ah? Nasa CK Hotel ako? Nasa Pilipinas na kami? Paano ako napunta rito?

The last time I checked, nasa Bar pa lang ako. And the rest, wala na akong maalala.

Tumingin ako sa kanan ko. Duon ko nasaksihan ang mahimbing na natutulog na si Kent.

We are safe! Finally. But wait... Where's Kelvin?

Hay naku! Mga walang kwentang kausap talaga tong sina Drake at Vince. Akala ko ba si Kelvin ang ililigtas? E bakit wala siya dito?

Ay ano ba yan! Baka naman lumabas lang siya. Ikaw talaga Dayle, kung anu-ano ang iniisip mo. Pero talaga! Naiinis ako. Gawin ba naman akong pain sa mga kidnappers. Badtrip!

Aish! Ano ba yan! Ba't wala na akong maalala? Nakakainis!

Natigil ako sa pag-iisip nang may nagbukas ng pinto.

"Si Kelvin?" bungad ko sa taong pumasok na si Mr. Bad Words. Diretso lang siyang pumasok ng banyo nang hindi man lang ako sinasagot. Walanjo. Napakabastos talaga nito kahit kelan.

Ilang segundo ang lumipas nang bumukas ulit ang pinto. Tiningnan niya ako na parang nag-aalangan kung papasok ba siya o hindi.

"May I come in?" tinanguan ko siya bilang sagot.

"Nailigtas niyo ba si Kelvin?" tanong ko kay Vince. Humiga muna siya sa kabilang kama bago niya ako sagutin. Nag-inat pa siya at inagawan ng unan si Kent. Isa pang bastos!

"Nope," nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.

"What the hell? Nagbuwis buhay pala ako para sa wala!?" gigil na tanong ko sa kanya. Yung tono niya ay parang wala lang sa kanya ang nangyayari. Parang ordinary lang ba. Hindi man lang siya nag-aalala kay Kelvin?

"Eh anong tawag mo dyan sa kaibigan mo? Di ba nailigtas natin siya nang dahil sayo?" nilingon ko si Kent na hanggang ngayon ay hindi pa rin gumigising. Napabuntong hininga ako. Oo nga pala. Kahit papaano ay nailigtas namin siya. Pero teka...

"Anong ginagawa ni Kent sa lugar na yun?" takhang tanong ko sa kanya pero nagkibit balikat lang siya at umiwas ng tingin sa akin. Hayy.


Natapon ang tingin ko sa pinto nang bumukas iyon at pumasok si Anya na umuusok ang ilong. Napatayo si Vince at agad na humingi ng pasensya sa kapatid ko.

Sinuntok ni Anya ang pinto ng banyo dahil hindi ito binubuksan ni Drake kaya sinira niya ito. Ang dating Drake na kilala ko ay parang naglaho nang makita niya si Anya. At katulad kay Vince ay humingi rin ito ng pasensya sa ginawa nila sa akin duon sa China.

Tapos meron pa silang pinagtatalunan tungkol duon sa Clan na hindi ko masyado narinig ang buong detalye dahil kanina pa ako tumatawa dito sa kama ko. Hahaha. Nakakatawa kasi silang panuorin. Sayang! Hindi ko navideohan. Hahaha.

Basta ang alam ko, pinagalitan ni Anya si Drake at si Vince dahil napaka-careless daw ng dalawa. Kung sakali daw na may nangyari sa akin na masama ay hindi na raw siya magdadalawang-isip na patayin sina Drake and Vince.

Kinabahan tuloy ako dahil ganun ang lumabas sa bibig niya. Mabuti na lang at okay na ako.

Teka, asan si Dinya? Bakit wala siya dito? Grabe. Hindi man lang siya nag-aalala sa akin? Nakakalungkot isipin. Hayy.

"Anya, where's Dinya?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Bumuntong hininga muna siya at saka sinipa ang dalawang nakaluhod na si Drake at Vince.

Falling to Pieces: Ars MoriendiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon