Chapter 46

655 92 18
                                    

Belated Happy Birthday Kelvin! Haha.. Thank you sa foods. Super nag-enjoy ako! XD

____________________________________________________________

(Harley Clarence Kliesen on the side)




Nakatulog pala ako. Anong oras na ba? Hindi ko mahanap ang relo eh. Bakit wala na dito sa tabi ko? But instead of watch, yung box na pink ang nakita ko.

Ibinaling ko ang paningin ko sa maliit na pink box na nasa tabi ko. Ito yung kaninang pilit kong inaabot pero nanghina na ako. Ano kaya ang laman nito?

I simply glanced the pink box with full of curiosity. Walang iniwang pangalan ang nagbigay nito. Kanino galing ang box na to? It's weird and creepy. It's a pink box with a blade formed design.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Kinilabutan ang buo kong pagkatao.



Dahan-dahan kong binuksan ang kahon. Nagulat ako sa laman na tumambad sa paningin ko. Agad kong nabitiwan ang laman nun kaya tumilasik ang laman sa ding-ding at nagkalat yun sa sahig ng kwarto ko.


Dalawang putol na kamay at may hawak na dalawang shurikens na may namuong dugo ang nakalagay sa kahon. Shit! Sinong sira ulo ang magbibigay ng ganito sa akin?



Lumabas ako ng silid at tinawag ang katulong namin. Mabuti na lang at gising pa siya. Pinalinis ko sa kanya ang nagkalat na dumi at pinatapon sa labas. Leche! Kung sino mang nagtitrip sa akin ng ganito, wag kayong magpapakita sa akin kung gusto niyo pang mabuhay!


Teka... Shurikens...


Tama! Yun ang laging kinokolekta ko noong bata pa ako. Natatandaan ko na. Lagi kong kalaro noon si Dinya. Dito mismo sa bahay na to. Duon sa...



Agad akong lumabas ng kwarto at pinuntahan ang likod ng bahay namin. Natatandaan ko nang may secret room ang bahay na to.

Ang dilim ng paligid. Bakit ba walang kailaw-ilaw sa parte ng bahay na to? Bakit parang tago ang lugar na to?

Ay ang tanga mo Dayle! Secret nga di ba? Paanong magiging secret yun kung nakabalandra? Isip isip din Dayle. Mahal ang memory gold ngayon. Psh.

I pushed the small concrete door as hard as I can pero hindi ko nabuksan. Ay tae! May passcode pala. Anong code nito? Huhu. I'm so hopeless.


"What are you doing here?"

"Ay shokoy!" nilingon ko ang taong nagsalita, "Ikaw lang pala Shoti. A-anong ginagawa mo dito?" pagbabalik tanong ko sa kanya. Kumunot ang noo niya.

"I asked you first. What are you doing here?" sasabihin ko ba? Dapat naman sigurong malaman niya di ba? Kailangan kong magtiwala sa kanya.

"May naalala lang ako tungkol sa nakaraan ko. Dito ako madalas maglaro dati kasama ni Dinya. Kaya lang hindi ko na alam ang passcode kaya hindi ko mabuksan," I sighed. He gave me disappointed look.

Falling to Pieces: Ars MoriendiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon