Chapter 20

832 109 7
                                    

               This is the 3rd chapter of my life. Matatapos na ang pag-o-OJT ko dito. Hayyy. Gusto ko nang umuwi ng Pilipinas. Nakakamiss kaya ang barkada. Walang ingay. Nakakabagot. Dito kasi, mga busy sila sa work nila eh. Buti pa nung andun kami sa Philippines. Laging naglalakwatsa. Dito tuloy, hindi. Sabagay, ilang buwan na lang din naman ay makakauwi na kami.

Nga pala, kasama ko pala ngayon si Dharon and his wife, Hillary. Remember them? Well. Okay na kami ngayon. Medyo may ilangan pa rin pero wag niyo nang isipin yun basta okay na kami. Close na rin kami ni Hillary. Oh! nakalimutan kong sabihin. Nagpakasal na nga pala sila nung isang buwan. Church Wedding. For real.

Don't worry about me. I'm not affected anymore. In fact, I'm happy for them. Sana magkaroon na ako ng pamangkin. Kaso malabong mangyari yun. Wala pa sa isip ng dalawa eh. Mag-eenjoy na lang daw muna sila sa buhay nila habang bata pa. Esas. Bahala kayo dyan.

Si Anya naman at yung girlfriend niyang si Achi Krisha eh andito na rin. Dalawang linggo lang naman sila magbabakasyon dito sa Germany tapos babalik rin sila ng Philippines kasi hindi raw dapat pabayaan ang CK Hotel. Tsk. Gusto ko nga sanang sumama eh kaso hindi pa pwede.

Si Dinya naman eh busy pa rin yun ngayon sa girlfriend niyang si Achi Katie. Tapos tinutulungan siya ng girlfriend niyang magmanage ng CK University. Di ba ang sweet? Kahit na napakasungit nun, may nagmamahal pa rin sa kanya ng totoo. Ako tuloy na super bait, wala. Nakakaningkit-mata tong love life ko. Hayyy. Si Dinya kasi, tinitrained na siya ni Daddy sa school para siya na ang maghandle nun kasi sa kanya rin naman yun eh.

Kung itatanong niyo naman kung kumusta na ang love life ko ay hindi ko kayo masasagot dyan. Focus na muna ako sa studies eh. Tsaka yung plano ko sa buhay, gusto kong tuparin yun kaya naman ay nagsisikap talaga akong makamit yung dream restaurant ko at yung resort. Wanna help?

February 7 ngayon at isang linggo na lang ay 14 na. Valentine's Day kung tawagin nila but I call it Wednesday. Such an ordinary day for me. Oh so boring.

Tinawagan ako kaninang umaga ni Venice na uuwi raw siya sa Pilipinas sa susunod na buwan para magbakasyon. Psh. 2 weeks lang daw siya dun at babalik ulit siya dito sa Germany. Kainis yun. Di man lang ako isasama. Haha. Bakit sa Pilipinas pa eh andito lang naman ako sa Germany! Loka.

I went to Snorlax kasi dun ako ngayon nagwowork pansamantala. Morning lang ang work ko kapag Tuesday, Wednesday and Thursday. Tapos gabi naman kapag Monday and Friday. Pero whole day ako kapag Saturday.

Maganda kapag saturday kasi hinahayaan kaming magluto ng gusto naming lutuin pero dapat yung sarili naming recipe. Pero may points yun ah! Parang contest na rin. At dapat ang love one mo ang magja-judge kung okay ba o hindi. Ang sarap nilang sapukin no?

And then Sunday is my rest day. Yahoo! Tama na nga ang kwento, magtatrabaho na ako my dear family and friends.



Papasok na ako ng kitchen nang tinawag ako ng chef namin. Inutusan niya akong bumili ng mga ingredients dahil naubusan daw kami ng stocks. Hell... Yeah! Why me? Hindi ba pwedeng sa iba na lang iutos? Grabe lang! Asar. Kakarating ko nga lang eh. Tsk.

Since wala naman akong karapatang magreklamo, umalis na lang ako para bilhin lahat ng mga pinapabili sa akin. Ganyan talaga kapag walang kapit. Hindi ka makakapagreklamo!


Makalipas ang dalawang oras ay nakabalik na ako dala lahat ng mabibigat na plastic bags na may laman na maraming meat and vegetables at kung anu-ano pang chechebureche. Syempre nagpatulong naman ako sa ibang dala ko kasi mabigat talaga siya. Although kaya ko naman talagang dalhin lahat. Wala eh. Maarte ako eh.

Falling to Pieces: Ars MoriendiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon