Chapter 5

1.2K 175 69
                                    

(Charles Brian Ty sa right side)


            Pagkatapos naming kumain, dinala ako ni Mommy sa kwarto nila at binihisan ng kung anu-ano. Naku! Ang Mommy ko talaga! Kung anu-ano na naman ang binili sa akin. Masyado namang girly. Eh medyo boyish ako manamit eh. But I don't have a choice since siya ang namimili ng mga damit sa akin. Hayyy. After ko magsukat ng pang limang damit, kinausap niya ako.

"Dharille, may importante akong sasabihin sayo. Pero sana wag kang magagalit at sana maintindihan mo ako," inaamin ko, kinakabahan ako. Kasi may hint na ako sa sasabihin ng mommy ko. Narinig ko kasi siya kanina habang kausap niya si Daddy eh. Pero sana hindi yun. Sana iba na lang. Kasi ayokong marinig yun. Masakit eh.

"Syempre naman po, Mommy. Ano po yun?" nasesense ko na! Wag naman sana yung tungkol sa kakambal ko. Umiinit na naman ang ulo ko. Tsss.

"Baby, don't be shock, okay? Don't be mad at me for not telling you the truth," yun na nga siguro. Ayan na! Kumukulo na ang dugo ko. Asar! Parang yun na nga talaga... Paulit ulit naman ako eh. Eh! Kinakabahan ako eh.

"Kinakabahan naman po ako sa sasabihin niyo, Mommy. What is it?" gusto ko nang umalis sa kinatatayuan ko. Sana mabingi na lang ako. Kahit ngayong gabi lang. Ayoko lang marinig ang tungkol kay Dharon.

"Kasi... You have a twin brother, Dharille. Dalawa kayong ipinanganak ko noon. Pero dahil sa hindi magkaanak ang Tita Hailey mo ay ipinahiram muna namin sa kanya ang kakambal mo ngunit inilayo nila ito sa amin ng Daddy mo. Galit na galit noon ang Daddy mo sa kapatid niya. Ipinahanap niya ito ngunit sa kasamaang palad eh hindi siya nagtagumpay. Hindi na namin alam kung saang lupalop napadpad ang Tita mo. Hindi na namin siya mahanap. Halos maguho ang mundo ko noong mga panahong iyon. Sobrang sakit ang naramdaman ko. Ang sakit mawalan ng anak. Pero ngayon, nahanap na namin siya. Sa Canada pala sila tumira kasama ang Lola mo, ang Mommy ng Daddy mo. Wala itong kaalam-alam na tunay niyang apo si Kyle. Ang alam niya kasi eh inampon lang ng Tita mo si Kyle dahil nga sa hindi ito magkaanak. Sa susunod na linggo ay uuwi na sila dito sa Pilipinas."

Sinasabi ko na nga ba! Tss! Whatever! Wala rin naman akong pakialam sa nangyari sa kanya. Sinaktan niya si Anya. Wala nang magbabago dun.

"Alam ko na po ang tungkol sa kakambal ko Mommy. Sinabi po sa akin ni Tita Mich. Pumunta po kasi siya dito para ipaalam sa akin ang lahat. Paano niyo po pala sila nahanap?" halatang nagulat si Mommy sa sagot ko sa kanya.

Oo. Alam ko na man talaga di ba? Ba't pa ako magugulat? Wew.

"Ang Daddy mo ang nakahanap sa kanila. Nag-attend kasi ng Engagement Party ang Daddy mo sa anak ng Business Partner niya sa Canada. At nakita niya duon ang Tita Hailey mo. Anak niya pala ang ikakasal sa anak ng business partner nila which is anak namin, na kapatid mo. Matagal ng business partner nila si Mr. Harris Ty pero hindi nila alam na nagkabalikan na pala ito ng asawa nito. Naghiwalay daw kasi sila dahil sa hindi magkaanak ang misis niya. And it turned out na ang Tita mo pala ang dati niyang asawa. At dahil dun, nagkausap ang Daddy mo at ang Tita Hailey mo. Nagkaayos na sila at uuwi na sila dito kasama ang kapatid mo at ang magiging asawa nito," so ganun pala yun. Ganun lang yun? So ano? Babalik na ba siya sa amin? Makakasama na ba namin siya? No freaking way! Hindi ko siya matatanggap! Never!

"Ano po bang pangalan ng magiging Sister-in-Law ko?" Tssss. The hell I care?

"Hillary Alexis Smith," ew. What an ugly name! Mas maganda pa ang pangalan ko. Halatang pinag-isipan.

"What a beautiful name. Pero mas maganda pa rin ang name ko di ba Mommy? Hehe," komento ko. Tsss. Yuck! Pwe. Nasusuka ako. Nakakainis.

"Of course naman, Hija. Ako ata ang nagpangalan sa inyo. Ang Tita Michelle mo lang ang nagbigay ng Mich pero pinalitan ko iyon ng Myche," so magkaibigan nga pala talaga sila nung clown na yun. Psh. Hindi ko pa rin makalimutan ang pagbibiro sa akin nung babaeng yun.

Falling to Pieces: Ars MoriendiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon